FILIPINO 9

Page 1

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

1


FIRST QUARTER Module 1:

Sa Pag-usbong ng Maikling Kwento

A. Pagbasa Sa mga sangay ng panitikan, ang maituturing na pinakaanak-isip ng pagsasamang Pilipino at Amerikano ay ang maikling kwento. Nang sakupin ng Amerika ang Pilipinas nadala ang sining na ito sa Pilipinas. Dahil sadyang bukas ang Pilipino sa anumang bago sa kanyang panlasa, ang maikling katha noon ay parang delicious hamburger ngayon na minsan niyang matikman at magustuhan ay agad tinangkilik hanggang tuluyang makahiligan at lubusang makasanayan. Sa Amerika, si Edgar Allan Poe na ngayon ay kinilala nilang “Ama ng Maikling Kwento� ang kauna-unahang lumikha at nagpakilala sa anyong ito ng pagsulat sa panitikan. Dito naman sa Pilipinas, ipinagkaloob kay Deogracias A. Rosario ang taguring ito, hindi dahil siya ang unang nakasulat ng masasabing may sangkap ng tunay na maikling kwento kundi sa kahusayan niya sa sining ng pagsulat nito. B. Wika Pangatnig Ang pangatnig ay tawag sa mga kataga o salitang nagpapahayag ng kaugnayan ng isang salita o mga salita sa kapwa salita o mga salita, o ng isang isipan sa kapwa isipan. Halimbawa: Kataga:

at, na, ma, o, ni, pag

Salita:

kahit, bagkus, sakalai, samantala, subalit, atbpa.

Lipon ng mga Salita:

sa halip, alalong baga, kung hindi, sa bagay na ito, atbpa.

Mga uri ng Pangatnig: 1. Pangatnig na panimbang – mga pangatnig itong nag-uugnay sa mga salita, parirala at sugnay na magkatimbang o mga sugnay na kapwa makapag-iisa. Maaari pa rin itong uriin gaya ng mga sumusunod: YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

2


a. Pamukod – ginagamit ito sa dalawa o ilang bagay o isipan; ang isa ay ibig itangi sa iba o alanganing piliin o iwaksi ang alinman sa dalawa. (ni, man, maging, kaya) Halimbawa: Maging ikaw o ako ay walang karapatang manghimasok sa buhay ng iba. b. Paninsay o panalungat – ginagamit ito sa mga tambalang pangungusap na ang unang bahagi ay sinasalungat ng ikalawa. (maliban, samantala, bagkus, habang) Halimbawa: Bagamat siya‟y isang hardinero lamang, marangal naman ang kanyang pamumuhay. 2. Pangatnig na di-panimbang – ginagamit ito bilang pang-ugnay sa dalawang sugnay na di-timbang. Ang isang sugnay ay nagsisilbing pantulong lamang kaya tinatawag na sugnay na di-makapag-iisa. Matatagpuan sa unahan ng sugnay ang mga pangatnig na di-panimbang gaya ng kung, sapagkat, palibhasa, sana, kung gayon, kapag, bago, atbpa. Ang mga pangatnig na dipanibang ay maaaring uriin gaya ng mga sumusunod: a. Panubali – nagpapahayag ng mga isipang may pasubali o di-ganap. KAraniwang ginagamit ang mga sumusunod: pag, kapag, disin, sana, kung, sakali. Halimbawa: Kung di ka dumating, siguro napahamak na ako sa kanya. b. Pananhi – nagpapahayag ng dahilan ng pangyayaing isinasaad ng pandiwa. Karaniwang ginagamit dito ang sanhi kay/sa, dahil sa, nangyari, palibhasa, dangan, kundangan, yamang, kung kaya, mangyari, manapa, alang-alang, mamaya, atbpa. Halimbawa: Palibhasa laki sa layaw, lahat ng gusto ay nasusunod. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

3


c. Panlinaw – ginagamit ito kung ibig liwanagin ang mga bagay na nasabi gaya ng anupa‟t, sa halip, kung gayon, kaya, tahasang sabi, atbpa. Halimbawa: Napakahusay niya magsalita, kaya napaniwala niya ang lahat sa kanyang mga kasinungalingan. d. Panulad – ito ay may tugunang pariralang ginagamit sa pagtutulad ng mg pangyayari. Karaniwang ginagamit na pangatnig ang kung gaano – gayun din, kung paano – gayundin, kung saan – doon din, kung ano – siya rin, kung sino – siya, kung alin – siya, atbpa. Halimbawa: Kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin.

PAGSASANAY: Panuto: Isulat kung anong uri ng pangatnig ang ginamit sa sumusunod na mga pangungusap. 1. Ni ikaw, ni siya ay hindi makapagpapatunay na ang kanyang sinasabi ay totoo. ____________________________ 2. Palibhasa ay laki sa hirap kaya marunong siyang magmalasakit sa mga bagay na pinaghirapan. ____________________________ 3. Sakaling hindi siya darating, ikaw na ang papalit sa kanya bilang tagapaglista. ____________________________ 4. Mahusay ang kanyang pangangatwiran. Kung gayon, sa kanya na ako maniniwala. ____________________________ 5. Kung ano ang puno ay siya ring bunga. ____________________________

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

4


6. Maging ano man ang sabihin nila patuloy akong maniniwala sa iyong kakayahan. ____________________________ 7. Kung paano mo siya pinakikitunguhan ay gayundin ang pakikitungo niya sa iyo. ____________________________ 8. Ni ako o ni ikaw ay hindi sasama sa gagawing paglalakbay. ____________________________ 9. Maliban sa mga nabanggit, kailangan mo pang magbigay ng iba pang halimbawa. ____________________________ 10. Nais kong masilayan angpagsikat ng araw kung kaya gumising ako nang maaga. ____________________________

Module 2:

Isang Sulyap sa Buhay ng Taxi Driver sa Singapore

A. Pagbasa Isa sa mga elemento ng maikling kwento ay ang tauhan. Tumutukoy ito sa mga tao – kung paano sila kumikilos, ano ang ginagawa, ng iniisip at pinaniniwalaan nila. Sa ganito, ang maiklig kwento ay naglalahad ng tungkol sa pagkatao ng isang karakter o tauhan. May mga tauhan sa mga akdang binabasa na alam mo na kung paano ang ikikilos o sasabihin. Mayroon naman makikilala mo nang husto at mababago mo ang impresyon mo tungkol sa kanya habang binabasa mo ang istorya. Mauuri sa dalawa ang tauhan: 1. tauhang lapad – ito ay walang pagbabago. Stereotype o karaniwan ang ang kanyang karakter. 2. tauhang bilog – ito ay may kalaliman ang pag-iisip na ipinahihiwatig ng kilos o pagsasalita niya. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

5


Sinasabing bilog ang tauhang ito dahil may iba-iba siyang mga katangian na mahirap makilala. Kailangang tuklasin pa, di tulad ng lapad na tauhan na may katangiang litaw na litaw. Napalulutang ng may-akda ang karakterisasyon sa pamamagitan ng mga detalye. Nailalarawan ang isang tauhan sa limang paraan: 1. pisikal na anyo at kilos 2. pag-iisip at paniniwala niya tungkol sa mga bagay-bagay sa kanyang paligid 3. asal o reaksyon sa mahahalaga o naglalahad na sitwasyon 4. pananalita at komentaryo 5. impresyon tungkol sa kanya ng ibang tauhan Tunay ngang mahalagang makilala ang mga tauhan sa isang akda upang higit na maunawaan ang papel na kanilang ginagampanan. Nakatutulong din ang mga gabay na inilahad sa itaas sa pagkilala ng bawat tauhan. B. Wika PANGNGALAN Ang pangngalan ay mga salita o lipon ng mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, lunan, gawa, o pangyayari. Ang dalawang uri ng pangngalan ay pambala at pantangi. Pantangi ang tawag sa mga salitang tumutukoy sa tanging ngalan ng tao, bagay, lunan o pangyayari. Pambalana ang tawag sa karaniwang ngalan ng tao, bagay, lunan o pangyayari. Mga halimbawa: Pantangi – Albert, Nokia, Davao, Kadayawan Festival Pambalana – kapatid, cell phone, lungsod, pagdiriwang Kaanyuan ng Pangngalan Ang pangngalan ay may apat na anyo: payak, maylapi, inuulit at tambalan. 1. Payak – ito ay binubuo ng salitang-ugat lamang. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

6


Halimbawa: baboy, bakasyon, botika 2. Maylapi – binubuo ito ng salitang-ugat at panalapi. Halimbawa: kalusugan, kamahalan, kayamanan 3. Inuulit – ito ay binubuo ng inuulit na salitang-ugat. Halimbawa: bagay-bagay, bahay-bahayan 4. Tambalan – binubuo ito ng dalawang salitang-ugat na pinagtambal. Halimbawa: silid-aklatan, balat-sibuyas, hukbong-dagat Katuturan ng Pangngalan 1. Basal – mga salitang itinatawag sa mga bagay na nadarama, nasa isip, diwa, at dadamin. Halimbawa: kaligayahan, buhay, pag-ibig 2. Tahas – ang mga bagay na nakikita o nahahawakan. Halimbawa: baso, kwaderno, telebisyon 3. Lansak – kung ang pangngalan na payak man o maylapi ay nangangahulugan ng kabuuan o karamihan. Halimbawa: kawan, lupon, tangkal 4. Patalinghaga – kung ang salita‟y di-tuwirang tumutukoy sa kinauukulan kundi sa isang bagay na katulad o kawangis. Halimbawa: bulaklak (dalaga), langit (kaligayahan) Kasarian ng Pangngalan 1. Panlalaki – kung ito‟y tiyak o likas na pantawag sa mga tiyakang ngalan ng tao o hayop na panlalaki. Halimbawa: kuya, ama, tandang 2. Pambabae – kung ito‟y tiyak o likas na pangtawag sa mga tiyakang ngalan ng tao o hayop na pambabae. Halimbawa: ate, lola, inahin 3. Walang Kasarian – kung ang pinag-uukulan ng ngalan ay walang buhay (di-tao o di-hayop) Halimbawa: banyo, pisara

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

7


Kailanan ng Pangngalan 1. Isahan – ang kailanan ng pangngalan kung isang ngalan lamang ang binabanggit. Ito ay ginagamitan ng mga pantukoy na si at ang. Halimbawa: Ang kahon ay nasa sulok. Si Karen ay maganda. 2. Dalawahan – ang kailanan ng pangngalan kapag dalawa ang binabanggit. Ginagamitan ng panlaping mag- at pang-uring pamilang. Halimbawa: Ang maglolo ay nagpunta sa bukid. Dalawang laruan ang binigay ni Angelina sa akin. 3. Maramihan – ang kailanan ng pangngalan kapag ang binabanggit ay tatlo o higit pa. Ginagamitan ito ng mga pantukoy na mga, sina at kina. Halimbawa: Ang mga palay ay nasira dahil sa bagyo. Sina Noemi, Penie, Sheila at Diane at matalik na magkakaibigan. PAGSASANAY: A. Magbigay ng mga pangngalang pantangi sa mga sumusunod: 1. gusali 2. awit 3. guro 4. aklat 5. kwento B. Ibigay ang katumbas na kasarian ng mga pangngalan sa ibaba: 1. bisiro 2. lolo 3. sapatos 4. tiyahin 5. ate YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

8


C. Tukuyin at isulat ang kailanan ng sumusunod na mga pangngalan. 1. magkakapatid 2. payong 3. magtiyo 4. papel 5. mag-aaral D. Ibigay ang katuturan ng mga sumusunod: 1. gamot 2. kalungkutan 3. hukbo 4. luha (kalungkutan) 5. kutsara E. Ibigay ang kaanyuan ng mga sumusunod: 1. palayan 2. mesa 3. sali-salita 4. bahaghari 5. anak-pawis

Module 3:

Ang Kwento sa Panahon ng Digmaan

A. Pagbasa Ang maikling kwento ay isang uri ng panitikang tumutugon sa pangangailangan ng mga mahihilig sa pagbabasa ngunit kapos sa panahon. Ito ay siyang pampanitikang libangan na makatawag-pansin. Kawili-wili at makahulugang basahin. Bilang akdang pampanitikan, ito ay dapat magtaglay ng sumusunod na tatlong pangunahing bagay: kaikliang maaaring tapusing basahin sa isang upuan lamang; mga tauhan, tagpuan at banghay na magbubunga ng isang kakintalan; at anumang bagay na maitutulong sa isang kaisahan ng bisa. Ang tagpuan ay isa sa anumang mahalagang elemento sa pagsusuri ng maikling kwento. Ito ay upang makabuo ng isang backdrop o tanawin sa isang kwento. TUmutulong din ito sa paghubog ng mga tauhan at pagpapalutang sa tema ng kwento. Ang tagpuan sa kabilang banda ay kinabibilangan ng ibaâ€&#x;t ibang tanawin, oras, panahon, moral o intelektwal, kapaligiran na nakabubuo ng antas kung saan ang mga tauhan ay kumikilos at gumaganap.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

9


Sa pagsusuri ng tagpuan mahalagang matukoy ng mga mambabasa ang sumusunod na mga aspeto: a. Lugar – heograpikal na lokasyon. Saan naganap ang kilos sa kwentong binasa? b. Oras – makasaysayang panahon, oras, araw, taon at iba pa. Kailan nangyari ang kwento? c. Kondisyon ng panahon – it ay tumutukoy sa kalagayan ng panahon. Tag-ulan ba? Tag-araw? O taglamig? d. Panlipunang kondisyon – ang binibigyang tuon o pokus sa pagsusulat ay ang pananalita, pananamit, manerismo, kaugalian, at iba pa sa isang partikular na lugar. Anu-ano ang mga pang-araw-araw na pamumuhay ng mga pangunahing karakter? Masasalamin ba sa kwento ang local na katayuan sa isang lugar? e. Mood o atmospera – tumutukoy sa kabuuang damdamin sa kwento. Anong damdamin ang binuo sa pag-uumpisa ng kwento? Ito ba ay katatawanan? Katatakutan? O kadiliman? Maliban sa tagpuan, nariyan din ang banghay na tumutukoy sa sunud-sunod na pangyayari o aksyon sa kwento. Kabilang sa banghay ang mga ginagawa, sinasabi, iniisip at mangyayari sa tauhan. Ang banghay ay isang lohikal na pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari na may simula, gitna, at katapusan. Ang banghay ay may limang mahalagang bahagi: 1. Panimula – simula ng kwento kung saan ipinakikilala ang tauhan at tagpuan. Ito rin ang nagbibigay ng pahiwatig kung ano ang magaganap. 2. Saglit na Kasiglahan – bahagi kung saan naging komplikado ang mga pangyayari at inilalahad ang tunggalian sa kwento (pangyayari sa pagitan ng simula at kasukdulan). 3. Kasukdulan – pinakamataas o pinakamatinding bahagi ng kwento. 4. Kakalasan – pangyayari kunf saan ang tunggalian ay binibigyan ng kalutasan. 5. Wakas – resulta ng mga pangyayari. B. Wika PANGUNGUSAP Ang pangungusap ay lipon ng mga salita o pangkat ng mga salita na nagpapahayag ng isang buong diwa o kaisipan. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

10


1. Isang salitang pangungusap Halimbawa: Umuulan. Lumilindol. 2. Pangungusap na isang pangkat ng mga salita Halimbawa: Hanggang ngayon ay walang makapagsasabi kung kalian nagsimula ang pagkakamuhi niya sa akin. Dalawang Bahagi ng Pangungusap 1. Simuno – ito ang paksa o ang pinag-uusapan sa pangungusap. Ang simuno o paksa ay maaaring : a. Payak – binubuo ito ng isang salita na tumutukoy sa paksa o pinaguusapan sa pangungusap. Halimbawa: Masarap magluto ng kare-kare si Mama. b. Buong simuno – binubuo ng payak na simuno at iba pang salita sa bahaging ito ng pangungusap. Halimbawa: Marami ang nagsusulat ng mga kwento sa kasalakuyang panahon. 2. Panaguri – ito ay bahagi ng pangungusap na nagsasabi tungkol sa simuno. Ang panaguri ay maaring: pangngalan, panghalip, pandiwa, o pang-uri na nagsasabi tungkol sa simuno. a. Payak na Panaguri – pandiwa o salitang nasa anyong pangngalan Hlalimbawa: Malimit na maging tampulan ng tukso ng lahat ang kanyang kawalang malay. b. Buong Panaguri – ang payak na panaguri kasama ang iba pang mga salita o panuring YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

11


Halimbawa: Maraming hula ang pinagmulan ng wika.

mga

dalubhasa

tungkol

sa

Tandaan: 1. May mga pangungusap na isang salita lamang dahil alam na kung ano ang paksa. Halimbawa: Tuloy. (ang paksa ay ang kausap) Umuulan. (ang paksa ay ang kalikasan) 2. Palatandaan ang salitang ay na ang kasunod na salita o mga salita ay panaguri kung ang pangungusap ay nasa di-karaniwang ayos kung saan nauuna ang simuno. Halimbawa: Ang mga tao ay maraming paniniwala tungkol sa pinagmulan ng sinaunang tao sa bansa. (panaguri) 3. Palatandaan ang mga salitang ang/ang mga at si/sina na ang sumusunod na salita o mga salita ay simuno. Halimbawa: Naniwala si Plato na talagang may likas na pangalan ang mga bagay. (simuno) Dalawang Ayos ng Pangungusap 1. Karaniwang ayos – ang pangungusap sa ganitong ayos ay nauuna ang panaguri sa simuno. Halimbawa: Nanggaling ang Alpabetong Romano sa alpabetong Phoenicia. 2. Di-karaniwang ayos – ang pangungusap sa di-karaniwang ayos ay nuuna ang simuno kaysa panaguri. Ginagamitan din ito ng panandang ay. Halimbawa: Ang unang nakasulat na wika ay mga iginuhit na pangalan. Uri ng Pangungusap 1. Payak ang pangungusap kung ito ay nagbibigay ng isang buong diwa. Ito ay maaaring magtaglay ng: YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

12


a. Payak na simuno at payak na panaguri Halimbawa: Kami ay sama-samang manonood ng sine sa mall. Tutol si Ruel sa pakikipag-iisang dibdib ng kaibigan. b. Tambalang simuno at payak na panaguri Halimbawa: Sila at kami ay sama-samang maliligo sa dagat. Sina G. Yoyo at G. Lavisores ay matalik na magkaibigan. c. Payak na simuno at tambalang panaguri Halimbawa: Ikinagalak ng tao at ipinagdiwang ng buong bayan ang pagkakahalal ni Noynoy bilang pangulo. Narinig at nalaman ko ang dalawan bagay tungkol sa aking mga kaibigan. d. Tambalang simuno at tambalang panaguri Halimbawa: Ako at si Cora ay tutol at nangangampanya laban sa diborsyo. Si Andres Bonifacio at si Dr. Jose Rizal ay magkasama at magkatuwang sa lahat ng oras. 2. Tambalan ang pangungusap kung nagpapahayag ng dalawa o higit pang malayang kaisipan. Halimbawa: Magkakasundo ba kayo o maghihiwalay na lang kayo? Ang mga bata ay nahihirapan at ang mga magulang ay nasasaktan. 3. Hugnayan ang pangungusap kung ito ay nagtataglay ng isang punong sugnay at ng isa o higit pang pantulong na sugnay.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

13


Halimbawa: Nagkahiwalay ang mga magulang nagkawatak-watak ang mga anak.

kung

kaya

Nalulong sa droga ang magkapatid nang magkahiwalay ang kanilang mga magulang dahil hindi na sila magkasundo. 4. Langkapan ang pangungusap kung ito ay nagtataglay ng dalawa o higit pang malalayang sugnay at ng isa o higit pang di malayang sugnay. Halimbawa: Ang pamilya ay dapat maging matatag at ang mga anak ay may kasiyahan upang ang lipunan ay maging pundasyon ng bansa. Mag-aaral ka o uuwi na lamang kayo sa lalawigan nang kayo naman ay magpanibagong buhay.

PAGSASANAY Panuto: Isulat sa patlang ang P kung ang pangungusap ay payak; T kung tambalan; H kung hugnayan at L kung langkapan. __________ 1. Pumapanig ako sa panlahatang pagbabawal sa pagputol ng punungkahoy. __________ 2. Patatagin mo ang iyong loob; gumawa ka ng sariling desisyon saka isagawa ang anumang pasyang nabuo mo. __________ 3. An gating kinabukasan ay gaganda kung mag-aaral tayong mabuti. __________ 4. Hindi dapat putulin ang mga puno at hindi na rin dapat abusuhin ang kapaligiran. __________ 5. Si Gabriel ang munti kong anghel na nagbibigay ng walang kapantay na kaligayahan sa aming pamilya. __________ 6. Iwasan ang mga salitang nakaiinsulto at nakasasakit sa kapwa. __________ 7. Nakadaram sila ng walang katiyakan. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

14


__________ 8. Ipinakikita nila ang pagrerebeldeng ito sa pamamagitan ng pagiging mayayamutin. __________ 9. Ang Pilipinas ay bansa ng mga dakilang malaya sapagkat mayroon tayong magigiting na mga bayani, lider, manunulat at mga propesyunal. __________ 10. Nakababahala ang pagkaagnas ng lupa at nakatatakot ang pagkakalbo ng mga kagubatan kaya dapat lang na ipagbawal ang pagputol ng mga puno.

Module 4:

Ang Kwento ng mga Tsino

A. Pagbasa Nahahati sa apat na uri ang tunggalian sa isang kwento. 1. Tunggaliang Tao laban sa Tao – ibig sabihin ay may suliranin sa kanyang kapwa. Ang bida laban sa kontrabida. Mabuting tao laban sa masamang tao. Maaaring may higit sa isang kontrabida sa isang akda. 2. Tunggaliang Tao laban sa Kalikasan – nangangahulugang nakikipagtunggali ang isang tao sa kalikasan. Kagaya halimbawa ng makaligtas sa isang bagyo, baha, lindol, tsunami, at iba pa. 3. Tunggaliang Tao laban sa Sarili – ibig sabihin nito ay suliranin ng tauhan sa kanyang sarili. Sa kanyang sariling pananaw, saloobin at kahit anong suliranin na may kinalaman lamang sa kanyang sarili. 4. Tunggaliang Tao laban sa Lipunan – ay pakikipagtunggali sa lipunan, sa uri ng pamamalakad ng pamahalaan at sa mga nakagisnang tradisyon. Ang tema ay ang kaisipang patuloy na nahuhubog sa kabuuan ng akda sa pamamagitan ng mga susing salita (keywords) na ntutukoy ng makata sa kanyang paksa, ang kanyang pakikitungo o damdamin tungo rito. Ito ay maaaring makita sa pamagat ng akda o sa bahagi ng akda. Ito ay bihirang ilahad ng may akda subalit ito ay maaaring sabihin ng nagbabasa at maaari itong sabihin sa maraming paraan.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

15


B. Wika Apat na uri ng Pagpapahayag: 1. Paglalarawan – naglalarawan ito ng tao (anyo, katangian), bagay, pook o lunan. Gumagamit ito ng angkop na mga pang-uri o pangungusap. “Ang saya naman ng klase ng Campion!” ang nag-uunahang wika ng mga mag-aaral. “Siyanga?” ang sabi ko naman. tila hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Ano ba ang kanilang batayan sa pagsabi noon? “Palaging nakangiti ang aking mga kaklase, masayahin, mapagbigay sa ibang nangangailangan, mabait na kaibigan at kamag-aral, magalang sa mga guro, responsableng mag-aaral, at mapagkakatiwalaang kaibigan,” ang wika ni Andre. “Kaya nga hindi ko makalilimutan ang klaseng ito dahil sobra akong naging masaya rito,” sabi naman ni Eke. Ah, ngayon ko lubos na nauunawaan ang ibig nilang sabihin. Subalit hindi lamang sila ang naging masaya sa klaseng iyon, maging ako na kanilang guro ay nagpapasalamat dahil naging bahagi ako ng masayang klaseng iyon. 2. Pangangatwiran – naglalahad ng mga bagay upang mahikayat ang mga bumabasa sa pamamagitan ng pagbibigay ng katwiran at pagbibigay ng mga katibayan at pagpapaliwanang. Ang pag-aasawa ay isang sagradong kasunduan. Sa lipunang Pilipino, itinuturing itong isang isang institusyong hindi nabubuwag ni malalapastangan. Ayon sa Kodigo Sibil ng Pilipinas, Artikulo 52: :Ang pag-aasawa ay hindi lamang isang kontrata kundi isang hindi malalabag na institusyong panlipunan.” Wala sa batas ng Pilipinas ang pagpapahintulot na papaghiwalayin ang mag-asawa sapagkat itinuturing na pinakamahalagang yunit ng isang lipunan ang isang pamilya. Kapag nabuwag ang yunit na ito, may posibilidad ding humina ang pinakamalaking yunit, ang lipunan. Ito ang dahilan kung bakit sa bagong Kodigo Sibil ng Pilipinas ay inalis na ang diborsyo na noong bago pairalin ang batas na ito, 1950, ay pinapayagang ipatupad sa Pilipinas ang tadhana ng Kodigo Sibil ng Espanya ng 1889. Gayundin, sa iba pang probisyon ng Kodigo Sibil gaya ng: 1. Artikulo 53 – may mga tuntuning dapat sundin bago mapahintulutang maging mag-asawa ang isang babae at isang YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

16


lalaki. Bilang pag-alinsunod ito sa matatandang kasabihang: Ang pag-aasawa ay di-gawang biro, kanin bagang iluluwa kung mapaso. 2. Artikulo 98 – bago bigyan ng separasyon legal ang mag-asawa ay ginagawa muna ng hukuman ang lahat upang sila ay muling magkasundo. 3. Paglalahad – pagpapahayag ng mga pamamaraan, paghahambing, at pagbibigay ng katuturan. Ginagamitan din ito ng payak at angkop na pangungusap. Nagsimula ang polusyon nang ang mga tao ay makatuklas ng apoy. Pinaiinitan nila ang kanilang kwebang tirahan at niluto na rin ang kanilang pagkain. Sinunog nila ang ilang bahagi ng kagubatan upang maitaboy ang mbabangis na hayop na maaaring makapinsala sa kanila. Ang usok at abong kumakalat mula sa mga sinunog na kagubatan ay nagdulot ng polusyon sa hangin. Ang abo na duming umagos sa tubig ng sapa, batis, at ilog ay naging dahilan upang maging marumi ang tubig. 4. Pagsasalaysay – naglalahad ng mga pangyayari ayon sa pagkakasunudsunod nito. Isinasaad dito kung kalian, saan at paano naganap ang pangyayari. Gumagamit ito ng payak na pangungusap upang madaling maunawaan ng bumabasa. Hunyo 5, 2010. Isa sa mga araw na hindi ko makalilimutan. Maaga pa lamang ay naghahanda na kami. Sabay-sabay muna kaming nananghalian. Hindi lang basta sabay kundi masayang nagkukwentuhan habang kumakain. Matapos kaming kumain ay umalis na kami papuntang palengke upang mamili ng mga lulutuin. Maingay sa palengke subalit daig pa yata naming ang ingay roon. Pagkatapos naming mamili ay umuwi na kami at nag-umpisang magluto. Kanya-kanyang gawain, may naghihiwa, nagbabalat, tumitikim, kumukuha ng litrato, atbp. hanggang sa sumapit ang takdang oras para kami ay umalis na patungo sa Blue Waters, isang beach resort sa Samal Island. Sobrang ganda ng lugar at tahimik. Lubos kaming nalibang at nalugod sa aming naging karanasan doon. Hanggang sa muling pamamasyal aking mga kaibigan.

PAGSASANAY Panuto: Tukuyin ang paraan ng paglalahad ng mga sumusunod na talata. 1. ____________________________________________________ YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

17


Wika ang daan ng pagkakaunawan. Wika ang tulay ng pagkakaisang damdamin ng mga mamamayan. Dahil sa mahalagang tungkuling ginagampanan ng wika sa kapakanan ng bansa, kinakailangang magkaroon ng pambansang wikang magbubuklod sa lahat ng mga mamamayang Pilipino sa ibaâ€&#x;t ibang panig at mga kapuluan ng Pilipinas. 2. ____________________________________________________ Madalas ay gabi na ako umuwi mula sa aking pinagtatrabahuhan. Kung minsan pa nga ay ako na lang ang naiiwan kung kaya madilim na sa daanan. Minsan isang gabi habang ako ay pauwi ay sinalubong ako ng sikyu at tinanong ako kung may nakita o may nakasalubong ba daaw ako na isang lalaki. Nagtaka ako kasi wala naman akong nakita ni nakasalubong kaya sabi ko ay wala dahil imposibleng hindi ko siya makita kung sakali. Tila nagulat ang sikyu at tinungo ang lugar kung saan maaaring dumaan ang lalaki habang hinintay ko siya sa tabi ng malaking puno. Pagbalik niya ay kinumpirma niya na wala ngang ibang tao. Pinagbilinan na lamang niya akong iwasang umuwi nang gabi.

3. ____________________________________________________ Ang parusang kamatayan ay napakabigat na parusang maaaring ipataw sa isang nagkasala sa batas. Subalit gaano man kabigat ang kasalanang nagawa ng isang tao ay hindi pa rin nararapat na patawan siya ng parusang kamatayan. Walang sinumang may karapatang kumitil ng buhay ng isang tao kahit siya pa ang pinakamasamang tao sa mundo. Wala sa ating mga kamay ang pagpapasya, tanging Panginoon lamang ang makapagbibigay ng hatol hinggil diyan. 4. ____________________________________________________ Sa klaseng may 39 na mag-aaral ay siya ang aking palaging napapansin, hindi dahil sa siya ang pasaway at maingay subalit dahil siya ay kabaliktaran nito. Pino kung kumilos, napakatahimik, sobrang mabait, mahiyain, malumanay magsalita at magalang na bata. Naisip ko tuloy, ano na lang kaya ang mangyayari kung sa loob ng klase ay ganito ang ugali ng lahat ng mag-aaral? Pihong maayos na maayos siguro ang klase. Tuwing naalala ko siya ay napapangiti ako. Siya si Jiggy, ang aking mag-aaral.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

18


Module 5:

Ang Nawawala ay Di na Maibabalik

A. Pagbasa Mga Uri ng Maikling Kwento 1. Kwento ng Tauhan – kinagigiliwang basahin ng mga mambabasa. Inilalarawan dito ang tunay na pagkatao o katangian ng pangunahing tauhan. 2. Kwento ng Kababalaghan – mga kwentong naglalarawan ng mga pangyayaring di-kapani-paniwala. 3. Kwento ng Pag-ibig – pumupukaw sa kawilihan ng mga mambabasa ang nauukol sa pag-ibig. 4. Kwento ng Kapaligiran/Katutubog Kulay – tagpuan o ang kapaligiran ang higit na pinahahalagahann dito, paglalarawan ng pook, ng pamumuhay, ng mga kaugalian at damdamin. 5. Kwento ng Katatakutan – nauukol sa mga nakahihindk at nakatatakot na mga pangyayari na nakapagpapatindig sa balahibo ng mga mambabasa. 6. Kwento ng Katatawanan – layunin ng kwentog ito na magbigay aliw at paligayahin ang mga mambabasa. B. Wika Ang talata ay binubuo ng lipon ng mga makabuluhang pangungusap na nagpapahayag ng isang pagkukuro, palagay o isipan. Sa pamamagitan ng talata ay nagagawa nitong malinang nang malinaw at may lalim ang isang paksang pangungusap.

Mga Katangian ng Mabuting Talata 1. May isang paksang-diwa – masasabing may isang paksang-diwa ang isang talata kapag ito ay nagtataglay ng isa lamang paksang pangungusap. Ang paksang pangungusap ay pangungusap sa talata na nagsasaad ng buod ng nilalaman niyon. Nagsisilbi itong patnubay upang hindi malihis sa YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

19


paksa ng talata ang mga pangungusap na nakapaloob sa talata at nang sa gayo‟y maiwasan ang pagpasok ng mga bagay na hindi kailangan sa talata. Maaaring makita ang paksang pangungusap sa iba‟t ibang bahagi ng talata. Madalas, ito ang unang pangungusap ng talata. Gayundin, nailalagay rin ito sa huling pangungusap ng talata at paminsan-minsan ay sa gitna ng talata. Ang anyo ng paksang pangungusap ay maaaring patanong o paturol. Pangungusap ito na maaaring nagbubuod o naglalahad ng diwa ng talata. 2. May kaisahan ng diwa – Masasabing may kaisahan ng diwa ang isang talata kapag ang bawat pangungusap ay nauugnay sa paksang pangungusap niyon. Pansinin ang kasunod na halimbawa: Mula noon, nakilala si Quezon sa larangan ng pulitika. Nahalal siya bilang gobernador ng Tayabas. Matapos iyo’y nahalal siyang kinatawan ng kanyang lalawigan sa Asambleya ng Pilipinas. Agad na napansin ng mgaraming mambabatas ang kanyang husay at talino sa Asambleya kung kaya’t di naglao’y nahalal siyang pinuno ng mayorya sa Asambleya. Ang paksang pangungusap ng talata ay nakilala si Quezon sa larangan ng pulitika. Pansinin na lahat ng kasunod na pangungusap niyon ay may kaugnayan sa pagiging pulitiko ni Quezon: Nahalal siya bilang gobernador; nahalal siyang kinatawan ng Asambleya; at nahalal siyang pinuno ng mayorya ng Asambleya. Kung may ibang pangungusap sa talata, halimbawa, “Ang kanyang mga magulang ay sina Maria Molina at Lucio Quezon,” mawawalan ng kaisahan ang talata sapagkat ang pangungusap ay wala nang kaugnayan sa paksang pangungusap niyon. 3. May wastong paglilipat-diwa – nagiging malinaw ang mga pangungusap ng talata kapag may wastong paglilipat-diwa. May mga salita at pariralang ginagamit sa paglilipat-diwa. Makatutulong ang mga ito upang maunawaan ang mga pangungusap na bumubuo sa talata. Sa bawat kaisipang ililipat, may angkop na salita o pariralang ginagamit. Pansinin ang mga kasunod na halimbawa: 1. Pagdaragdag – at, saka, gayundin

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

20


2. Pagsalungat – ngunit, subalit, datapwat, bagaman, kahiman, sa kabilang dako 3. Paghahambing – katulad ng, kawangis ng, animo‟y, anaki‟y 4. Pagbubuod – sa madaling sabi, kaya nga 5. Pagkokonklud – samakatwid, kung gayon Masasabing may kaisahan ng diwaang isang talata kapag ang bawat pangungusap niyon ay tumutulong sa pagsusulong ng diwa ng talata kapag ang bawat pangungusap ay nauugnay sa paksang pangungusap niyon. 4. May kaayusan – bagama‟t walang tiyak na panuntunang sinusunod ukol sa pag-aayos ng talataan, mabuting ayusin ang mga pangungusap sa talata sa paraang papaunlad ang galaw ng mga pangyayari o ang mga kaisipang tinatalakay. Kumpletuhin muna ang kaisipan ng isang talata bago lumipat o gumawa ng bagong talata. Maaaring maging ganito pangungusap sa loob ng talata.

ang

gawaing

pagsasaayos

ng

mga

1. Ayusin ng kronolohikal o ayon sa pagkakaganap ng mga pangyayari. Karaniwan ang ayos na ito sa mga komposisyong pasalaysay o palahad. 2. Ayusin ayon sa pananaw sa bagay o pangyayari, gaya halimbawa ng malapit-palayo o kabalikan nito, mula sa loob-palabas o kabalikan nito o mula sa kanan-pakaliwa o kabalikan nito. 3. Iayos na mula sa masaklaw patungo sa tiyak. Ito ang karaniwang ayos na ang paksang pangungusapa ang unang pangungusap ng talata. Maaari ring ayusin sa kabalikan nito na mula sa mga pangungusap na tiyak tungo sa masaklaw na pangungusap. Sa ganito, ang paksang pangungusap ang huling pangungusap ng talata.

PAGSASANAY: Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag. Lagyan ng tsek kung ito ay paksang pangungusap. Kung hindi ito paksang pangungusap ay isulat muli at gawing paksang pangungusap. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

21


_____ 1. Maraming halamang-gamot ang napatunayang mabisang lunas sa mga karamdaman. Muling Pagsulat: _________________________________________ _____ 2. Paghuli sa magnanakaw. Muling Pagsulat: _________________________________________ _____ 3. Ito‟y di malilimutang karanasan. Muling Pagsulat: _________________________________________ _____ 4. Ang pagbibigay ng corporal punishment sa mga mag-aaral ay mahigpit na ipinagbabawal. Muling Pagsulat: ________________________________________ _____ 5. Maayos na pagtatanghal ng mga mag-aaral. Muling Pagsulat: _________________________________________ _____ 6. Mga kinasasabikang tagpo sa “Eclipse.” Muling Pagsulat: _________________________________________ _____ 7. Ang pinakatahimik kong pinsan. Muling Pagsulat: _________________________________________ _____ 8. Ang pag-aaral ng pagluluto ay isang magandang libangan na mainam na linangin. Muling Pagsulat: ________________________________________ _____ 9. Ang pagsulat ng dyornal ay nakatutulong na malinang ang kasanayan sa pagsulat. Muling Pagsulat: ________________________________________ _____ 10. Ang talamak na bullying sa paaralan. Muling Pagsulat: _________________________________________

Module 6:

Masining na Paglalarawan

A. Pagbasa Sa pagsusuri ng maikling kwento ay magkakaroon ka ng malawak na pagunawa sa kwento. Magkakaroon ka rin ng malawak na pagpapahalaga sa YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

22


panitikan. At malalaman mo rin kung paano ginamit ng may-akda ang elemento ng maikling kwento at iba pang teknik sa masining na pagsulat. Ang pagsusuri ay nakatutulong din kung paano gumawa ng sariling kwento. 1. Banghay – ang pagunahing pangyayari sa kwento. 2. Tagpuan – tumutukoy sa oras, lugar, kalagayan, at kondisyon ng lipunan maging ang kasaysayan. 3. Tauhan – tumutukoy sa protagonist, antagonista at pangalawang tauhan sa kwento. Binubuo ng may-akda ang karakter ayon sa kanyang iniisip, ginagawa, kanyang katauhan at kung ano ang sinasabi ng iba pang tauhan tungkol sa kanya. 4. Tema – tumutukoy sa pangunahing ideya ng kwento. Ito ang katotohanang nais ilabas ng may-akda. Kung minsan hindi lantarang ipinakikita ng mayakda ang tema. 5. Pananaw o Point of View – tumutukoy sa taong nagsasalaysay sa kwento. Ang tagapagsalita o narrator ng kwento. Maaaring ang kwento ay isinasalaysay ng unang persona, tulad halimbawa ng pangunahing tauhan o protagonist ng kwento o eyewitness. Maaari ring ito ay ang pangatlong panauhan o narrator. Ang narrator ang tagapagsalaysay ng kwento. B. Wika Kung ang paglalarawan ay pangkaisipan, ang masining naman ay pandamdamin. Mga salitang naglalarawan ng pandama – nakikita, naririnig, naaamoy, nahihipo, nalalasahan, ang mga pananalitang ginagamit dito, bukod sa iba pang mahahalagang kasangkapang panlarawan, gaya ng patambis at tayutay. Ang detalyeng inilalahad dito ay makatotohanan, kaya lamang nakukulayan na ito ng imahinasyon, pananaw at opinyong pansarili ng tagapagsalaysay. Layunin nitong makaantig ng kalooban ng tagapakinig o mambabasa para mahikayat silang makiisa sa guniguni o sadyang nararanasan.

Ang Mahahalagang Deskripsiyon

Kasangkapan

ng

Masining

na

Paglalarawan

o

1. Paglalarawang Diwa o Mapapandamang Salita

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

23


Pagpukaw sa mga pandama kaya dapat ang gamiting pananalita ay yaong nararamdaman – naririnig, nakikita, umaalab, maaksyon, masasarap, matutunog at masisimoy, sapagkat nakapagpapatindi ang mga ito sa karanasan ng mga tagapakinig. 2. Paghahambing Ang pagwawangis o pagtutulad sa paglilinaw ng mga bagay-bagay na inilalarawan. Higit na malaki ang impak ng nararamdaman ng kinauukulan kung sa konkretong larawang naipapahayag ang inilalarawan. May agwat, may bilang, may kulay, may anyo, may hugis, may amoy, may lasang nadarama. 3. Pag-aangkop ng mga Salita Pinipili ang paggamit ng mga salita. Kailangang tiyak ang bagay na inilalarawan o kung hindi man, yaong magpapahiwatig ng bagay. Dito nakasalalay ang kapangyarihan ng salitang umantig at kumintal. 4. Pagtatambis Ito ang mga salita o pariralang hindi tuwirang tumutukoy, sadyang lumilihis sa literal na kahulugan at sa tuntuning pambalarila, maaaring pinagtambal na dalawang salitang may kani-kanyang tanging sariling kahulugan ngunit madaling napapalitan ng nalilikhang panibago o ikatlong kahulugan.

PAGSASANAY: Panuto: Bumuo ng isang talatang masining na naglalarawan sa isang bagay. Tiyakin na ang mahahalagang kasangkapan ay nagagamit sa paglalarawan. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ __________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

24


___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ __________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ __________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________

SECOND QUARTER Module 1:

Isang Sulyap sa Pag-usbong ng Dulaang Pampelikula

A. Pagbasa Ang pelikula ay isang anyo ng sining na pinagagalaw sa pamamagitan ng kamera o di kaya sa pagbuo ng mga imahe gamit ang animation techniques o visual effects. Ang pelikula ay isa ring cultural artifact tungkol sa isang tiyak na kultura, na sumasalamin sa kalinangan ng bansang naturan. Ang pelikula ay itinuturing na isang mahalagang anyo ng sining, na nagbibigay-aliw at aral sa mga manonood. Ang elementong biswal ng pelikula ay isang anyo ng komunikasyon na lumilinang sa kasanayan ng tao. Ang ibang mga pelikula ay naging popular na atraksyon sa buong mundo. Bagamat ang wikang ginagamit ay hindi nauunawaan, sa pamamagitan ng subtitles ay nagagawa nitong maipaabot sa manood ang mensahe. Ang bawat pelikula ay binubuo ng magkakasunod na mga imahe na kung tawagin ay frames. Ang mga imaheng ipinalalabas ayon sa pagkakasunud-sunod YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

25


ay nagbubunga ng malaking ilusyon sa mga manonood. Hindi makikita ng mga manonood ang pagkislap ng kamera dahil sa effect na kung tawagin ay persistence of vision. Nakukuha at nauunawaan ng mga manonood ang kanilang nakikita dahil sa epektong sikolohikal na kung tawagin ay beta movement. Ang katawagang pelikula o film ay halaw sa photographic film na kilala rin sa tawag na film stock na siyang pangunahing paraan sa pagtatala at pagpapamalas ng motion pictures. Ito ay tinatawag na pelikula sa Estados Unidos at sine naman sa Europa. B. Wika Ang panaguri ay mga salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa pangngalan at panghalip. Ang pang-uri ay may kaantasan o kasidhian. Ito ay ang mga sumusunod: 1. Lantay – kung ang tuon ng paglalarawan ay nakapokus sa isang bagay lamang. Ito ay basal na paglalarawan. Halimbawa: Ang mahiyaing dalaga ay hindi na natatakot na magsalita. 2. Pahambing – kung ito ay naglalarawan ng dalawang tao, bagay, lugar, hayop, gawain o pangyayari. A. Pahambing na Magkatulad Sa paghahambing ng magkatulad na katangian ay gumagamit ng mga panlaping gaya ng magkasing-, sing-, sim-, sin-, magsing-. Magsim-, magsin-, ga-, at mga salitang pareho at kapwa. Halimbawa: Kapwa tahimik ang magkaibigang iyan. Magkasingganda ang magkapatid na Ruby at Rona. B. Pahambing na DI-magkatulad 1. Palamang – makahihigit sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing. Gumagamit ng higit, lalo, di-hamak, atbp. Halimbawa: Di-hamak na magaling si Cyril kaysa kay Zenaida. Higit na mahusay sa klase si Ann kaysa kay Messy.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

26


2. Pasahol – kulang sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing. Gumagamit ng di-gaano, di-gasino, dimasyado, atbp. Halimbawa: Di-kasinlaki ng problema ni Elsa ang dinadanas ngayon ni Tess sa kanyang pamilya. Di-gaanong mataas sa wikang Filipino si Liza kaysa kay Aurora. 3. Pasukdol – kapag ang paglalarawan o paghahambing ay nakatuon sa higit na dalawang bagay o tao. Ang paglalarawan o paghahambing ay maaaring pinakamababa o pinakamataas. Ang paglalarawan ay masidhi kung kaya maaaring gumamit ng mga katagang sobra, ubod, tunay, talaga, saksakan ng, hari ng, atbp – at kung minsan ay pag-uulit ng mga pang-uri. Halimbawa: Ubod ng ganda ang aking ina. Malaking-malaki ang tulong ni Laura sa kanyang pamilya.

PAGSASANAY: Salungguhitan ang mgapang-uri na matatagpuan sa pangungusap at tukuyin ang kaantasan nito. __________________ 1. Ang taong mapagpakumbaba ay higit na pinagpapala. __________________ 2. Sobra-sobrang maunawain si Marvin. __________________ 3. Higit na mabuti ang maganda sa panloob na aspeto kaysa sa pisikal na aspeto. __________________ 4. Kapwa matalino ang magkapatid na Dave at Jake. __________________ 5. Pinakapaboritong teleserye ng mga Dabawenyo ang “May Bukas Pa”. __________________ 6. Sintigas ng bato ang paninindigan ng mga taong may prinsipyo. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

27


__________________ 7. Talaga namang napakalinis ng puso at kalooban ng mga taong pinalaya ng Diyos mula sa matinding pagkakasala. __________________ 8. Higit na masarap ang magmahal kaysa magtanim ng galit sa kapwa. __________________ 9. Talagang napakasakit sa damdamin ang ginawa ni Bing kay Ana. __________________ 10. Maraming mga tao ang nagtatanim ng mgalit sa kapwa dahil sa kalupitang kanilang nararanasan.

Module 2:

Ang Mundo ng mga Jaguar

A. Pagbasa Bago umpisahan ang pagbuo ng isang iskrip ng pelikula, ay mahalagang magkaroon ng oras upang pag-aralan at maging pamilyar sa mga terminolohiyang ginagamit sa isang pelikula. Narito ang mga elemento ng pelikula. Elemento ng Pelikula 1. Frames – kapag nanonood tayo ng pelikula, tayo ay nanonood ng sunudsunod na na pagpapakita ng mga larawan o imahe. Ippinapakita ang 24 – larawan sa loob ng isang segundo, nagapakita ito ng ilusyon na ang mga larawan ay gumagalaw na bumubuo sa pinaksimpleng prinsipyo ng isang pelikula. 2. Shots/Takes/Cuts – ito ang pagkakasunud-sunod na pagpapakita ng mga frames. Ang magandang kuha ay nag-iiwan sa atin ng impresyon, nagpapakita ng namamayaning damdamin o emosyon sa isang particular na sitwasyon. Ang mahusay na pagdidirehe ay nakasalalay sa pagkuha ng isang magandang shot. Sa pamamagitan ng wastong set-up ng mga kamera, ng blocking, ng mga kasuotan, ng ilaw, mga diseny sa set, at iba pa, ang director ay may kakayahang maipakita hindi lamang ang nangyayari kundi may kakayahan din siyang dalhin ang mga manonood sa loob ng pelikula.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

28


3. Scenes (Eksena) – ang bawat eksena ay binubuo ng maraming shots o kuha mula sa isang lokasyon na nagpapakita ng isang pangyayari. Karamihan sa mga eksena ay binubuo ng iba‟t ibang shots o kuha na pinagtagpi-tagpi upang makapagbigay ng impresyon na tuluy-tuloy ang kilos sa bawat kuha. 4. Sequence (Pagkasunud-sunod) – ang mga eksena ay pinapangkat upang makabuo ng isang sequence na kumakatawan sa isang pangyayari. Ito ay ang katumbas ng kabanata sa isang aklat. Kung ikaw ay may balak na bumuo ng isan pelikula, pag-aralan mo muna ang mga pelikula na nasa magkatulad na genre, tutukan mo ang mga magagandang sequence na nakaaloob dito at busisiing mabuti upang maintindihan sa kung paanong ang mga eksena ay pinagsama-sama upang makabuo ng isang maganda at makabuluhang sequence. 5. Acts – binubuo ng mga sequences na pinagsama upang makabuo ng isang malaking pangyayari na magpapakita ng panibagong direksyon sa daloy ng kwento. Ito ay nahahati sa tatlo: ang simula, gitna at wakas. Subalit ayon kay Jean Luc Godard (1960) “Ang bawat pelikula ay may simula, gitna at wakas… subalit hindi ito nangangahulugang ganoon ang pagkakasunud-sunod.” B. Wika Ang sanhi at bunga ay malaking tulong sa mas higit na pag-unawa sa isang pangyayari sa pelikula dahil makikita rito ang pagpapaliwanag sa mga pangyayari. Ang sanhi ay ideya o pangyayari na maaaring humantong sa isang bunga. Samantalang ang bunga naman ay ang resulta, kinahinatnan o kinalabasan ng pangyayari. Halimbawa: Inalagaan ni Khely ang mga pananim at nilagyan ng pataba kung kaya ang mga ito ay tumubong malusog at nagkaroon siya ng masaganang ani. PAGSASANAY: Guhitan ang sanhi at bilugan naman ang bunga sa bawat pahayag. 1. Bumagsak siya sa asignaturang Filipino dahil sa kanyang katamarang magaral ng leksyon. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

29


2. Nagkaroon ng pasa at galos sa katawan si Kris sa nangyaring banggaan ng kotse kamakailan. 3. Naghanda ng isang engrandeng salu-salo si Frenz sa pagkapanalo niya bilang Lakan ng Lahi. 4. Palaging naghihikab si Harlon sa klase dahil matagal bago siya makatulog kung gabi. 5. Nahulog sa kanal ang kanyang bagong bag kung kaya naglulupasay siya ng iyak. 6. Hindi pinapasok ng gwardiya ang mga batang walang ID. 7. Nagtatalon sa tuwa si Dane nang malaman niyang pumasa siya sa eksam. 8. Malinis na malinis ang silid-aralan matapos pagalitan ni Miss Di ang buong klase. 9. Sa pagbabahagi niya ng kanyang problema ay gumaan ang kanyang pakiramdam. 10. Takot na muling magmahal si Sarah dahil sa mapait niyang karanasan sa buhay-pag-ibig.

Module 3:

Pagsisiyasat sa Kahulugan ng Pelikula

A. Pagbasa Ang manunulat sa pelikula ay walang pagkakaiba sa isang tagapagsalaysay ng kwento sa alinmang akdang pampanitikang nababasa. Sa pagbuo ng kwento na gagamitin sa isang pelikula, madalas ang mga manunulat ay nagsisimula sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari na siyang bubuo sa bahagi ng kwento. Sa kabuuan, ito ang tinatawag na banghay ng kwento. Ang isang kwento ay magiging kapana-panabik lamang kung ito ay may malaking epekto sa mga manonood. Ang pinakamahalagang bahagi sa kwento ay hindi gaano sa kung ano ang magaganap kundi sa kung paano binigyan ng reaksyon ng mga pangunahing tauhan at iba pang tauhan ang mga pangyayari na siyang naging dahilan ng kanilang tunggalian. Ang tunggalian ay masasalamamin lamang sa mga dayalogo at madramang eksenang mapapanood sa pelikula. Isang halimbawa nito ay ang pelikula ni Harald Zwart na “Karate Kid�, kung saan ang pangunahing tauhan ay paulit-ulit na ipinalalagay ang jacket niya sa ginawang lalagyan ng master niya. Napakasimple ng nais iparating ng eksena, ngunit nasa reaksyon ng pangunahing karakter ang siyang nakatutuwang panoorin.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

30


Sa kabilang banda naman ang dramatic action ay hindi gaano sa kung ano ang sinasabi, kundi kung ano ang hindi sinasabi. Sa pamamagitan ng panonood sa bawat maaksyong pangyayari ng mga pangunahing tauhan, mauunawaan natin ang kanilang nais ipahiwatig. At habang umalawak ang kwento ay mas makikita natin ang pagbabago ng tauhan bilang resulta ng mga pnagyayari sa kwento. Anumang pagbabago ng mga tauhan ay siyang ginagamit upang mailahad ang sentral na konsepto o tema ng pelikula. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga suliranin sa pakikidigma na maapanood sa pelikulang “Apoclypse Now” kng saan sinasalamin ang karahasan ng isang lugar. Ang patuloy na sumisikat na tema sa pelikulaay yaong nagpapalawak sa katauhan ng isang tao sa kung paano siya nagkaroon ng lakas ng loob na harapin ang anumang pagsubok sa buhay na walang pag-aalinlangan. Tulad na lamang halimbawa ng pelikulang “Karate Kid,” na nag-iiwan sa atin ng isang aral na kung tayo ay magsusumikap sa buhay ay matututuhan nating tanggapin at labanan ang ating takot at kahinaan. Mula rito, ay magkakaroon na tayo ng isang espesyal na biyaya sa ating sarili. At sa katapusan ng “Karate Kid” nakatanggap ang pangunahing tauhan kay Ginoong Miyagi ng isang pagsang-ayon at pagpupugay sa kanyang tagumpay bilang bunga ng kanyang pagsusumikap. Sinasabi ng ilan na ang ganitong pagpupugay mula sa isang ama o father figure ang siyang ninanais ng bawat isa at ang ganitong madamdaming eksena ng pelikula ang siyang nagbibigay ng malaking tabumpay sa takilya. B. Wika Ang mga Tambalang Salita o Idyoma Malimit tayong magbigay ng kahulugan ng mga salita. Kung minsan, ipinaliliwanang natin ang katuturan ng mga ito o ibinibigay natin ang mismong kahulugan ng salita sa paggamit ng salitang kasingkahulugan. Kailangan lamang nating maiwasan sa uring ito ng paglalahad ang maligoy at di kailangang salita sapagkat lalong hindi natin mauunawaan ang nais nating bigyan ng kahulugan. A. Tambalang-salita 1. asal-hayop

-

masamang ugali

Halimbawa: Asal-hayop ang babaeng iyan kung kaya marami ang umiiwas sa kanya. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

31


2. balat-sibuyas

-

iyakin

Halimbawa: Balat-sibuyas ang aking anak kung kaya malimit siyang tinutukso sa paaralan. 3. balat-kalabaw

-

hindi marunong mahiya

Halimbawa: Balat-kalabaw siya sapagkat hindi niya inaalintana ang mga masasakit na salita ng kanilang kapit-bahay. 4. sanga-sangang dila

-

sinungaling, bulaan

Halimbawa: Marami sa aming mga kasamahan ang may sanga-sangang dila kung kaya takot kaming pakisamahan sila. 5. bagong-ahon

-

bagong dating

Halimbawa: Sinalubong ng mmga kabataan ang mga bagong-ahon na opisyal ng bansa. B. Idyoma 1. babaha ng dugo

-

magkakaroon ng patayan

Halimbawa: Hindi maiiwasan ang pagbaha ng dugo sa aming lugar kung magmamatigas ang mga rebeldeng sumuko sa maykapangyarihan. 2. binuksan ang dibdib niloloob

-

nagsabi

ng

totoo,

nagtapat

ng

Halimbawa: Binuksan ni Maida ang kanyang dibdib upang malaman ng kaibigan ang totoong pangyayari sa likod ng malaking hidwaan na kanyang kinasasangkutan.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

32


3. naglubid ng buhangin totoo

mapaggawa ng mga salitang hindi

Halimbawa: Hindi ko maiwasang magalit sa babaeng naglubid ng buhangin sa harap ng karamihan na naging dahilan ng aking kasawian. 4. malikot ang kamay

-

kumukuha ng hindi kanya

Halimbawa: Marami sa amin ang malikot ang kamay. 5. maluwang ang turnilyo

-

may sayad sa isip

Halimbawa: Hindi na siya dinala sa kulungan bagamat siya ay nagkasala dahil napatunayang maluwang ang turnilyo niya.

PAGSASANAY: A. Magbigay ng halimbawa ng mga tambalang salita at idyoma at gamitin ito sa pangungusap. Tambalang salita 1. ___________________________________________________________ 2. ___________________________________________________________ 3. ___________________________________________________________ 4. ___________________________________________________________ 5. ___________________________________________________________ Idyoma 1. ___________________________________________________________ 2. ___________________________________________________________ 3. ___________________________________________________________ 4. ___________________________________________________________ 5. ___________________________________________________________ B. Piliin sa loob ng pangungusap ang mga tambalang salita at idyoma at ibigay ang kahulugan nito. 1. Ang kanilang naging kapalaran ay hulog ng langit. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

33


2. 3. 4. 5.

___________________________________________________________ May hangin sa ulo ang babaeng lumapit sa iyo kanina. ___________________________________________________________ Hinahabol na ng gunting ang buhok ni Allan. ___________________________________________________________ Pabalat bunga lamang ang kanyang mga sinasabi. ___________________________________________________________ Ang malimit kong nakakasama ay ang aking kaututang dila. ___________________________________________________________

Module 4:

Ang Himala

A. Pagbasa Sa isang pelikula ay may mga elementong dapat makita upang matawag itong magandang pelikula. Narito ang ilan pang elemento ng pelikula sa aspetong teknikal. Ang film genre ay isang mahalagang elemento na kailangang bigyan ng konsiderasyon. Ang bawat isa ay may paboritong genre ng pelikula na pinapanood. Ang genre ay maaaring maglarawan ng ibaâ€&#x;t ibang aspeto ng isang pelikula: gaya ng tagpuan, ang damdamin at emosyong ipinakikita at ang pormat kung paano ito inilahad (halimbawa: feature film, digital video, clay animation, at iba pa). Narito ang ibaâ€&#x;t ibang genre ng isang pelikula: action, adventure, comedy, crime/gangster, drama, epic/historical, fantasy, horror, musicals, science fiction, thriller, war, at westerns. Nakatutulong ang panonood ng maraming pelikula na nabibilang sa iisang genre upang makita at masuri ang pagkakaiba o pagkakatulad ng mga ito. Iwasang gayahin ang mga kadalasang ginagawa sa isang pelikula, halimbawa: kapag aksyon, mahuhulaan kaagad na magkakaroon ng mga habulan at pagsabog ng sasakyan. Bawat genre ay may kani-kanyang eksena na inaasahan na ng mga manonood. Sikaping iwasan ang paggaya sa mga ito o kaya ay gamitin ang mga ito sa paglikha ng panibagong daloy ng kwento. Ang paghahanap ng isang magandang istorya ay hindi isang madaling gawain. Subalit sa pamamagitan ng puspusang pagsasanay ay mahuhubog na ang iyong kasanayan sa pagkukwento at sa pagkuha ng isang simpleng ideya, tauhan o bagay na magagamit mo sa pagbuo ng isang kwento. Bawat manunulat YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

34


ay may kani-kanyang paraan ng pagbuo ng kwento na matututuhan mo rin sa pamamagitan ng pagsasanay. Maraming paraan kung paano ka makakukuha ng ideya sa pagsulat ng isang kwento. Halimbawa, sa mga kwentong ibinabahagi ng iyong mga kaibigan at kapamilya, sa mga nababasa sa pahayagan at magasin, sa mga nobela at marami pang iba. Sa umpisa ng pagsulat, mahalagang magsulat ka ng kahit ano. Wika nga, kailangan mo munang makasulat ng ilang libong salita bago ka makabuo ng isang magandang ideya. Umpisahan mong magsulat ng isang maikling kwento na may ilang talata lamang pagkatapos ay palawakin mo ito ng ilang pahina. Kapag nagustuhan mo na ang daloy ng iyong isinusulat ay ipagpatuloy mo ang pagpapalawak nito hanggang sa makabuo ka na ng isang buong iskrip. B. Wika Mahalagang matutuhan ang pangagatwiran lalo na kung nais mong manghikayat na panoorin ang isang pelikula. Ang pangangatwiran ay isang uri ng paglalahad na ginagawa natin araw-araw. Kahit sa simpleng pagsasabi ng gusto natin, nagdurugtong tayo ng pangangatwiran. Halimbawa: Mas gusto ko ito na sabong pampaligo kasi mabango na, mura pa. Maging sa pagtatalong pormal at impormal, nangangatwiran tayo upang ipakita ang lohikal o makatwirang pag-iisip sa pagbuo ng opinyon o panig. May mga bahagi ang isang pangangatwiran. 1. Pagpapahayag ng panig o pagsagot sa katunggaliana panig Halimbawa: Ang Ingles diumano ay isang wikan pandaigdig at malalagay tayo sa agos ng internasyonalismo kung gagamitin ang wikang ito. 2. Pagtukoy ng mga ebidensya Halimbawa: Ngunit sa mga pangkat pamantasan sa Europa, maraming hindi marunong ng Ingles.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

35


3. Konklusyon na isang pahayag na paglalahat batay sa mga inilahad na detalye o katotohanan sa ebidensya Halimbawa: Kung tayoâ€&#x;y mahinahong magsisikap at mag-uukol ng pansin at panahon sa ating pagbigkas, an gating wikaâ€&#x;y madaling magiging laganap. Ang kulang sa atin ay ang pag-uudyok o motivation, pagpupunyagi o initiative.

PAGSASANAY: Bigyan ng angkop na pangangatwiran ang mga sumusunod na pahayag. 1. Dapat maging mahigpit ang mga guro sa kanilang mga mag-aaral. ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 2. Hindi dapat payagan ang mamamayang Pilipino na magkaroon ng higit sa tatlong anak. ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 3. Dapat magkaroon ng libreng pampaospital para sa lahat ng mamamayan sa ating bansa. ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 4. Hindi dapat palakihin ang mga anak na palaging ibinibigay ang lahat ng gusto. ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

36


______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 5. Dapat patawan ng parusang kamatayan ang nagkasala sa batas. ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________

Module 5:

Sa Paglalarawan ng mga Pangyayari

A. Pagbasa Sa pagbuo ng pelikula, mahalagang matutuhan ng bawat isa ang iba‟t ibang hakbang sa pagbuo ng screenplay at ang tinatawag na film structure o pagbabalangkas ng pelikula. Narito ang mga hakbang sa pagbuo ng screenplay: 1. Pitch – isang linyang naglalarawan sa makabuluhang tunggalian ng kwento. 2. Synopsis – tungkol sa talatang naglalarawan ng kwento. Ang maiksing buod na nagtataglay ng makabuluhang kwento ay isang magandang simula. 3. Pagtalakay o Treatment – ang madetalyeng paglalarawan ng buong kwento. Ito ay nagtataglay ng detalye sa kabuuang elemento ng pelikula tulad ng banghay, karakter, dayalogo at kilos, visual ideas at tema. 4. Pagsulat Muli – pagbasang muli upang ang mga paulit-ulit na mga pangyayari ay maialis at maisaayos. Narito naman ang hakbang sa pagbabalangkas ng pelikula: Ang nangungunang istruktura sa pagbuo ng kwento sa pelikula ay ang Three-Act Structure.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

37


1. Act 1 – naglalaman ng mahalagang pangyayari na kung tawagin ay catalyst, kung saan gumagalaw ang kwento. Sa bahagi ring ito inilalahad ang suliranin na siyang pagsisimula ng malaking banggaan. Ito ay nagtatapos sa malaking pangyayari. Ang mga malalaking pangyayari ay nagpapakilala sa pangunahing tunggalian ng kwento, na daan sa panibagong direksyon ng kwento o ang tinatawag na turning point. 2. Act 2 – bahagi kung saan mas naging masalimuot ang mga kaganapan sa kwento, ang mga pagsubok na nararanasan at ang mas lalong pagtaas ng tunggalian na nakaaapekto sa pagkakamit ng pangunahing pangangailangan ng pangunahing tauhan. 3. Act 3 – ang wakas at resolusyon. Ito ang bahagi kung saan tinapos ang tunggalian ng kwento. Ito ang bahagi kung saan ang buhay ng pangunahing tauhan ay nagbago. B. Wika Sa pagbuo ng isang pelikula, mahalagang malaman ng manunulat ang tamang paraan ng paglalarawan sa mga pangyayari upang higit na maunawaan ng mga manonood ang nais nitong iparating. Ang paglalarawan ay isang pagpapahayag ng mga impresyon o kakintalang likha ng pandama. Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig at pansalat, itinatala ng sumusulat ng paglalarawan ang mga detalye na kanyang namasid o kaya‟y nakatawag-pansin. Layunin nitong maipakita kung paanong ang isang bagay ay naiiba sa mga kauri nito. Mga Katangian ng Paglalarawan 1. Pagpili ng Paksa Tao ang nakararaming paksa ng paglalarawan. Ang tao ay lagi nang naakit at nagkakaroon ng kawilihan sa ibang tao. Sa paglalarawan ng tao, banggitin ang kanyang anyong panlabas at mga katangiang panloob. Sa anyong panlabas, maaaring ilarawan ang kanyang tindig, hugis ng ulo o mukha, kulay ng buhok, kutis, ang taas, ang paglakad, pagtawa, at iba pa.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

38


Para nama sa mga katangiang panloob, sabihin kung anong uri siya ng tao, anu-ano ang kanyang mga katangian, ugali, paniniwala at paninindigan sa buhay at ang pagkatao. Katulad ito ng paglalarawan ng katauhan o karakterisasyon. Mainam kung ang pagbibgay ng katangian ay tiyak na mabigyan ng patunay sa buhay ng paksa. Kapag sinabi mong “matulungin siya�, mabuting banggitin ang mga natulungan niya at kung paano siya tumulong. Bukod sa tao, maaari ring paksain sa paglalarawan ang pook o tanawin, ang mga katangi-tanging bagay at gayundin ang damdaming naghahari at nag-uumapaw sa dibdib ng isang tao. 2. Pagpili ng Pananaw Ito ang pagtingin o pagsasaalang-alang ng sumusulat sa tao o bagay na inilalarawan. Ito ay maaaring ayon sa agwat o layo ng bagay o tao na inilalarawan o ayon naman sa pagtingin sa paksa sa sariling palagay at damdamin ng sumusulat. 3. Pagbuo ng Pangunahing Larawan Magagawa ito sa pamamagitan ng matamang pagmamasid. Ang pangunahin o batayang larawan muna ang mabubuo ayon sa kaanyuan, kalinisan, kaayusan o kabuuan ng bagay na inilalarawan. 4. Pagpili sa mga Sangkap Pagkatapos makita ang pangunahing larawang namasid, pipiliin naman ang mga bahaging bumubuo sa pangunahing larawan. Dito na mapipili ang mga bahaging ikinaiiba ng tao o bagay sa mga kauri nito. 5. Banggitin ang Layunin ng Paglalarawan Bawat pagsulat ng paglalarawa ay may taglay na layunin. Naglalarawan ka ba para magpakita ng bagay o tao? O naglalarawan ka para makapagbigay ng impormasyon o kaalaman? Mga Uri ng Paglalarawan 1. Karaniwang Paglalarawan

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

39


Layunin ng paglalarawanng ito ang magbigay kaalaman tungkol sa isang bagay ayon sa ayos at anyo ng bagay na inilalarawan at ayon na rin sa pangkalahatang pangmalas ng naglalarawan. 2. Masining na Paglalarawan Bukod sa nagtataglay ng katangian ng karaniwang paglalarawan na nagpapabatid, dapat ding pumukaw ito ng guniguni. Pinagagalaw ng mayakda ang damdamin at isipan ng mambabasa. Sa pagbuo ng masining na paglalarawan, nakatutulong ang paggamit ng mga salitang nagbibigay-kulay, tunog, galaw at matinding damdamin. Nakatutulong din ang paggamit ng mga tayutay at salitang patalinghaga. Ang masining na paglalarawan ay madalas na gamitin sa akdang malikhain gaya ng maikling kwento, nobela, at lalo na sa tula. PAGSASANAY: A. Basahin ang talata at tukuyin ang hinihingi ng bawat bilang. Napaiyak si Rowena. Higit sa kamatayan ng kapatid ang kanyang iniluluha. Si Nestor man. Ang kanilang pag-ibig. Lulan na sila ng dyip na dala ng kapatid na sumundo sa kanyan, nanatili pa ring walang inik si Rowena. Punung-punon ng mga nakatatakot na larawan ang kanyang ulo. Nagsasalimbayan nang walang kawawaan ang mga iyon sa kanyang utak at siya ay kinikilabutan sa takot. Nakikita niya ang maputlang mukha ng kanyang Kuya Lando. Naghihingalo sa tama ng baril. Sasalit naman ang hintakot na mukha ni Nestor sa likod ng mga rehas na bakal ng piitan. Nagsusumamo at napahahabag sa kanya. At sa huli ang nagagalit niyang ama. Nanunungayaw! Sumusumpa! O Pagsintang Labis, A.P. Tumangon Tagumpay, Okt. 29, 1969 1. Ano ang paksang inilirarawan? ______________________________________________________________ 2. Ano ang uri ng paglalarawan? ______________________________________________________________ B. Bumuo ng talatang naglalarawan ng ayon sa hinihingi ng bawat bilang.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

40


1. Paksang inilalarawan: Uri ng paglalarawan:

tao karaniwan

2. Paksang inilalarawan: Uri ng paglalarawan:

damdamin masining

Module 6:

Sa Mundo ng Pang-aapi at Kalupitan

A. Pagbasa Makatutulong sa pagsusuri ng pelikula kung may wastong kaalaman hinggil sa iba‟t ibang elemento sa pagbuo ng isang pelikula. Sa bahaging ito ay ipababatid sa inyo ang iba‟t ibang elemento. 1. Imahe – sa isang pelikula mahalagang elemento ang imahe dahi ito ang tinitingnan ng tagapanood. Ang kulay, ang hugis, ang linya ay dapat naayon sa pangangailangan ng pelikula. Ang mga elemento at mga prinsipyo ng sining ay kailangang makita sa bawat imahe upang makabuo ng isang malikhain at magandang kabuuan ng isang pelikula. 2. Oras – may dalawang uri ng oras sa usaping pampelikula. Una ay ang aktwal na haba ng isang pelikula, halimbawa ang kabuuang tagal ng pelikula ay 90minuto. Ang pangalawa ay ang tinatawag na diegetic time, ibig sabihin ang kinalabasan ng isang kwento. Ang isang kwento ay maaaring ilang minute, ilang oras, ilang araw, ilang taon o kaya ay mas matagal pa subalit ito ay maaaring maisalaysay sa loob lamang ng 90-minuto sa pamamagitan ng isang pelikula. 3. Motion – ito ay ang pagpapagalaw sa mga imahe o larawan na kung saan ay magkaaroon tayo ng ilusyon na ang isang bagay ay gumagalaw. Sa naunang natalakay tungkol sa frame nalaman mo na ito ay ang pagpapakita ng 24 na larawan sa loob ng isang segundo. Kung kaya kapag pinagalaw ito ng mabilis ang motion o galaw ay mabilis at kapag mabagal naman ay mabagal din ang motion o galaw. 4. Tunog – nag-umpisang maging mahalaga ang tunog noong taong 1928. Ito ay dahil sa mga naging karanasan noon ng mga tagagawa ng pelikula. Halimbawa, nakatago ang mga mikropono sa ilan sa mga props upang hindi makita. Ito ay dahil sa kailangang marinig ang mga sasabihin ng gumaganap o kaya ay hindi marinig ang mga usapan at iba pang pangyayari dahil sa hindi YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

41


ito maabot ng mikropono. Sa kasalukuyan ang mga tunog ay ginagamitan na ng mga makabagong teknolohiya. Hindi lamang ang usapan ng mga tauhan, maging ang tunog ng pagsabog, putok ng baril, ulan, hangin at ilan pang libong uri ng tunog na dapat ay makatotohanan. 5. Ilaw – hindi lamang ang tunog ang pinag-uukulan ng pansin sa isang pelikula kundi pati ang ilaw. Dito ipinakikita kung kailan dapat mas maliwanag at mas madilim ang isang eksena. Karamihan sa mga cinematographers ay nagsisikap na magkaroon ng control sa ilaw. Samantalang ang bihasa at may malawak na karanasan na sa sinematograpiya ay nakikipagtulungan sa director upang makabuo ng isang magandang pelikula. 6. Sequence – matapos mabuo ang pagkuha ng mga eksena ay dito na maguumpisa ang tinatawag na editing. Ang editor at ang director ay magpapasya sa haba at pagkasunud-sunod ng mga kuha at pagdudugtong nito upang makabuo ng isang sequence. 7. Komposisyon – ay ang angkop na pagkakalagay ng mga hugis sa isang frame. Isinasaalang-alang dito ang elementong biswal at mga prinsipyo upang makabuo ng isang magandang frame at nakaaakit ng pansin. Dahil ang isang frame ay may hangganan, dito pumapasok ang director katulong ang tagadisenyo ng set, tagadisenyo ng kasuotan, tagapag-ilaw at ang cinematographers upang makabuo ng pinakamagandang ayos at anggulo. Ang mga artista ay may lugar na dapat paglagyan kung saan sila ay malinaw na makikita ng tagapanood. B. Wika Sa loob ng klase ay bahagi na ang pagbibigay ng buod. Lalung-lalo na kung patapos na ang araling tinalakay. Narito ang mga dapat malaman sa pagbibigay ng buod. 1. Ang buod ay hindi isang sulating orihinal. Nangangahulugan ito na wala kang isasamang sarili mong opinyon o pananaw ukol sa paksa. 2. Sa buod, kailangang panatilihin mo ang mga binanggit na katotohanan o puntong binibigyang-diin ng may-akda. 3. Gumamit ng sariling pananalita. 4. Sa bawat pangungusap gamitin mo ang mga salitang mahahalaga lamang. Ang ibig sabihin sa loob ng pangungusap ay may salitang YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

42


maaaring kaltasin nang hindi mababago ang kahulugan o kaisipang inihahatid ng pahayag.

PAGSASANAY: Ibigay ang buod ng sumusunod na mga talata. Ang mga anak ay dapat ngang maging gabay sa katandaan ng kanilang mga magulang. Sa Amerika at iba pang bansa, ang mga magulang ay halos wala nang halaga sa mga anak kapag ang mga ito ay sumapit na sa hustong edad at naghahanap-buhay na. Manaka-naka lamang kung magkita ang mag-aama at magiina; ang mga manugang ay karaniwang hindi pumapayag na tumagal ang pagdalaw ng kanilang mga biyenan; ayaw na ayaw nilang makapiling ang mga biyenan na akala nila‟y walang gagawin kundi manghimasok sa sariling tahanan. Halaw mula sa “Ang mga Anak” ni Gemiliano Pineda ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ Sa pagkabulid sa kasamaan ng anak, ang mga magulang ay may bahagi. May mga magulang na halos wala nang panahon para sa mga anak sapagkat lubhang abala sa mga gawing sosyal. Lahat ng bagay sa pamamahay ay iniaasa na lamang sa mga katulong. Ang mga bata ay lumalaki sa kandungan ng yaya sa halip na masintahing dibdib at bisig ng ina. Ang ama naman ay lubhang abala sa mga gawain at hindi na niya maipadama sa anak ang init ng pagmamahal. Ang araw ng Linggo na dapat ipagsama-sama ng mag-anak ay naiuukol din ng mga magulang sa labas ng tahanan dahil sa mga gawaing panlipunan. Halaw sa “Tungkong Kalan” ni Felicidad C. Banzon ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

43


THIRD QUARTER Module 1:

Sa Puso ng mga Pilipino

A. Pagbasa Ang nobela ay tinatawag ding kathambuhay at naiiba sa maikling kwento. Higit itong maraming tauhan, nahahati sa kabanata ang bawat tagpo, masalimuot ang mga pangyayari at hindi maaaring matapos basahin sa isang upuan lamang. Nauukol sa pag-ibig ang karaniwang tema sapagkat ito ang kinalulugdan ng mga bumabasa bagamat mayroon ding nauukol sa tunggalian ng puhunan at paggawa, mahirap na laging naaapi ng mayaman at iba pa. Sa kasalukuyan ay marami nang lumilitaw na maikling nobela na nakukuhang basahin sa isang upuan lamang kaya ito ang mabili ngayon. B. Wika Ang panghalip ay mga salitang panghalili sa pangngalan. May ibaâ€&#x;t ibang uri ang panghalip. 1. Panghalip na Panao – ang tawag sa mga salitang panghalili sa ngalan ng tao. Kailanan Panauhan isahan dalawahan maramihan una ako kata, kita tayo, kami ikalawa ikaw, ka kayo ikatlo siya sila Halimbawa: Siya ang babaing sumira sa aking pagkatao. Mamamasyal kami sa tabi ng dagat. Ikaw na ang bahala sa kanila bukas. 2. Panghalip na Pananong – ang pamalit sa pangngalan na itinatanong. Isahan sino nino ano kanino alin

Maramihan sinu-sino ninu-nino anu-ano kani-kanino alin-alin

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

Kinakatawan tao tao bagay o pangyayari tao bagay 44


ilan gaano saan magkano kailan

ilan-ilan gaa-gaano saan-saan magka-magkano kai-kailan

bilang sukat o timbang Lugar Halaga panahon

Halimbawa: Saan ka ba pupunta bukas? Ano ang natatangi mong pangarap sa buhay? Magkano ang nais mong dalhin sa paglalakbay? 3. Panghalip na Panaklaw – ang panghalili sa mga salitang nagpapakita ng kaisahan, bilang, dami o kalahatan. Maaaring tiyak o di-tiyak. a. Mga tiyak na panghalip panaklaw balana bawat isa

panay lahat

tanan marami

pawang iba

pulos kaunti

Halimbawa: Ang bawat isa ay nakatatanggap ng biyaya mula sa Poong Maykapal. Marami sa atin ang hindi alintana ang kahirapan dahil sa sobrasobrang kaligayahan. b. Mga di-tiyak na panghalip na panaklaw anuman sinuman saanman ninuman kaninuman kailanman magkano man halimbawa: Anuman ang sabihin nila mananatili akong magmamahal sa iyo. Sinuman sa kanila ang pipiliin mo ay igagalang ko. 4. Panghalip na Pamatlig – ang mga salitang ginagamit sa pagtuturo ng tao, bagay, pook, gawa o pangyayari. ito/ire iyan

nito/nire niyan

ganito/ganire dito ganyan diyan

heto/eto hayan/ayan

Halimbawa: Ganito ang dapat gawin ng mga kabataan upang higit nilang mapahalagahan ang literaturang Pilipino.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

45


Ito ang tunay na kahulugan ng pagkakaibigan.

PAGSASANAY: A. Bilugan ang mga panghalip sa loob ng pangungusap at isulat sa patlang kung anong uri ito. _______________ 1. Ipinagdiriwang ng mga Dabawenyo taun-taon ang Kadayawan Festival. Ito ay pasasalamat sa magandang ani. _______________ 2. Ginagawaran nila ng parangal ang mga Pilipinong gumawa ng kabutihan sa kapwa Pilipino. _______________ 3. Bawat isa ay may kahilingan sa Panginoon. _______________ 4. Hindi niya inalintana ang init ng araw dahil sa kagustuhang masilayan ang kanyang idolo. _______________ 5. Ganito ang tamang paraan ng pagluto ng kare-kare. _______________ 6. Kanino ang mga magagandang damit na ito? _______________ 7. Siya ang tunay na dahilan kung bakit ako nagmamahal. _______________ 8. Ano ang kailangang gawin upang mapanatili ko ang aking kagandahan? _______________ 9. Saanman ako naroroon hindi ko makakalimutang minsan minahal kita. _______________ 10. May kani-kanyang katangian ang magkakaibigan.

Module 2:

Ang Kagandahan ng Daigdig

A. Pagbasa Sa pagtalakay ng nobela ay mahalagang malaman ang ilan kundi man lahat ng mga nobelang tumatak sa isipan ng mga Pilipino. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

46


Mga Nobelang Tumatak sa Isipan ng mga Pilipino 1. Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal 2. Salawahang Pag-ibig, Banaag at Sikat ni Lope K. Santos 3. Nena at Neneng, Unang Bulaklak ni Valeriano Hernandez-Pena 4. Luha at Pag-ibig ni Roman Reyes 5. Ang Bunga ng Nalalantang Bulaklak ni Patricio Mariano 6. Pagsintang Naluoy ni Modesto de Castro 7. Bulaklak ng Bagong Panahon ni Deogracias A. Rosario 8. Halimuyak at Lakandula ni Alberto Segismundo Cruz 9. Ang Mutyang Taga-Ilog, Magat ni Macario Pineda 10. Teacher, Nasaan ang Ligaya, Canal de la Reina ni Liwayway Arceo B. Wika Sa pagsulat ng isang nobela ay mahalagang mainaw na maihatid ng mayakda ang imaheng nais ikintal sa isipan ng mga mambabasa. Sa tulong ng mga pang-abay ay mas mauunawaan ang bawat pangyayari. Ang pang-abay ay bahagi ng pananalita na tumuturing sa pang-uri, pandiwa at kapwa pang-abay. 1. Pamanahon – nagsasaad ng panahon at sumasagot sa tanong na kailan. Halimbawa: Pupuntahan ko bukas ang pagtatanghal sa plasa. Kaninang tanghali idinaos ang pasinaya. 2. Panlunan – pang-abay na tumutugon sa tanong na saan. Halimbawa: Sa ilalim ng puno natagpuan ang batang naglayas. Nakatira ang mag-anak na Santos sa Cabantian, Davao. 3. Pamaraan – pang-abay na tumutugon sa tanong na paano. Halimbawa: Dahan-dahang binuksan ni Jhona ang pinto sa kwarto. Patalun-talong nanuka ng palay ang inahin. 4. Pang-agam – nagsasaad ng pag-aalinlangan o walang katiyakan.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

47


Halimbawa: Tila papatak na ang ulan pagkatapos ng malakas na hangin. Naging maligaya sana ang kanilang pagsasama kung naging tapat ang isa. 5. Panggaano – pang-abay na tumutugon sa tanong na gaano. Halimbawa: Maraming nasawi sa nangyaring pagbaha. Kaunti lamang ang dumating sa kanilang salu-salo. 6. Panang-ayon – nagsasaan ng pagsang-ayon. Halimbawa: Tunay na mabuting kapitbahay si Mang Tonyo. Talagang tahimik mamuhay sa baryo.

7. Pananggi – nagsasaad ng pagsalungat, pagbabawal o pagtanggi. Halimbawa: Ayaw niyang angkinin ang pagkakasalang nagawa. Hindi tinanggap ni Aling Magda ang kanyang paumanhin. PAGSASANAY: Tukuyin ang pang-abay at kung anong uri ito sa sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang. _______________ 1. Sa harapan ng klase pinaupo si Rhyss. _______________ 2. Hinimok ng magbabakarda si Jane na pumunta sa Hong Kong. _______________ 3. Maghanda nang mapayapa para sa nalalapit na halalan. _______________ 4. Mamasyal bukas ang mag-anak na Salcedo. _______________ 5. Madalas silang makatanggap ng regalo tuwing Pasko. _______________ 6. Totoong masaya ang magkaroon ng tunay na kaibigan. _______________ 7. Hindi mahinahong tinanggap ng mga manlalaro ang pagkatalo. _______________ 8. Baka nagtakbuhan sila dahil sa malakas na sigaw. _______________ 9. Matiyagang hinintay ni Sarah ang kanyang kasintahan. _______________ 10. Umaga dumating si Diane sa paliparan upang sunduin si Micko.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

48


Module 3:

Sulyap-tanaw sa mga Babae

A. Pagbasa Isa sa paraan ng pagsusuri sa karakter ng tauhan ay ang paggamit ng iba‟t ibang teoryang pampanitikan na tutulong sa mga mambabasa upang higit nilang maunawaan ang pag-uugali at maging dahilan ng mga may-akda sa pagbuo ng karakter. Isa sa teoryang mabisang sumusuri sa katauhan ng karakter ay ang Feminismo. Isa sa maituturing na dahilan ng paglitaw ng Feminismo sa panunuring pampanitikan ay ang madalas na hindi makatarungang representasyong ibinibigay sa kababaihan ng mga kritiko at manunulat na lalaki. Inilalarawan ang mga babae bilang mahina, marupok, mahina ang ulo at sunudsunuran, maramdamin, emosyonal, pantahanan, at masama. Kitang-kita sa mga akda ng mga lalaking manunulat ang paglaganap ng opresyon ng kababaihan. Layunin ng teoryang Feminismo na baguhin ang tradisyunal na pagtingin ng lipunan sa kababaihan, bilang mga mahihina at walang kakayahang magdesisyon o di kaya ay maging lider. Maliban sa nabanggit, layunin din nitong wakasan ang pagkaaping nararanasan ng kababaihan, hindi lamang sa pmamagitan ng aktibong pagkilos o pagkakaroon ng kamalayan. Ang nobelang “Lupain ng Taglamig” ay isa sa mga halimbawa ng nobela na magandang gamitin sa pagsusuri gamit ang teoryang Feminismo. Ito ay sa kadahilanang pinatutunayan sa akdang ito na ang mga babae ay tulad din ng isang lalaki na may kakayahang magdesisyon at maging malaya. Ang ganitong usapin ang pangunahing isyu sa ibang bansa tulad ng bansang Hapon. B. Wika Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Nagkakaroon ng iba‟t ibang pokus ayon sa paksa at panlaping ikinakabit sa pandiwa. 1. Pokus sa Tagaganap – ang simuno o paksa ang gumaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Halimbawa: Ang dalaga ay naliligo sa batis araw-araw.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

49


2. Pokus sa Tagatanggap – ang paksa sa pangungusap ay ang tagatanggap o pinaglalaanan ng kilos na ipinahihiwatig ng pandiwa. Halimbawa: Ipinagluto ko ng masarap na sabaw si Arnold. 3. Pokus sa Ganapan – ang paksang binibigyang-diin ay ang lugar o ganapan ng kilos. Halimbawa: Pagsasanayan ng mga atleta ang malawak na bakuran ng paaralan. 4. Pokus sa Layon – ang layon ang paksa o binibigyang-diin sa pangungusap. Halimbawa: Kinain ng bata ang keso na nasa mesa. 5. Pokus sa Sanhi – ang sanhi o dahilan ang paksang binibigyang-diin sa pangungusap. Halimbawa: Ikinamatay ng sisiw ang sobrang lamig ng panahon. Mat tinatawag na kaganapan ang pandiwa. Ito ang tawag sa kaugnayan ng pandiwa sa panaguri ng pangungusap. Bawat kaganapan ay magagawang pokus kung gagawin itong paksa na may panandang ang/ang mga o si/sina. 1. Kaganapang Tagaganap – ay bahagi ng panaguri na gumaganap sa kilos na isinasaad ng pandiwa. Halimbawa: Kinausap ng guro ang kanyang mga mag-aaral. 2. Kaganapang Tagatanggap – ay bahagi ng panaguri na nagsasaad kung sino ang makikinabang sa kilos ng pandiwa. Halimbawa: Nagluto ng masarap na ulam si Nanay para sa akin.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

50


3. Kaganapang Layon – ay bahagi ng panaguri na nagsasaad kung ano ang bagay o mga bagay na tinutukoy sa pandiwa. Halimbawa: Kumuha ng maiinom si Andoy bilang pamatid uhaw ng mga bagong dating. 4. Kaganapang Ganapan – ay bahagi ng panaguri na nagsasaad ng lugar na ginanapan ng kilos ng pandiwa. Halimbawa: Nanood ng sine ang magkasintahan sa mall. PAGSASANAY: A. Tukuyin kung anong pokus at kaganapan ng pandiwa ang mga sumusunod: 1. Maraming bata ang nagkasakit sa kagat ng lamok. _________________________ _______________________ 2. Pinangarap na niyang maging isang doktor kahit noong bata pa siya. _________________________ _______________________ 3. May bagong kasinatahan na naman ang kuya ni Jose. _________________________ _______________________ 4. Naglaro ang bata ng posporo kaya may paso sa kamay. _________________________ _______________________ 5. Inanod ng baha ang lahat ng kanilang gamit. _________________________

Module 4:

_______________________

Kung Mangarap Ka nang Matagal

A. Pagbasa Sa pagtalakay sa nobela ay may mga elementong dapat matutuhan. Sa bahaging ito ay tatalakayin ang elementong tagpuan at banghay at ang pagsusuri sa mga elementong ito.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

51


Ang tagpuan ay isang mahalagang elemento sa pagsusuri ng isang akda. Ito ay upang makabuo ng isang baskdrop o tanawin sa isang kwento. Tumutulong din ito sa paghubog ng mga tauhan at pagpapalutang sa tema ng kwento. Sa pagsusuri ng tagpuan mahalagang matukoy ng mga mambabasa ang sumusunod na mga aspeto. a. Lugar – geographical na lokasyon b. Oras – maksaysayang panahon, oras, araw, taon at iba pa. c. Kondisyon ng Panahon – ito ay tumutukoy sa kalagayan ng panahon. d. Panlipunang Kondisyon – ang binibigyang-tuon sa pagsulat ay ang pananalita, pananamit, manerismo, kaugalian at iba pa sa isang particular na lugar. e. Mood o Atmospera – tumutukoy sa kabuuang damdamin sa kwento.

Maliban sa tagpuan, nariyan din ang banghay na tumutukoy sa sunudsunod na pangayari o aksyon sa akda. Kabilang sa banghay ang mga ginagawa, sinasabi, iniisip at mangyayari sa tauhan. Ang banghay ay isang lohikal na pagkasunud-sunod ng mga pangyayari na may simula, gitna at katapusan. Limang mahahalagang bahagi ng banghay. 1. Panimula – simula ng akda kung saan ipinakikilala ang tauhan at ang tagpuan. Ito rin ang nagbibigay ng paliwanag kung ano ang magaganap. 2. Saglit na Kasiglahan – bahagi kung saan naging komplikado ang mga pangyayari at inilahad ang tunggalian sa akda (pangyayari sa pagitan ng simula at kasukdulan). 3. Kasukdulan – pinakamataas o pinakamatinding bahagi ng akda. 4. Kakalasan – pangyayari kung saan ang tunggalian ay binibigyan ng kalutasan. 5. Wakas – resulta ng mga pangyayari. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

52


B. Wika Ang isang talata ng kwento o nobela o kaya ay kahit na isang simpleng sanaysay ay nangangailangan ng tinatawag na coherence o pagkakaugnay ang mga pangungusap upang maging malinaw ang kaisipan. Maraming paraan upang maisagawa ito sa tulong ng mga panandang kohesyong gramatikal. 1. Sa pagsusunud-sunod ng mga pangungusap sa talata, maaaring isaalangalang ang sumusunod na tatlong paraan: a. Pagsusunud-sunod na kronolohikal – ginagamit sa pagbibigay ng hakbang sa isang proseso o pagsalaysay ng mga pangyayari. b. Pagsusunud-sunod ayon sa espasyo – kung ipinakikita ang kinalalagyan ng tao, lugar o bagay gayundin kung inilalarawan ang mga bagay sa isang tagpo upang makabuo ng larawang-diwa ang babasa. c. Pagsunud-sunod ayon sa kahalagahan – ang mga ideya, katotohanan, katwiran, at ilustrasyon ay pinagsusunud-sunod mula sa di-gaanong mahalaga tungo sa pinakamahalaga o mula sa pinakamahalaga tungo sa di-gaanong mahalaga.

Narito ang ilan pang panandang gramatikal na tumutulong sa pagpapakita ng coherens o ugnayan ng mga pangungusap sa talata. 

ipakilala ang ilustrasyon o biswalisasyon o gaya, halimbawa, tulad ng

magdagdag ng detalye, katotohanan o halimbawa o at, saka, bilang karagdagan, bukod dito, isa pa, gayundin

magpakita ng pagkokontrast at pagtutulad o ngunit, gayunman, sa kabilang dako, subalit, datapwat, para

para sa pagsusunud-sunod na kronolohikal o una, pangalawa, pangatlo, pagkatapos, nang, nang lumaon, sumunod, samantala, habang

para sa pagsusunud-sunod ayon sa espasyo

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

53


o sa itaas, sa ibaba, sa likod, sa malapit, sa malayo, sa lahat 

para sa pagsusunud-sunod ayon sa kahalagahan o pinakamahalaga, di-gaanong mahalaga, una sa lahat, huli sa lahat

pagbuo ng koklusyon o kaya, sa dahilang pagwawakas/pangwakas

ito,

dahil

sa,

bilang

2. Paggamit ng panghalip Halimbawa: Wala na si Jenni. Tuluyan na niya akong iniwan. Subalit mananatili siyang mahalaga sa akin. Sa kanya ko nadama ang pagmamahal ng isang kaibigan. Ang mga salitang niya, siya at kanya ay mga panghalip na tumutukoy sa pangngalang Jenni. 3. Pag-uulit Napag-uugnay rin ng pag-uulit ang mga ideya sa isang talata. Nabibigyan ng tuon ang mahahalagang punto kung uulit-ulitin ang isang salita o parirala. Kailangan lamang mag-ingat sa pag-uulit sapagkat baka walang kahalagahan ang inuulit na salita o parirala. Halimbawa: Mulang pagkabata hanggang sa pagka-may-pananagutan, ang Pilipino‟y hinutok sa sikolohiya ng bayani. Ang Pilipino‟y masasabing may likas na pagtatangi sa bayani. Sa buhay niya‟y laging may mamamayaning isang tao, isang natatanging huwaran o awtoridad. Sa isang Pilipino, ang ganyang bayani‟y may sariling katangian; sa ibang salita, ang katangian ay sarili lamang ng bayaning iyon. Kung pakasusuriin, sa pagkaunawa ng tao, ang bayani niya‟y may katangiang ito lamang ang may angkin. Ano ang katangian ng bayaning iyon? 4. Paggamit ng Elipsis (…)

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

54


Ginagamit ang panandang elipsis na tatlong sunud-sunod na tuldok upang ipakita na may mga nilaktawan o inalis na mga salita sa isang pangungusap o talata. Halimbawa: “Hindi iyon, Dado. Alam ko… alam kong tutulong ka sa „kin. May sakit ang inay. Dado. Iiyak „yon nang iiyak kung ako‟y… kung tayo‟y makikipagaway.”

PAGSASANAY: Lapatan ng kohesyong gramatikal ang talata at isulat muli kasama ang mga dagdag na kohesyon. 1. Pagsunud-sunod na Kronolohikal Magkakaroon daw ng misa mamaya. Kaya, pupunta tayo sa Sportscom. Hahanaya sa dalawang pila. Iba ang pila ng mga babae, iba ang sa mga lalaki. Doon, ay tahimik na uupo. Wala pa ang guro ay makinig at maging tahimik sa buong oras ng misa. ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 2. Pagkokontrast at Pagtutulad Ang mga Pinoy ay kilalang may malasakit sa matatanda. Ang mga Amerikano naman ay may tinatawag na Home for the Aged na kung saan ay doon nila inihahatid ang kanilang mga matatanda. Kapwa ang dalawang lahi ay nagpapakita naman ng kabutihan sa mga matatanda magkakaibang pamamaraan nga lamang. ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

55


Module 5:

Sa Daigdig ng Kalupitan at Kawalan ng Katarungan

A. Pagbasa Ang tema sa isang nobela ay sadyang mahalaga. Ito ang siyang tinatawag na controlling idea ng isang skda na patuloy na hinubog hanggang sa katapusan ng kwento sa pamamagitan ng mga pangkat ng mga salita na tumutukoy sa paksa at pag-uugali o damdamin sa kabuuan. Ito ay maaaring masisilip sa pamagat o di kaya sa daloy ng mga pangyayari. Minsan ito ay malinaw na inilalahad at minsan naman ay nakatago. Ang controlling idea ay isang ideya at hindi mahalagang kaisipan, hindi rin ito minor idea o detalye, at lalong hindi ito ang tagapagpigil at nangingibabaw sa kabuuan. Isa sa mabisang paraan ng pagsusuri ng tema ay ang paggamit sa pagsusuri ng akda ng teoryang pampanitikan, tulad halimbawa ng teoryang Realismo. Ito ay sumusuri sa akda ayon sa katotohanan at hindi sa kagandahan. Ang sinumang tao, anumang bagay at lipunan, ayon sa mga realista ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Samaktwid, higit na binibigyan ng pansin ang uri ng paksa ng isang akda kaysa sa paraan ng paglalahad nito. Kaya hindi kataka-takang ang kalimitan sa mga akdang nagpapakita ng realism ay nakapokus sa paksang sosyo-politikal, kalayaan at katarungan para sa mga naaapi. Isa na sa mga halimbawa ng ganitong mga akda ay ang “Ang Paghuhukom” ng mga Thai, agn “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” ni Jose Rizal, ang “Banaag at Sikat” ni Lope K. Santos at marami pang akda na naisulat sa Filipino. B. Wika Sa mga akdang pampanitikan, kalimitang makikita ang mga tayutay. Tumutulong ang mga ito sa pagpapaganda ng kwento at pagtago sa tiyak na kahulugan ng akda. Nagagawa nitong paglaruan ang imahinasyon ng mga mambabasa upang tuluyang mahulog sa mundo ng mga pangunahing tauhan sa kwento. Ayon kay Ligaya Tiamson-Rubin, ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa ordinaryong paggamit ng salita. Hindi tahas ang taglay na kahulugan. Narito ang ilan sa mga uri ng tayutay: 1. Patutulad (simile) Payak o hayagang paghahambing ng dalawang bagay na magkaba. Ginagamitan ito ng mga salitang tila, tulad ng, para ng, gaya ng, animo‟y, kawangis, anaki‟y, at iba pa. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

56


Halimbawa: Ang kanyang kagandahan ay tila liwanag ng araw sa kalangitan. 2. Pagwawangis (metaphor) Tiyakang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba at hindi ginagamitan ng mga salita tulad ng ginamit sa pagtutulad. Halimbawa: Isang bukas na aklat sa akin ang iyong buhay pag-ibig, kaya huwag ka nang mahiya pa. 3. Personipikasyon (personification) Pahayag ito na ang katangian, gaei at talino ng tao ay isinasalin sa karaniwang mga bagay. Ginagamitan ito ng pandiwa. Halimbawa: Masayang nakipaglaro ang mga alon sa dalampasigan. 4. Pagmamalabis (hyperbole) Sa pahayag na ito sadyang pinaliit o pinalaki ang kalagayan o katayuan ng tao, bagay o pangyayari. Halimbawa: Sa kanyang pagkain, bumaha ng pagkain at nalunod sa inumin ang mga inimbitahang panauhin. 5. Panawagan (apostrophe) Ito ay pagtawag o pakikipag-usap nang may masidhing damdamin sa tao o bagay na animo kaharap ang kausap. Halimbawa: O, kamatayan lumapit ka sa akin upang hinihinging kapayapaan ay maging akin. 6. Pagpapalit-saklaw (synecdoche) Binabanggit dito ang bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

57


Halimbawa: Bukas nakalawa, pupunta siya sa aming tahanan upang hingnin ang kamay ng aking kapatid. 7. Patatambis o Oksimoron (oxymoron) Paggamit ito ng mga salita o pahayag na magkasalungat. Halimbawa: Ang babae ay mahirap maunawaan, minsan gusto minsan naman ayaw. PAGSASANAY: Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang sumusunod na mga pangungusap. Isulat sa patlang ang sagot. 1. Sinapian ng kasamaan ang lalaking naguguluhan ng isipan. _____________________________________ 2. Bumaha ng luha sa aming paaralan nang bawian ng buhay ang mahal naming si Father Malasmas. _____________________________________ 3. Nahiya ang buwan sa kanilang kabastusan. _____________________________________ 4. Halika panaginip at tulungan mo akong malimot ang mga pighati sa buhay. _____________________________________ 5. Sampung nanlilisik na mga mata ang nakatitig sa akin. _____________________________________ 6. Kawangis moâ€&#x;y isang papel na inaanod sa agos ng buhay. _____________________________________ 7. Ang buhay ng tao ay parang talinghaga. _____________________________________ 8. Pasan ni Jean ang daigdig mula nang mamatay ang kanyang asawa. _____________________________________ 9. Natunaw ang dalaga sa tindi ng kahihiyang kanyang naranasan. _____________________________________ YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

58


10. Halamang nakukuha sa dilig ang pagmamahal. _____________________________________

Module 6:

Sa Panahon ng Takipsilim

A. Pagbasa Pagsusuri ng Nobela Ayon sa Kabuuang Elemento. Ang pagbabasa ng panitikan (nobela, kwento o ano mang akda) ay nangangailangan ng ibang dulog kaysa sa pagbabasa ng isang batayang aklat. Sa panitikan, ang kahulugan ay hindi tahasang ipinahahayag subalit ito ay makikita. Ang isang magaling na manunulat ay gumagawa ng kwento na maayos at mauunawaan maging ito man ay sa paraang sunud-sunod ang daloy ng pangyayari, pagbabalik-tanaw, o kahit ibang pananaw ng may-akda. Narito ang dapat matutunan sa pagusuri ng isang nobela. 1. Tauhan a. Sino ang mga pangunahing tauhan? b. Sino ang tagapagsalita sa nobela? c. Patas ba ang taong ito o hindi? d. Mapagkakatiwalaan mo ba ang mga sinasabi ng tauhang ito? e. Mahusay ba niyang nagampanan ang kanyang karakter? f. Makatotohanan ba ang karakter na kanyang ginampanan? 2. Tagpuan a. Saan naganap ang kilos sa akdang binasa? b. Kailan nangyari ang kwento? c. Tag-ulan ba, tag-araw, taglamig? d. Anu-ano ang mga pang-araw-araw na pamumuhay ng mga pangunahing karakter? e. Masasalamin bas a nobela ang local na katayuan ng isang lugar? 3. Banghay a. Ano ang pinakamahalagang pangyayari sa nobela? b. Paano inilahad ang istruktura? Ito ba ay pagsusunud-sunod o pagbabalik-tanaw? c. May kasukdulan ba ang akda o wala? YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

59


d. Makatotohanan ba ang banghay? 4. Tema a. Anu-ano ang mga tema sa nobela? Pag-isipan mo itong mabuti sa kabuuan ng nobel hindi lamang sa wakas nito. Pansinin ang mga tao, tagpuan at pangyayari na paulit-ulit na nabanggit na maaaring palatandaan na ito ang tema. b. Paano nangibabaw ang tema sa kabuuan ng nobela? Ang pagsusuri ng kahit anong akdang pampanitikang nasa paraang pasulat ay kinapapalooban ng pagtatanong tungkol sa iyong mga opinyon sa nobela. Bilang konklusyon, pumili ka ng isang elemento na nakapagbigay ng malaking impresyon sa iyo. Bigyang-tuon ang mga tauhang pinakagusto mo o hindi at palaging bigyan ng suporta ang iyong pangngatwiran. Subuking tingnan ang nobela sa kabuuan at subukingmagbigay ng makatarungang pagsusuri. B. Wika Ang konklusyon ay pagbibigay hatol batay sa napakinggan, nakita o nabasang pangyayari. Maaari tayong magkamali o maging tama sa pagbibigay ng konklusyon kung kaya kailangang maging maingat tayo sa pagbibigay nito. Kilala sa larangan ng agham ang salitang ito dahil ito ang panghuling bahagi ng isang eksperimento na nagbibigay kumbaga ng hatol sa isang gawain o pangyayari. Sa gramatika, kilalanin natin ang ibang paraan ng pagbibigay ng konklusyon. Dito ay maaari tayong gumamit ng modal sa Filipino. Ang mga ito ay matagal na nating ginagamit sa lumang bararila ngunit ngayon lamang napagtutuunan ng pansin na bigyan ng pangalan. Halimbawa: Nais niyang iwasan si Tots dahil natatakot siya sa maaari nitong gawin sa kanya. May sakit si Matthew kaya naisip ni Jay Anne na dalawin siya dahil walang magbabantay sa kanya. Bawat sitwasyon ay nabibigyan ng konklusyon sa tulong ng salitang kailangan na ginagamit bilang sapilitan o kondisyunal at dapat na katulad din ng gamit sa kailangan. Halimbawa: Kailangang iwasan niya si Tots upang hindi na siya mangamba. Dapat bantayan ni Jay Anne si Matthew dahil malikot ito. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

60


PAGSASANAY: A. Lagyan ng dapat o kailangan ang patlang. 1. Dahil sa kanyang kabiguan, ______________ lamang na magsikap siya at ipagpatuloy ang laban ng buhay. 2. ________________ pag-igihan ang pag-eensayo upang makapasok siya bilang varsity. 3. Huwag kang matakot bagkus ______________ kang maniwala sa akin. 4. Pupunta ako sa bayan dahil ______________ kong bumili ng mga gamot. 5. Kung gusto mong umasenso ______________ mong maging marunong sa buhay. B. Punan ng modal sa Filipino na napag-aralan ang patlang upang mabuo ang diwa ng talata. ______________ ni Maye ang malaking pera ngayon dahil nagkasakit sa bato ang kanyang nanay. Subalit hindi niya alam kung saang kamay ng Diyos niyo ito hahanapin. Binigyan na siya ng ultimatum ng doktor na ________________ na maoperahan na sa lalong madaling panahon ang kanyang nanay. Masakit man subalit ________________ niyang isangla ang kanilang lupain. Iyon pa naman ang paman ng tatay niya na ______________ niyang pakaingatan. Sadayang masakit magbiro ang tadhana. Ganun pa man, mas lalong ______________ niyang pagtibayin ang kanyang pananalig sa Diyos. C. Bigyan ng konklusyon ang mga sumusunod na pahayag. 1. Mapapansing mas marami nang mga negosyante at turistang Koreano sa ating bansa. Nakikisalamuha sa atin at tila mga Pinoy na rin kung umasta. Konklusyon: _____________________________________________________________ ______________________________________________________________ 2. Nang dumating si Sheila sa kanilang bahay ay napansin niyang nagbago ang ayos ng mga kasangkapan sa sala. Konklusyon: _____________________________________________________________ ______________________________________________________________

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

61


3. Maagang umuwi sina Sara at Lamuel. Subalit nang araw na iyon ay inabutan na sila ng gabi sa paaralan bago nakauwi. Konklusyon: _____________________________________________________________ ______________________________________________________________

FOURTH QUARTER Aralin 1:

Tamang Gamit ng mga Nakalilitong Salita

Sa pagpapahaya at sa anumang gawaing pasulat, mahalagang matukoy ng bawat isa ang wastong gamit ng mga salita. Ito ay sa layuning kailangang taglayin ng mga kawastuang panggramatika. May mga salita kasi tayong ang akala natin ay maaaring magpalitan, ngunit hindi maaari kung ibabatay sa tuntuning panggramatika. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: 1. Nang at Ng a. Ang nang ay karaniwang ginagamit na pangatnig sa mga hugnayang pangungusap at ito ay panimula ng katulong na sugnay. Halimbbawa: Mag-ensayo ka ng mabuti nang makapasa ka sa pisikal na eksam. b. Ang nang ay isang pang-abay na inilalagay sa pagitan ng pandiwa at ng panuring nito. Halimbawa: Ipinasa ni Marvin ang proyekto nang maaga. c. Ginagamit ang nang sa gitna ng dalawang salitang-ugat na inuulit, dalawang pawatas o neutral na inuulit at dalawang pandiwang inuulit. Halimbawa: sayaw nang sayaw d. Ang ng ay ginagamit na pananda sa tuwirang layon ng pandiwa sa pangungusap na ang paksa/simuno ay ang actor o tagaganap.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

62


Halimbawa: Bumili si Maria ng tinapay para sa kanyang guro. e. Ang ng ay ginagamit na pananda ng actor o tagaganap ng pandiwa sa pangungusap na ang paksa/simuno ay pinaglalaanan o tinutukoy. Halimbawa: Pinagsabihan ng guro ang mga mag-aaral na hindi sumunod sa batas ng paaralan. f. Ang panandang ng ay ginagamit kapag nagsaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian. Halimbawa: Ang pera ng bayan ay karaniwan nang napupunta sa kamay ng mga pulitiko. 2. Kung at Kong a. Ang kung ay pangatnig na panubali at ito ay ginagamit sa hugnayang pangungusap. Halimbawa: Malulutas ang suliranin ng bayan kung magkakaisa ang mga mamayanan sa apgsugpo ng katiwalian sa bansa. b. Ang kong ay naggaling sa panghalip na panaong ko at inaangkupan lamang ng ng. Halimbawa: Gusto kong magkaroon ng mapayapang buhay. 3. May at Mayroon a. Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pangngalan. Halimbawa: Habang may buhay may pag-asa. b. Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pandiwang makapangalan. Halimbawa: YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

63


May patutunguhan ba ang pagmamahal ko sa iyo? c. Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pang-uri. Halimbawa: May mahabang buhok si Anna. d. Ang may ay ginagamit kapag sinusundan ng panghalip na panao sa kaukulang paari. Halimbawa: Ang bawat babae ay may kani-kanyang gusto sa lalaki. e. Ang mayroon ay ginagamit kapag may napapasingit na kataga sa salitang sinusundan nito. Halimbawa: Mayroon po akong sasabihin sa iyo? f. Ang mayroon ay ginagamit na panagot sa tanong. Halimbawa: May pagkain pa bang natira? g. Ang mayroon ay ginagamit kung nangangahulugan ng pagka-maykaya sa buhay. Halimbawa: Ang mga Lopez ay mayroon sa bayan ng Bagumbayan. 4. Din at Rin, Daw at Raw a. Ang mga katagang rin at raw ay gingamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at sa malapatinig na w at y. Halimbawa: Si Diane ay tulad mo ring mahina ang kalooban. Hindi raw sasama si Maida sa atin bukas. b. Ang din at daw ay ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa w at y.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

64


Halimbawa: Masakit din sa akin ang pagkawala ng kanyang aso. Magtatanghal saw sa paaralan ang sikat na bandang Tubstak-tubstak. 5. Subukin at Subukan a. Ang subukin ay nangangahulugan ng pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas o kakayahan ng isang tao o bagay. Halimbawa: Subukin mong gamitin ang iyong lakas upang mapagtagumpayan mo ang laring wrestling. b. Ang subukan ay nangangahulugan ng pagtingin upang malaman ang ginawa ng isang tao o mga tao. Halimbawa: Subukan mo siya upang malaman mo ang kanyang nakatagong lihim. 6. Alisin at Alisan a. Ang alisin ay ginagamit kapag binabanggit ang bagay na tinatanggal. Halimbawa: Alisin mo ang dumi sa iyong mukha. b. Ang alisan ay ginagamit kapag ang binabanggit ay ang bagay o lugar na pinagtatanggalan ng kung ano man. Halimbawa: Alisan mo ng uod ang mga halaman. 7. Operahin at Operahan a. Tinutukoy ng operahin ang tiyak na bahaging tinitistis. Halimbawa: Ooperahin sa makalawa ang bukol sa kanyang dibdib. b. Tinutukoy ng operahan ang tao at hindi ang bahagi ng kanyang katawan.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

65


Halimbawa: Ooperahan na bukas ang dalaga. PAGSASANAY: Salungguhitan ang angkop na salita sa loob ng panaklong upang mabuo ang mga sumusunod na pahayag. 1. (May, Mayroon) daw tayong gagawin bukas sa paaralan. 2. Ang tipo (kung, kong) babae ay maganda, mapanuri at higit sa lahat mapagkawanggawa. 3. Nag-aral siya (ng, nang) abogasya sa Unibersidad ng Harvard. 4. Lakad (ng, nang) lakad ang pulubi sa daan. 5. (Subukan, Subukin) mong kumain ng gulay araw-araw upang gumaan ang iyong pakiramdam. 6. Nabalitaan kong aalis ka (daw, raw) bukas papuntang Australia? 7. Magkakbalikan (din, rin) sina Yani at Toto. 8. (Alisin, Alisan) mo ang sapatos sa ibabaw ng mesa. 9. Bukas (ooperahin, ooperahan) ang aking alagang aso. 10. Nagplano (ng, nang) pataksil sina Bing at ang kanyang mga kaibigan.

Aralin 2:

Antas ng Wika

Lahat ng wika ay nahaluan ng iba‟t ibang wikain sa buong mundo. Kaya ang wika ay tinatawag na buhay dahil patuloy itong lumalago at dumarami. Nagbabago ang anyo at nalilinang ang mga bagong usbong na wika. Kung kaya may iba‟t ibang antas ang wika upang matukoy ang pagkakaiba ng mga ito. 1. Balbal – itoiyong mga nauusong salitang malimit gamitin ng mga kabataan. Kadalasan itong naririnig sa mga usapan sa kanto, lansangan, ng mga tambay kung saan ay hindi lubusang maunawaan ng mga matatanda. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

66


Halimbawa: Bongga naman ang palabas kagabi! 2. Lalawiganin – gingagamit ito sa isang particular na lugar na sila-sila lang na tagaroon ang nakakaintindi. Halimbawa: Batangas

-

nakain (kumain) Kaunin (sunduin)

Quezon

-

yayao (aalis)

Bulacan

-

kasafuego (posporo)

Mindoro

-

Bangkuwang (bayong)

3. Likha – mga salitang nilikha dahil sa pagtatambal sa dalawang salita. Halimbawa: sayawit labadami

-

sayaw at awit = sumasayaw habang umaawit laba at dami = naglalaba ng marami

4. Hiram – mga salitang hinhiram sa ibang wika. Halimbawa: cell phone

computer

laptop

hamburger

5. Pampanitikan – pinakamataas na antas ng wika. Ginagamit ng mga makata at manunulat. Halimbawa: Suut-suot pa rin ni Ayanna ang tsinelas ng kalungkutan.

PAGSASANAY: Isulat kung anong antas ng wika ang mga sumusunod. 1. dehins

_________________________

2. alaws

_________________________

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

67


3. pagmumuni-muni

_________________________

4. refrigerator

_________________________

5. ahos

_________________________

6. goli

_________________________

7. busilak na kalooban _________________________

8. labango

_________________________

9. lupit ng buhay

_________________________

10. ermat

_________________________

Aralin 3:

Pangungusap na Walang Paksa

Sa pagpapahayag n gating saloobin, gumagamit tayo ng mga pangungusap na walang paksa. 1. Mga pangungusap na eksistensyal – nagpapahayag ng pagkamayroon ng isa o higit pang tao, bagay, atbp. Pinangungunahan ito ng may at mayroon. Halimbawa: Mayroon daw ganito roon. 2. Mga pangungusap na panahanga – nagpapahayag ng damdaming paghanga. Halimbawa: Kayganda ng mga tanawin! 3. Mga maikling sambitla – tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

68


Halimbawa: Aray!

Diyos ko!

4. Mga pangungusap na pamanahon – nagsasaad ng oras o uri ng panahon. Halimbawa: Gabi na.

Mamaya.

5. Mga pormulasyong panlipunan – mga pagbati, pagbibigay-galang, atbp. Halimbawa: Magandang umaga po.

Tao po.

PAGSASANAY: Magbigay ng tiglilimang pangungusap na ginagamitan ng mga pangungusap na walang paksa. 1. Eksistensyal ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 2. Pahanga ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 3. Maikling Sambitla ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 4. Pamanahon ______________________________________________________________ YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

69


______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________

5. Pormulasyong Panlipunan ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________

Aralin 4:

Ang Pananaliksik

Ang pananaliksik ay ang proseso ng paghanap ng mga totong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Mahalagang matutuhan ito ng mga mag-aaral dahil ito ang instrumento tungo sa pagkatuto ng mga aralin. Isinasagawa ito sa pamamgitan ng paggamit ng kung ano ang alam na o hindi pa. Ito ay isang prosesong mapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos, at walang kinikilingan (objective). May mga katanungang dapat masagot na magpapatunay o hindi sa isang teoryang, pamamaraan o sistema at mga obserbasyon. Ang pinakalayunin ng pananaliksik ay ang makapagbigay ng solusyon sa isang suliranin. Maraming paraan kung paano maisasagawa ang pananaliksik. Ito ay maaaring maisagawa sa silid-aklatan, laboratoryo, sa paghuhukay sa ilalim ng lupa, sa paggalugad sa kalawakan at marami pang iba. Nais lamang ng gawaing ito ay makapagbigay ng bagong kaalaman o kaya ay maituwid ang isang maling imporasyon. Mga Hakbang na Dapat Tandaan sa Pananaliksik 1. Pamimili at pagtatakda ng suliranin 2. Pangangalap ng impormasyon

3. Pag-aayos ng mga impormasyong nakalap

4. Pagsulat at pagpapatibay sa pananaliksik

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

70


Aralin 5:

Ang Term Paper

Makabuluhan ang pagsulat ng term paper kung wasto at mahusay ang pagkakabuo nito. Kailangang maglaman ito ng mga impormasyong makatutulong sa isang mananaliksik sa pagtuklas ng katotohanan at mga bagong kaalaman tungkol sa paksa. Bagamat ang term paper ay kabuuang ulat ng mga impormasyong nakuha sa iba‟t ibang sanggunian, ang mag talang ito ay kailangan ding buuin sa isang paraang magkakaroon ng kakanyahan ang susulat nito. Ang papel na mabubuo ay di lamang isang koleksyon ng pinagdugtung-dugtong na mga kaisipan kundi isang kumpletong manuskritong may katangiang pagka-orihinal ang gumawa nito. Narito ang mga halimbawang disenyo sa pagsulat ng pamanahong papel. Pansinin ang balangkas at mga elemento nito. I. II. III. IV. V. VI. VII. VIII. IX. X. XI.

Aralin 6:

Pamagat Suliranin Panimula Mga Layunin Kahalagahan ng Paksa Paraan ng Pananaliksik Katuturan ng mga Salita Paglalahad ng Paksa Kongklusyon Pagbibigay ng kuru-kuro at mungkahi Talasanggunian

Bibliograpiya: Pormat at Pagbuo Nito

Galing sa Griyego ang salitang bibliographia na nangangahulugang “pagsusulat ng mga aklat.” Nagsimula ang bibliograpiya sa mga batong sulatan ng Nineveh na naglalaman ng mga aklat sa buong Assyria at Alexandria (Gresya). Iba‟t ibang Anyo ng ng mga Kard ng Bibliograpiya 1. Isang Awtor Gapas, Flor P. Likas na kayumanggi III. Parañaque City: Book Wise Publishing House, Inc., 2001 YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

71


2. May Dalawang Awtor Animoza, Imelda V. et al. Pintig III. Valenzuela City: JO-ES Publishing House, Inc., 2004 3. Labis sa Tatlong Awtor Cruz, Digie R. et al. Noli Me Tangere Valenzuela City: JO –ES Publishing House, Inc., 2010 4. Isang Programa sa TV o Radyo Umagang Kay Ganda Channel 2, ABS-CBN Network, Hulyo 27, 2010 5. Isang Napanood na Dula sa Entablado Guiao, Eva C. Direktor Noli Me Tangere. Quezon City. Tanghalang Obra, 2003. 6. Isang Artikulo sa Magasin Reyes, Emma A. “Pagbibigay-Kapangyarihan sa mga Kababaihan” Ang Silahis. Marso, 2003: Vol. 25. No. 10. pp. 8-10. 7. Isang Pamplet Komisyon ng Wikang Filipino Ang Filipino sa Ilali ng RESC. Maynila. 2001 PAGSASANAY: Iayos ang mga impormasyon upang makabuo ng bibliograpiya. 1. Balita Hunyo 7, 2009 p. 19 de Guzman, Milagros T. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

72


“Feng Shui at ang Pilipino” 2. Eutiquio, Ricardo G. 2006 Quezon City Akda III Link Publishing House, Inc. 3. M.A. Ateneo de Davao University Tesis Royo, Jean L. 2010 “Mga Saloobin at Sliranin ng mga Mag-aaral sa Ateneo de Davao High School sa Pagkatuto ng Filipino” 4. Matuba, Marilyn S. Beda Publications 1989 Bulacan “Mga Tula ni Rio Alma” ed. 5. Usbong IV Wika at Panitikan Corazon G. Magbaleta at Aurora S. Cordero Valenzuela City 2002 JO-ES Publishing House, Inc.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

73


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.