FILIPINO 6

Page 1

FIRST QUARTER

Module 1:

Ang Pangungusap at mga Bahagi Nito

Ang pangungusap ay salita o lipon ng mga salitang may buong diwa na nagtatapos sa isang kaukulang bantas. Halimbawa: An gating pamilya’y kasama natin sa hirap at ginhawa. Ang pangungusap ay may dalawang bahagi. Ito’y ang paksa at ang panaguri.

Ang paksa ay lipon ng mga salitang tumutukoy sa pinag-uusapan sa pangungusap. Ito’y maaaring pangngalan, panghalip, o pawatas.

Halimbawa: Kilalanin at igalang ang ating mga ninuno.

Sila ay bahagi ng ating pinagmulan.

Hilig na hilig nila ang magkuwento. Ang panaguri nama’y lipon ng mga salitang naglalarawan o nagpapaliwanag sa paksa sa pangungusap o sa simuno. Ito’y maaari ding pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay o pawatas.

Halimbawa: Alalahanin tuwina ang mga kamag-anak.

Natutunan natin sa kanila ang magagandang kaugalian.

Ang ulirang ama ay siya. Payak – ang paksa at panaguri kapag ito’y isang salita lamang at walang panuring.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

1


Halimbawa:

Ang mga

matatanda

ay

(payak na paksa)

mapagmahal. (payak na panaguri)

Buo – naman ang paksa at panaguri kapag ito ay binubuo ng payak na paksa o panaguri at mga panuring.

Halimbawa:

Nagagampanan nila nang buong husay (buong panaguri)

ang pagiging huwarang magulang. (buong paksa)

PAGSASANAY

A. Isulat sa patlang kung paksa o panaguri ang mga salitang may salungguhit. _____ 1. Ang pamilyang Pilipino ay galing sa iba’t ibang angkan. _____ 2. Ipagmalaki ang pamilyang pinagmulan. _____ 3. Sina lolo at lola ay haligi ng ating pamilya. _____ 4. Tayo ay mula sa lahing Pilipino. _____ 5. Iniingatan natin ang ating pangalan. _____ 6. Mapagmahal ang mga magulang ko. _____ 7. Malapit sa isa’t isa ang magpapamilya. _____ 8. Kayumanggi ang kulay nating mga Pilipino. _____ 9. May iba’t ibang wikang sinasalita sa Pilipinas. _____ 10. Mabubuting tao ang ating mga ninuno.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

2


B. Magbigay ng mga halimbawa ng pangungusap at isulat ito sa bawat bilang. Salungguhitan ang paksa at bilugan ang panaguri.

1. __________________________________________________ 2. __________________________________________________ 3. __________________________________________________ 4. __________________________________________________ 5. __________________________________________________

Module 2:

Ayos ng Pangungusap

Ang pangungusap ay maaaring nasa karaniwang ayos o di-karaniwang ayos.

Nasa karaniwang ayos ang pangungusap kapag nauuna ang panaguri bago ang simuno. Ito rin ang kadalasang paraan natin sa pasalitang pagpapahayag.

Halimbawa:

Sinamahan ni Monica si Almira na magpunta sa tanggapan ng punongguro. (panaguri)

(simuno/paksa)

Sabay-sabay na nananghalian ang magkakaibigan. (panaguri)

(simuno/paksa)

Pinakinggan ni Ramon ang problema ni Albert. (panaguri)

(simuno/paksa)

Samantala, nasa di-karaniwang ayos naman ang pangungusap kapag nauuna ang simuno at sinusundan ito ng panaguri. Kapansin-pansin namang laganap ang paggamit ng panandang “ay� sa ayos na ito ng pangungusap.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

3


Halimbawa:

Si Almira

ay sinamahan ni Monica na magpunta sa tanggapan ng punongguro.

(simuno/paksa)

(panaguri)

Ang magkakaibigan ay sabay-sabay na nananghalian. (simuno/paksa)

(panaguri)

Ang problema ni Albert ay pinakinggan ni Ramon. (simuno/paksa)

(panaguri)

PAGSASANAY

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang K kung nasa karaniwang ayos ang pangungusap at DK naman kung nasa di-karaniwang ayos.

_____ 1. Hindi madaling maging kasambahay. _____ 2. Lahat ng hirap ay kaya nilang tiisin. _____ 3. Bago pa man sumikat ang araw ay abala na silang naglilinis ng bahay. _____ 4. Kabisado na nila kung ano at saan bibilhin ang mga sariwang prutas, gulay, isda, at karne na kanilang lulutuin. _____ 5. Karamihan sa mga kasambahay ay nanggaling sa malalayong probinsiya. _____ 6. Huwag silang pahirapan ng sobra. _____ 7. Dapat tumbasan ng pagtitiwala ang katapatang ibinibigay nila. _____ 8. Ang mga kasambahay ay nakapagpapagaan sa buhay ng kanilang Pinagsisilbihan. _____ 9. Ang pinakadakilang tulong na maibibigay sa kanila ay matulungan silang matupad ang hangarin na mapaganda ang buhay ng kanilang pamilya. _____ 10. Mabuhay ang lahat ng mga kasambahay.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

4


Module 3:

Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit

1. Pangungusap na Pasalaysay

Ito ang uri ng pangungusap na nasa anyong palahad. Layunin nitong magsalaysay ng magkakasunod na pangyayari. Ginagamit ang tuldok (.) sa pagtatapos ng pangungusap.

Halimbawa: Tinulungan ni Kris ang kanyang nanay sa pagluluto. Nalalapit na ang kapistahan sa aming bayan.

2. Pangungusap na Patanong

Layunin ng pangungusap na ito na magtanong, mangalap, o humingi ng anumang impormasyon mula sa taong tinatanong. Isa rin itong paraan ng pangangalap ng kaalaman mula sa inaasahang sagot. Kadalasan itong nagsisimula sa mga pananong na ano, sino, saan, kalian, bakit, paano, at gaano. Ginagamitan ito ng tandang pananong (?) sa pagtatapos ng pangungusap.

Halimbawa: Anong oras ka uuwi? Paano ba gumawa ng saranggola?

3. Pangungusap na Pautos at Pakiusap

Ang pangungusap na pautos ay may layuning makapag-utos; makisuyo, makiusap naman kapag nakikusap o humihingi ng isang pabor. Kadalasang ginagamit ang mga panlaping paki-, maki-, at sinusundan ng pananalitang “po” at “opo” bilang pagpapahiwatig ng paggalang sa kinakausap. Tuldok (.) ang bantas na inilalagay sa dulo ng pangungusap.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

5


Halimbawa: Makikiabot po ng bayad. Huwag magtapon ng basura dito.

4. Pangungusap na Padamdam

Nagpapahiwatig ito ng masidhing pagpapahayag ng damdamin. Maaaring nagulat, nagalit, nabigla, natakot o natulala. Samantala, ginagamit naman ang tandang padamdam (!) sa pagtatapos ng pangungusap.

Halimbawa: Saklolo, may nalulunod! Nanalo ako!

PAGSASANAY

A. Magsulat ng limang pangungusap na pasalaysay. 1. 2. 3. 4. 5.

B. Magsulat ng limang pangungusap na patanong. 1. 2. 3. 4. 5.

C. Magsulat ng limang pangungusap na pautos o pangungusap. 1. 2. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

6


3. 4. 5.

D. Magsulat ng limang pangungusap na padamdam. 1. 2. 3. 4. 5.

Module 4:

Uri ng Pangungusap ayon sa Kayarian

1. Payak ang pangungusap kung ito ay nagbibigay ng isang buong diwa. Ito ay maaaring magtaglay ng: a. Payak na simuno at payak na panaguri

Halimbawa: Kami ay sama-samang manonood ng sine sa mall. Tutol si Ruel sa pakikipag-iisang dibdib ng kaibigan.

b. Tambalang simuno at payak na panaguri

Halimbawa: Sila at kami ay sama-samang maliligo sa dagat. Sina G. Yoyo at G. Lavisores ay matalik na magkaibigan.

c. Payak na simuno at tambalang panaguri

Halimbawa: Ikinagalak ng tao at ipinagdiwang ng buong bayan ang pagkakahalal ni Noynoy bilang pangulo. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

7


Narinig at nalaman ko ang dalawan bagay tungkol sa aking mga kaibigan.

d. Tambalang simuno at tambalang panaguri

Halimbawa: Ako at si Cora ay tutol at nangangampanya laban sa diborsyo.

Si Andres Bonifacio at si Dr. Jose Rizal ay magkasama at magkatuwang sa lahat ng oras.

2. Tambalan ang pangungusap kung nagpapahayag ng dalawa o higit pang malayang kaisipan.

Halimbawa:

Magkakasundo ba kayo o maghihiwalay na lang kayo?

Ang mga bata ay nahihirapan at ang mga magulang ay nasasaktan.

3. Hugnayan ang pangungusap kung ito ay nagtataglay ng isang punong sugnay at ng isa o higit pang pantulong na sugnay.

Halimbawa:

Nagkahiwalay

ang

mga

magulang

kung

kaya

nagkawatak-watak ang mga anak.

Nalulong sa droga ang magkapatid nang magkahiwalay ang kanilang mga magulang dahil hindi na sila magkasundo. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

8


4. Langkapan ang pangungusap kung ito ay nagtataglay ng dalawa o higit pang malalayang sugnay at ng isa o higit pang di malayang sugnay.

Halimbawa:

Ang pamilya ay dapat maging matatag at ang mga anak ay may kasiyahan upang ang lipunan ay maging pundasyon ng bansa.

Mag-aaral ka o uuwi na lamang kayo sa lalawigan nang kayo naman ay magpanibagong buhay.

PAGSASANAY

Panuto: Isulat sa patlang ang P kung ang pangungusap ay payak; T kung tambalan; H kung hugnayan at L kung langkapan.

__________ 1. Pumapanig ako sa panlahatang pagbabawal sa pagputol ng punungkahoy. __________ 2. Patatagin mo ang iyong loob; gumawa ka ng sariling desisyon saka isagawa ang anumang pasyang nabuo mo. __________ 3. An gating kinabukasan ay gaganda kung mag-aaral tayong mabuti. __________ 4. Hindi dapat putulin ang mga puno at hindi na rin dapat abusuhin ang kapaligiran. __________ 5. Si Gabriel ang munti kong anghel na nagbibigay ng walang kapantay na kaligayahan sa aming pamilya. __________ 6. Iwasan ang mga salitang nakaiinsulto at nakasasakit sa kapwa. __________ 7. Nakadaram sila ng walang katiyakan. __________ 8. Ipinakikita nila ang pagrerebeldeng ito sa pamamagitan ng pagiging mayayamutin. __________ 9. Ang Pilipinas ay bansa ng mga dakilang malaya sapagkat mayroon

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

9


tayong magigiting na mga bayani, lider, manunulat at mga propesyunal. __________ 10. Nakababahala ang pagkaagnas ng lupa at nakatatakot ang pagkakalbo ng mga kagubatan kaya dapat lang na ipagbawal ang pagputol ng mga puno.

Module 5:

Sugnay na Nakapag-iisa at Di-nakapag-iisa

Ang sugnay ay kalipunan ng mga salita na nakapaloob sa isang pangungusap. Binubuo ito ng simuno at panaguri. Tinatawag na sugnay na nakapag-iisa kung nagtataglay ito ng buong diwa. Samantala, sugnay na dinakapag-iisa naman kung ito ay hindi nagtataglay ng buong diwa. Maaaring magsama sa loob ng isang pangungusap ang dalawang uri ng sugnay upang mabuo ang diwa at maging isang pangungusap.

Halimbawa:

1. Kung hindi ka magsusumikap na mag-aral nang mabuti, ang pangarap ay mananatiling pangarap lamang.

Kung hindi ka magsusumikap na mag-aral nang mabuti (sugnay na di-nakapag-iisa)

ang pangarap ay mananatiling pangarap lamang. (sugnay na nakapag-iisa)

2. Ang kalusugan ay kayamanan kaya kailangan mo itong alagaan.

Ang kalusugan ay kayamanan (sugnay na nakapag-iisa)

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

10


kaya kailangan mo itong alagaan. (sugnay na di-nakapag-iisa)

3. Kapag ikaw ay naghanda ng maaga, ang anumang gawain ay hindi maaabala.

Kapag ikaw ay naghanda ng maaga (sugnay na di-nakapag-iisa)

ang anumang gawain ay hindi maaabala. (sugnay na nakapag-iisa)

Gumagamit ng mga pangatnig upang pag-ugnayin ang dalawang sugnay. Mga halimbawa ng pangatnig:

kaya

kung

dahil

kapag

sapagkat

para

nang

upang

PAGSASANAY

Panuto: Dugtungan ng sugnay na nakapag-iisa o sugnay na di-nakapag-iisa ang sumusunod na mga sugnay upang makabuo ng isang buong pangungusap.

1. Ang paggalang sa karapatan ng kapwa ay tanda ng pagiging isang marangal na tao sapagkat 2. Kapag sinuway mo ang utos ng iyong mga magulang, ang 3. Ang pamilyang sabay-sabay kumain ay matibay sa gitna ng mga suliranin dahil 4. Hindi imposible ang pagbabago kung 5. Kapag ikaw ay may matibay na pananalig, ang 6. Magtatagumpay ka kung YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

11


7. Dahil siya ang napiling lider, siya ay 8. Higit na makabubuti sa isang mag-aaral ang mag-aral ng mabuti dahil 9. Upang makamit ko ang aking pangarap ako ay 10. Magtiyaga ka sa pag-aaral para

Module 6:

Uri ng Pangngalan

Ang pangngalan ay bahagi ng pananalitang kumakatawan o binibigyangngalan ang isang tao, bagay, lugar o pook, hayop, ay pangyayari.

Ang mga uri nito ay: Pantangi – nagsisimula sa malaking titik at tumutukoy o kumakatawan sa sa tangi o tiyak na ngalan.

Halimbawa: Melchora Aquino, Sultan Kudarat, Buwan ng Wika, Quiz Bee, Mababang Paaralan ng Rizal. Pambalana – tumutukoy o kumakatawan sa karaniwan o panlahat na ngalan.

Halimbawa: bayani, lalawigan, pangyayari/pagdiriwang, paligsahan, paaralan

Mauuri din ang pangalan bilang: Tahas/Konkreto – kumakatawan sa ngalan ng mga material na bagay ay ngalan ng tao, pook, at hayop. Ito ay nahahawakan, nakikita, at nabibilang.

Halimbawa: libro, turista, laptop, cellphone, sim card, USB Basal/Di-konkreto – kumakatawan ito sa katangian, diwa o kaisipan na hindi nahahawakan. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

12


Halimbawa: saya, hirap, ginhawa, kagandahan, pagtutulungan, kabayanihan Lansak – nagsasaad ito ng pangkat, kaisahan sa karamihan.

Halimbawa: piling ng saging, isang dakot na bigas, lupon ng hurado, klase

PAGSASANAY

A. Magbigay ng mga pangngalang pantangi sa mga sumusunod:

1. gusali 2. awit 3. guro 4. aklat 5. kwento

B. Magbigay ng mga pangngalang pambalana sa mga sumusunod:

1. Bb. Lala Santos 2. Ayala Tower 3. Frozen 4. Araw ng Kalayaan 5. Cavite

C. Isulat kung ang sumusunod ang pangngalan ay taha, basal o lansak.

1. gamot 2. kalungkutan 3. hukbo 4. pag-ibig 5. kutsara

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

13


Module 7:

Kasarian ng Pangngalan

1. Panlalaki – kung ito’y tiyak o likas na pantawag sa mga tiyakang ngalan ng tao o hayop na panlalaki.

Halimbawa: kuya, ama, tandang 2. Pambabae – kung ito’y tiyak o likas na pangtawag sa mga tiyakang ngalan ng tao o hayop na pambabae.

Halimbawa: ate, lola, inahin 3. Di-tiyak – hindi matukoy kung ngalang lalaki o babae

Halimbawa: anak, apo, guro, kabataan, mambabatas, pulis, mang-aawit 4. Walang Kasarian – kung ang pinag-uukulan ng ngalan ay walang buhay (di-tao o di-hayop)

Halimbawa: banyo, pisara

PAGSASANAY

Panuto: Ibigay ang katumbas na kasarian ng mga pangngalan sa ibaba:

1. mag-aaral 2. lolo 3. sapatos 4. tiyahin 5. pinsan

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

14


Module 8:

Kayarian ng Pangngalan

Ang pangngalan ay may apat na kayarian: payak, maylapi, inuulit at tambalan. 1. Payak – ito ay binubuo ng salitang-ugat lamang.

Halimbawa: baboy bakasyon botika 2. Maylapi – binubuo ito ng salitang-ugat at panalapi.

Halimbawa: kalusugan kamahalan kayamanan 3. Inuulit – ito ay binubuo ng inuulit na salitang-ugat.

Halimbawa: bagay-bagay bahay-bahayan pami-pamilya 4. Tambalan – binubuo ito ng dalawang salitang-ugat na pinagtambal.

Halimbawa: silid-aklatan balat-sibuyas hukbong-dagat

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

15


PAGSASANAY

Panuto: Ibigay ang kaanyuan ng mga sumusunod:

1. Palayan 2. Mesa 3. sali-salita 4. bahaghari 5. anak-pawis 6. trahedya 7. pagpapahalaga 8. bukang-liwayway 9. kaibigan 10. buhay-buhay

Module 9:

Pag-uulat ng Mahahalagang Detalye

Mga dapat tandaan sa balitang napakinggan o napanood.

1. Sa isang balita, nasa simula o unang talata ang mga pinakamahalagang detalye. Sinasagot nito ang mga tanong na sino, saan, kalian, ano, bakit at paano. 2. Nakasaad din sa simula o unang talata ang buod ng balita at sa mga sumusunod na talataan ang mga karagdagang detalye. 3. Kahit na kaltasin ang huling talataan ay buo pa rin ang balita sapagkat nasa simula ang pinakabuod nito. 4. Upang mas madaling matandaan ang napakinggan o napanood na balita ay gumawa ng balangkas o itala ang mahahalagang detalye o impormasyon nito. 5. Tiyaking walang labis at walang kulang sa mga impormasyong naitala.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

16


Dapat nating tandaan sa pagsulat ng balita.

1. Ang balita ay maikli at maliwanag ang paglalahad. 2. Sinisimulan ito mula sa pinakamahalaga tungo sa mga karagdagan o sumusuportang detalye. 3. Nasa unang talataan ang pinakabuod ng balita. 4. Ang patnubay o unang talataan ay sumasagot sa mga tanong na sino, ano, kalian, saan, bakit, at paano. 5. Ang sumusunod na talataan ay mga paliwanag o karagdagang impormasyon na lamang. 6. Tiyak at hindi paligoy-ligoy ang paglalahad ng mga impormasyon. 7. Ang pamagat ng balita ay batay sa patnubay o unang talataan. Ito ay isinusulat sa malalaking titik upang madaling makatawag ng pansin.

PAGSASANAY Lagyan ng tsek ang bilang kung ang panutong isinasaad ay tumutukoy sa tamang hakbang sa pag-uulit ng balitang narinig.

1. Gawing kaakit-akit ang pamagat ng balita. 2. Gawing maganda at makulay ang simula. 3. Sabihin ang pinakabuod ng balita sa unang talata. 4. Suriin kung sinasagot nito ang mga tanong na sino, saan, kalian, ano, bakit, at paano. 5. Ang buod ng balita ay maaaring matagpuan sa unahan, gitna, at hulihan. 6. Magsimula sa pinakamahalagang impormasyon tungo sa mga karagdagan o sumusuportang detalye. 7. Ibigay lamang ang masasayang impormasyon. 8. Gumawa ng balagkas o talaan ng mga mahahalagang impormasyon upang mas madaling matandaan ang balitang napakinggan o napanood. 9. Gawing mahaba ang panimula. 10. Sabihin ang pinakamahalagang detalye sa pinakahuling talata.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

17


SECOND QUARTER

Module 1:

Ingklitik

Ang ingklitik ay katagang pang-abay na karaniwang isang pantig lamang; tinatawag din itong paningit. Wala itong kabuluhan kung hindi ito gagamitin o isisingit sa loob ng pangungusap. Ngbabago ang kahulugan ng pangungusap kapag nilagyan ng ingklitik.

Mga Halimbawa ng Ingklitik:

ba

kaya

daw/raw

na

pala

man

pa

kasi

din/rin

sana

tila

naman

yata

tuloy

po/ho

muna

lang

lamang

Basahin ang halimbawa ng ingklitik na ginamit sa pangungusap.

1. Ikaw lang ang kasama sa paligsahan. 2. Ikaw lamang ang nakasama sa paligsahan. 3. Makasama sana natin siya sa palaro. 4. Makakasama nga ba natin siya sa palaro? 5. Ako tuloy ang naatasan sa party. 6. Bakit naman nagugutom ka lagi? 7. Tayo bang lahat ay mabuting mamamayan? 8. Sana raw ay tumahimik tayo. 9. Tila umuunlad an gating ekonomiya. 10. Siya kaya ang pinakamatalino sa klase?

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

18


PAGSASANAY

Punan ng wastong ingklitik ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

1. Alamin mo ___________ ang kasaysayan ng iyong bayan nang malaman mo ang iyong pinagmulan. 2. Ang pag-ibig sa tinubuang lupa ay isapuso mo __________. 3. Marami ___________ ang nangingibang-bansa dahil kulang sap era. 4. Ano ___________ ang puwede mong gawin para umunlad ang bayan? 5. Hindi ___________ nasayang ang kaniyang pagsisikap at pagod. 6. Ito ___________ ba ang bayan ko? Bakit __________ ako nasadlak sa kahirapan? 7. Anu-ano __________ ang puwede __________ nating gawin ngayon? 8. Magsisi ka __________ ay huli __________. 9. Wala nang hihigit

___________ sa pag-ibig ko sa bayan ko. Totoo

___________ ito? 10. Ikaw ___________ ang magkuwento, dahil hindi ___________ ako kumakain.

Module 2:

Panghalip at Uri Nito

Ang panghalip ay inihahalili sa ngalan ng tao, bgay, pook/lunan o pangyayari. Ginagamit ito upang hind imaging paulit-ulit ang pagbanggit sa pangngalan sa loob ng isang pahayag.

Mga Uri ng Panghalip Panghalip Panao – ito ang mga salitang inihahalili sa pangalan ng tao. Ito ay may kailanang isahan, dalawahan, o maramihan. Halimbawa: Kata nang tumulong para sa ikauunlad ng bayan. Wala nang magmamahal sa ating bayan kundi tayo.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

19


Panghalip Pananong – Ginagamit ito sa paghingi ng impormasyong sinasagot ng pangngalan. Ito ay may kailanang isahan at maramihan. Halimbawa: Magkano nab a ang pinakabagong cellphone? Alin-alin sa mga nabanggit ang tama? Panghalip na Pamatlig – Ito’y nagtuturo ng kinaroroonan ng isang bagay. Ito ay may tatlong panauhan: una, ikalawa, at ikatlong panauhan. Ang mga panauhang nabanggit ay tumutukoy sa distansya ng bagay na itinuturo sa taong nagsasalita, sa kinakausap, at sa magkausap. Halimbawa: ito

dito

iyan

diyan

iyon

doon

heto

ganito

hayan

ganiyan

hayun

ganoon

narito

nito

nariyan

niyan

naroon

noon

PAGSASANAY

Tukuyin kung anong panghalip ang ginamit sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.

_______________ 1. Tayo-tayo rin ang magkikita sa huling laban. _______________ 2. Bakit ka umiiyak? _______________ 3. Hanapin mo doon sa bakuran ang nawawala kong laso. _______________ 4. Kailan ka ipinanganak? _______________ 5. Dito sa aming tindahan matatagpuan ang iba’t ibang klase ng paninda. _______________ 6. Kani-kanino ang mga gadgets na ito? _______________ 7. Ikaw na nga lang nag lumakad at may gagawin pa ako. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

20


_______________ 8. Saan mo nakita ang iyong kapatid? _______________ 9. Heto nga pala ang sukli mo. _______________ 10. Sinu-sino ang mga sasama sa lakbay-aral?

Module 3:

Panghalip Panaklaw at Panulad

Ang mga panghalip panaklaw ay isa pa ring uri ng panghalip. Ginagamit ito bilang panghalili sa pangngalang walang tinutukoy na tiyak na dami

bilang.

Karaniwan itong tumutukoy sa kalahatan.

Ilan sa mga halimbawa ay:

balana

anuman

pulos

kaninuman

balang

ilanman

pawa

masa

iba

gaanuman

bawat

sinuman

ilan

kailanman

madla

Ang panghalip panulad naman ay nagsasaad ng paghahambing o pagtutulad ng tao, bagay, pook, at iba pa. Ito rin ay may tatlong panauhan:

Una - kapag ang inihahambing o itinutulad ay malapit sa nagsasalita Ikalawa – kapag ang innihahambing o itinutulad ay malapit sa kausap ngunit malayo sa nagsasalita Ikatlo – kapag ang inihahambing o itinutulad ay malayo sa nagsasalita at kausap

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

21


Halimbawa:

ganire

tulad/katulad

ganito

ganoon

kapareho/kapareha

ganyan

parang

gaya

kahawig

PAGSASANAY Ayon sa iyong sariling pang-uawa, ilahad ang kahulugan ng panghalip panaklaw at panulad. Magbigay ng tiglimang halimbawa ng bawat isa.

Kahulugan ng Panghalip Panaklaw ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________

Halimbawa: 1. ______________________________________________________________ 2. ______________________________________________________________ 3. ______________________________________________________________ 4. ______________________________________________________________ 5. ______________________________________________________________

Kahulugan ng Panghalip Panulad ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________

Halimbawa: 1. ______________________________________________________________ 2. ______________________________________________________________ 3. ______________________________________________________________ 4. ______________________________________________________________ 5. ______________________________________________________________ YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

22


Module 4:

Panauhan, Kailanan, at Kaukulan ng Panghalip Panao

Ang panghalip panao ay mga salitang inihahalili sa pangalan ng tao. Ito ay may tatlong panauhan, kailanan, at kaukulan.

Panauhan ng Panghalip Panao Unang Panauhan – tumutukoy sa taong nagsasalita Ikalawang Panauhan – tumutukoy naman sa taong kausap Ikatlong Panauhan – tumutukoy sa taong pinag-uusapan

Kaukulan at Kailanan ng Panghalip Panao

KAILANAN →

Isahan

Dalawahan

Maramihan

Palagyo

ako, ikaw, ka, siya

kita, kata, kayo, sila

kami, kayo, sila

Palayon/Paukol

ko, mo, niya

nita, natin, ninyo

nila, namin, ninyo, sila, nito

Paari

akin, iyo, kaniya

atin, inyo, kanila

amin, inyo, kanila

KAUKULAN ↓

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

23


PAGSASANAY

Basahin ang sanaysay. Punan ang puwang ng angkop na panghalip panao.

Ang Kasaysayan ng Ating Pambansang Awit

Dalawang makabagong Pilipino ang lumikha ng __________ pambansang awit. _________ ay si Jose Palma, ang sumulat ng liriko at si Julian Felipe, ang lumikha ng musika.

Si Julian Felipe ay isang guro ng musika at kompositor ng mga tugtuging sariling ___________. Tulad ng iba nating mga ninunong nagmamahal sa __________ bansa, Si Julian Felipe ay naging biktima ng kalupitan ng mga Kastila. Ikinulong ___________ ng ilang taon din. Nang ____________ ay makalaya, inihandog ___________ ang ____________ serbisyo kay Heneral Emilio Aguinaldo. Batid ng magiting na heneral na isang kompositor si Julian Felipe kaya _________ ay pinakiusapan nito na lumikha ng tugtugin na maipadarama ang matinding adhikaing kalayaan ng mga Pilipino. Mula rito’y nabuo ang Himno Nacional Filipino. Unang tinugtog ito kasabay ng pagtaas ng ___________ watawat sa makasaysayang pagpapahayag ng Unang republika ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898.

Nang sumiklab ang himagsikang Pilipino laban sa mga Amerikano, nagbigay _____________ sa _____________ mga kawal na Pilipino ng Himno Nacional Filipino. Ibig ______________ awitin ito ngunit wala itong liriko. Isang sundalo, si Jose Palma ang sumulat ng liriko ng himno. Likas kay Jose Palma ang paghanga sa magagandang bagay at ang pag-ibig sa ____________ tinubuang lupa. Nang isulat _____________ ang pambansang awit ay binanggit ___________ ang kariktan ng Pilipinas at ang mithiin ng mga Pilipino sa kalayaan ng __________ bansa. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

24


Module 5:

Panghalip Bilang Paksang Pangungusap

Ang panghalip ay maaaring gamitin bilang paksa o pinag-uusapan sa pangungusap.

Basahin ang mga pangungusap at suriin ang mga panghalip na ginamit upang lalong maunawaan ang mga ito.

1. Tayo lamang ang makatutulong sa pag-unlad n gating ekonomiya. 2. Sa bagay na iyan lamang tayo makatutulong. 3. Ang sinumang lumabag ay may kaukulang parusa. 4. Sa dako pa roon ng Silangan sila pumunta. 5. Sawa na ako riyan. 6. Sila ay dumalo sa handaan. 7. Siya lamang ang hindi dumalo. 8. Kung iyon ang makakabuti, gawin mo. 9. Ikaw rin ang gumawa niyan. 10. Doon ko nakita ang aklat.

PAGSASANAY

Basahin ang usapan ng mga mag-aaral para sa kanilang lakbay-aral sa isa sa ipinagmamalaking pasyalan ng ating bansa.

Punan ng wastong panghalip ang mga patlang.

Thea:

______________ oras tayo aalis papuntang Zoobic Safari?

George:

______________ daw ang mga dapat nating dalhin?

Nez:

Nakasulat ang mga _____________ sa ating student’s diary.

Iza:

______________ oras ba ang _____________ biyahe?

Peter:

Apat hanggang limang oras lan. _____________ ang mga babaunin n’yo?

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

25


Robert:

Ipagluluto _____________ ni Inay ng malunggay burger.

Ellen:

Magbabaon naman _____________ ng manggang hilaw.

Gena:

______________ ni Henry at magdadala ng nilupak.

George:

______________ ba tayo magkikita-kita bukas?

Thea:

Sa lobby ng paaralan. O, sige, umuwi na tayo dahil maaga pa tayo bukas. Maghinatayan na lang ______________ sa lobby. Huwag _______________ palang kalimutang magdala ng pamalit na damit.

Module 6:

Aspekto ng Pandiwa:

Ang pandiwa ay salitang nagsasaad ng kilos o galaw. Mula sa salitang-ugat na diwa, walang saysay o diwa ang pangungusap kung wala ito. Nabubuo ito sa tulong ng mga panlapi. Ginagamit din ito sa pagsasalaysay ng mga pangyayari.

May tatlong panahunan o aspekto ang pandiwa. Kung ang kiloas ay naganap na, tinatawag itong perpektibo. Kung kasalukuyang ginagawao nagaganap, tinatawag itong imperpektibo at kung gagawin o magaganap pa lamang tinatawag naman itong kontemplatibo. Matutukoy ang panahunan ng pandiwa sa salitangkilos batay sa panlaping ginamit. 1. Naganap/Perpektibo – Nangyari na ang kilos. Ginagamitan ng mga panlaping –um, nag, o iba pang panlaping dinagdagan ng panlaping –in.

Halimbawa: Ang mga binulok na basura’y maaaring gawing pataba. 2. Nagaganap/Imperpektibo – Kasalukuyang ginaganap o nangyayari ang kilos; nasimulan nang gawin ngunit hindi pa tapos ang kilos. Inuulit ang pantig o ang unang pantig ng salitang-ugat.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

26


Halimbawa: Ang init ng araw ay pumapasok sa ating atmospera. 3. Magaganap/Kontemplatibo – Isasagawa o mangyayari pa lamang ang kilos.

Halimbawa: Malulutas ang problema sa global warming kung magtatanim tayo ng mga puno.

PAGSASANAY

A. Punan ang patlang ng tamang aspekto ng pandiwa upang mabuo ang tsart.

Salitang-ugat

Perpektibo

Imperpektibo

Kontemplatibo

bukod tuklas gawa kuha tanggal pulot tanim sunog gamit bantay B. Punan ng wastong pandiwa ang patlang upang mabuo ang pangungusap. Pagkatapos ay isulat kung anong aspekto nito.

__________ 1. _______________ ang mga nabubulok at di-nabubulok na basura upang hindi pagmulan ng mehane. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

27


__________ 2. Sobra na ang polusyon sa hangin. Kailangan _____________ ang mga sasakyang masyadong mausok. __________ 3. Ugaliing ______________ ng basura. __________ 4. Ang dapat na _______________ ay mga bombilyang energysaving. __________ 5. _____________ ng mga appliance na di maaksaya sa koryente. __________ 6. _____________ ng sariling bag kapag namimili sa grocery. __________ 7. Ang matinding pag-init ng mundo’y _____________ ng mga malalakas na bagyong ating naranasan. __________ 8. Ang pagsunog ng puno’y maaaring _____________ ng greenhouse gas. __________ 9. _____________ sa iba ang iyong kaalaman tungkol sa global warming na nagreresulta sa climate change. __________ 10. Kailangang sama-sama nating harapin ang banta; _______________ natin an gating kalikasan.

Module 7:

Pokus ng Pandiwa

Basahin ang sumusunod na mga pangungusap. Suriin ang mga ito. Ano-ano ang paksa ng pangungusap? Ano-anong pandiwa ang ginamit? Ano ang kaugnayan ng paksa ng pangungusap sa pandiwang ginamit?

1. Tumulong tayo sa pangangalaga ng ating kalikasan. 2. Protektahan natin an gating kagubatan at kakahuyan. 3. Pinagpulungan ang Senate Hall tungkol sa mga batas sa kalikasan. 4. Ikinatuwa ng mga mamamayan ang mga batas sa kalikasan.

Ang pokus ng pandiwa ay tumutukoy sa kaugnayan ng pandiwa sa paksa/simuno ng pangungusap o tungkulin ng paksa/simuno sa pandiwa sa pangungusap.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

28


Iba’t Ibang Pokus ng Pandiwa 1. Pokus sa Tagaganap – ang simuno ang tagaganap o gumagawa ng kilos na isinasaad; ginagamitan ito ng mga panlaping –um, ma-, mag-, mang-, maka-, makapag-, -an

Halimbawa: Tungkulin ng mga taumbayan na pangalagaan ang kalikasan. 2. Pokus sa Layon – ang paksa o simuno ang layon o binibigyang-diin ng pandiwang ginagamitan ng mga panglaping i-, -in, -an, ma, pa, ina-, ipa, paki-

Halimbawa: Purihin natin ang mga mambabatas. Isulong natin ang Clean Air Act.

3. Pokus sa Ganapan – ang pinangyarihan ng kilos ng pandiwa ang paksa; karaniwang ginagamit ang mga panlaping –an/-han, pag- … han, pag … an/han, mapag … -an/-han, at pang … -an/-han

Halimbawa: Pinagpulungan ng mga mambabatas ang Korte Suprema. 4. Pokus sa Tagatanggap – ang paksa o simuno ang pinaglalaanan ng kilos na isinasaad ng pandiwang ginagamitan ng mga panlaping i-, ipang-, at ipag-

Halimbawa: Isinagawa ito para sa mga mamamayan. 5. Pokus sa Sanhi – ang nagsasad ng dahilan ng kilos ay ang paksa o simuno. Ginagamitan ito ng panlaping ika-, i-, at ikapang

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

29


Halimbawa: Ikinatuwa ng pangulo ang mga batas-kalikasan ng bansa. 6. Pokus sa Gamit – ang paksa ay kansangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa; ang panlaping ipang- ang ginagamit

Halimbawa: Itong chainsaw ang ipamputol natin sa mga torso. 7. Pokus sa Direksiyon – ang nagsasaad ng direksyon ng kilos na isinasaad ng pandiwa ay ang paksa o simuno; ginagamit ang mga panlaping –an/-han

Halimbawa: Puntahan natin ang nababalitang mga nakakalbong kagubatan.

Denotasyon at Konotasyon

Ang mga pahayag ay nagbibigay ng tiyak na kahulugan o katuturan. Tinatawag na denotasyon ang pagbibigay ng tiyak o literal na kahulugan ng isang salita at karaniwang ginagamit ang diksyunaryo upang mahanap ang kahulugan nito; samantalang ang konotasyon o pahiwatig ng mga salita ay pagbibigay ng dituwirang kahulugan ng isang salita sa pahayag; masusuri din ang kahulugan nito batay sa kung paano ito ginamit sa pangungusap.

Suriin ang mga halimbawa:

1. Pakainin mo na ang bata sapagkat nagugutom na.

Literal ang pakahulugan sa salitang bata, tinutukoy rito ang paslit o sanggol.

2. Matatapang at nakakatakot ang mga bata ng alkalde.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

30


Ang konotasyon ng pahayag na ito’y mga alalay o bodyguard ng alkalde.

PAGSASANAY

A. Bilugan ang pandiwa at guhitan ang paksa o simuno sa pangungusap. Pagkatapos ay tukuyin kung anong pokus ng pandiwa ang ginamit.

_______________ 1. Itinalaga ang Bureau of Forest Development sa pangangalaga ng ating kagubatan. _______________ 2. Patuloy na isinusulong ang batas ukol sa Selective Logging. _______________ 3. Pinagdausan nila ng pulong ang lobby ng MalacaĂąang. _______________ 4. Isinabatas iyon para sa proteksiyon ng ating kalikasan. _______________ 5. Dugo mula sa palad ng pangulo ang ipinanglagda sa batas. _______________ 6. Ikinagalit ng Inang kalikasan ang pang-aabuso ng taumbayan sa kalikasan. _______________ 7. Pinuntahan nila ang mga bahay-bahay na nasira. _______________ 8. Nangalap kami ng mga patapong gamit. _______________ 9. Binisita namin ang evacuation center. _______________ 10. Nagparangal ang mga kawani ng DENR sa ginawa ng kabataan.

B. Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita sa pamamagitan ng pagsangguni sa diksyunaryo. Pagkatpaos, gamitin ito sa makabuluhang pangungusap.

1. batas - _________________________________________ ______________________________________________________________ 2. marumi - _______________________________________ ______________________________________________________________

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

31


3. ilegal - _________________________________________ ______________________________________________________________ 4. pagprotekta - ____________________________________ ______________________________________________________________ 5. polusyon - ______________________________________ ______________________________________________________________

C. Tukuyin ang nais ipahiwatig sa sumusunod na mga pahayag.

1. Nakasalalay sa kamay ng mamamayan ang pag-unlad ng bayan. Paliwanag: 2. Ang pagmamahal sa ating kalikasan ay pagmamahal din sa ating kinabukasan. Paliwanag: 3. Walang kaunlaran kung walang kalikasan. Paliwanag: 4. Ang hagupit ng habagat ay latay sa ating buhay. Paliwanag: 5. Sa kabila ng karimlan, mababanaag pa rin ang silahis ng umaga. Paliwanag:

Module 8:

Mga Salitang Kaugnay ng Pandama at Damdamin

Ang mga salita’y nauuri ayon sa mga salitang kaugnay ng pandama at mga salitang kaugnay ng damdamin: Paningin – ang ating mga nakikitang tao, bagay, o pook ay nailalarawan n gating paningin. Halimbawa:

Matatayog ang mga bundok.

Pang-amoy – ang mga bagay na ating naaamoy gamit an gating ilong Halimbawa:

Masangsang ang gamit niyang pabango.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

32


Panlasa – nailalarawan ang mga salita batay sa ating nalalasahan sa ating kinain Halimbawa:

Malinamnam ang durian.

Pandinig – ang mga bagay na naririnig ay nailalarawan sa pamamagitan ng pagpasok ng mga tunog sa ating tainga Halimbawa:

Mataginting ang kalansing ng mga barya.

Pandama – ang mga bagay na nahihipo o nahahawakan ay nailalarawan sa pamamagitan ng mga pang-uring pandama Halimbawa:

Magaspang ang kaniyang kamay.

Lahat ng tao’y may damdamin, maging ang mga hayop. Marami tayong nararamdaman. Maaaring ito’y positibong damdamin o negatibong damdamin. Ngunit hindi masama kung may negatibo tayong nararamdaman, ang mahalaga ay naipapahayag natin ito nang hindi nakasasakit o nakapeperwisyo n gating kapwa.

Halimbawa: nagugutom

nagagalak

matamlay

napopoot

nalulumbay

umaasam

puno ng pag-asa

suklam na suklam

PAGSASANAY

A. Tukuyin kung anong pandama ang tinutukoy sa mga sumusunod na parirala. 1. malamig na hangin – 2. paliko-likong daan – 3. matatayog na puno – 4. katakam-takam na strawberry – 5. mahalimuyak na bulaklak – 6. payapa ang paligid – 7. gabing tahimik – YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

33


8. matangkad na babae – 9. maalinsangang panahon – 10. pulang kotse

B. Punan ang tsart ng mga salitang may kaugnayan sa pandama.

Paningin

Pang-amoy

Panlasa

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

Pandinig

Pandama

34


THIRD QUARTER

Module 1:

Gamit ng Pang-uri sa Iba’t Ibang Anyo ng Pagpapahayag

May apat na uri ng pagpapahayag na ginagamitan ng pang-uri. 1. Pasalaysay – Nagsasaad o tumutukoy ito sa isang pahayag; maaaring nagkukuwento o nagsasalaysay.

Halimbawa:

Masayang nagtatrabaho ang mga tao sa araw ng kapistahan sa aming bayan. 2. Patanong – Ito’y naglalayong magbigay ng katanungan.

Halimbawa:

Paano nating nagagawang ngumiti sa kabila ng matinding baha? 3. Padamdam – Nagsasaad ng masidhing damdamin ang pahayag.

Halimbawa:

Magagaling ang mga gawang Pinoy! 4. Pautos – Nagsasaad ng pag-uutos o pakikiusap; kadalasang gumagamit ng paki, maaari, puwede, pakisuyo, at iba pa kapag nagpapahayag.

Halimbawa:

Maaari mo bang kunin ang malapad na aklat sa mesa?

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

35


PAGSASANAY

Isulat ang angkop na pang-uri sa bawat patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Piliin ang sagot sa kahon.

abalang-abala

magarbo

manghang-mangha

masayang-masaya

hitik

mahina

mapamaraan

masayahin

matatatag

matitiyaga

sagrado

tiwasay

1. Ang mga Pilipino ay likas na _______________ kahit na sa gitna ng suliranin. 2. _______________ ang mga pistang Pilipino. 3. _______________ ang mga tao kung may pista. 4. _______________ ang mga dayuhan sa kung paano natin hinaharap ang mga problema. 5. Ang ating baya’y _______________ sa mga bayani. 6. Nakakamit nating mga Pilipino ang ating mga mithiin dahil tayo’y _______________. 7. Ang mga Pilipino’y _______________ sa paglutas ng mga suliranin. 8. Hindi basta-basta bumibitiw ang mga Pilipino sa mga pagsubok dahil sila’y _______________. 9. _______________ ang buhay kung susundin lamang ang gabay ng Diyos. 10. Kung _______________ ka sa mga pagsubok, madali kang malulugmok.

Module 2:

Pagsusuri sa Kayarian o Anyo ng Pag-uri

Mahalaga ang paggamit ng mga pang-uri upang lalong matukoy at mapalawak ang paksa sa pangungusap. Sa ganitong paraan ay higit na mauunawaan ang isan pahayag.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

36


May apat na kayarian o anyo ang pang-uri. 1. Payak – Ito ay tumutukoy sa salitang-ugat lamang.

Halimbawa: sariwa, payat, sakim, tamad 2. Maylapi – Binubuo ito ng salitang-ugat at panlapi.

Halimbawa: makulay, mataba, makulimlim, masarap 3. Inuulit – Binubo ito ng salitang-ugat na inuulit; maaaring pag-uulit na ganap kapag ang buong salitang-ugat ay inuulit at pag-uulit na di-ganap kapag ang una o dalawang magkasunod na pantig ng salitang-ugat lamang ang inuulit.

Halimbawa: malinis na malinis, kaibig-ibig 4. Tambalan – Ito’y binubuo ng dalawang salitang pinagtambal; maaaring patalinghaga ang kahulugan.

Halimbawa: dugong-bughaw, anak-pawis

PAGSASANAY

A. Suriin ang sumusunod na mga pang-uri at tukuyin ang kayarian o anyo nito.

1. napakadakila

____________________________

2. marubdob

____________________________

3. kaakit-akit

____________________________

4. kayod-kalabaw

____________________________

5. debotong-deboto

____________________________

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

37


B. Buuin ang sumusunod na pang-uri ayon sa ipinahihiwatig na kayarian.

1. sikap (maylapi)

____________________________

2. maunlad (payak)

____________________________

3. yaman (tambalan)

____________________________

4. malakas (innuulit)

____________________________

5. malaginto (payak)

____________________________

C. Tukuyin kung ang pag-uulit sa sumusunod na mga pang-uri ay ganap o diganap. Lagyan ng tsek kung ito ay ganap at markahan ng ekis kung ito’y diganap.

_____ 1. kaiga-igaya _____ 2. masasagana _____ 3. matatamis _____ 4. kaytagal-tagal _____ 5. hirap na hirap _____ 6. araw-araw _____ 7. malaking-malaki _____ 8. masayang-masaya _____ 9. kaylayo-layo _____ 10. lumbay na lumbay

Module 3:

Magkasingkahulugan at Magkasalungat na Pang-uri

Ang pagkilala sa mga pang-uring magkasingkahulugan at magkasalungat ay nakatutulong sa pagpapalawak ng talasalitaang magagamit sa mga gawaing pasalita o pasulat man.

Ang pang-uring magkasingkahulugan ay magkatulad o pareho ang kahulugan. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

38


Halimbawa:

Masasabi kong magaling at mahusay ang wikang Filipino.

Ang pang-uring magkasalungat naman ay magkaiba o baligtad ang kahulugan.

Halimbawa:

Mahigpit ang aming ama sa pagsubaybay sa amig aralin ngunit maluwag naman siya sa pagbibigay ng aming mga pangangailangan.

Ano mang tayog ng pangaral ay madaling abutin basta mag-umpisa nang maayos sa ibaba.

PAGSASANAY A. Iguhit ang ď Š kung magkasingkahulugan ang mga salitang nakasalungguhit at ď Œ kung magksalungat naman ang mga ito.

_____ 1. Ang pagpupunyagi ng mga dalubwika ay pagsisikap din ng mga taong itanghal ang sariling wika. _____ 2. Annumang kasamaan ng isang tao’y napagtatakpan din ng kabutihan. _____ 3. Hindi puwedeng sabihing mataas ang kalidad ng wikang Ingles at mababa naman ang Filipino. _____ 4. Matatag at di-mabubuwal ang wikang aking kinagisnan. _____ 5. Wikang Filipino ang sinasalita ko at ginagamit ko rin sa pakikipagtalastasan.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

39


Module 4:

Kaantasan ng Pang-uri

Sa paglalarawan ng mga tao, bagay, pook at pangyayari, gumagamit tayo ng mga salitang naglalarawan na tinatawag na pang-uri. Ang mga salitang ito’y may kaantasan ayon sa pagkakagamit ng taong naglalarawan.

May Tatlong Kaantasan ang Pang-uri 1. Lantay – Kung nagsasabi ng sariling katangian lamang ng pangngalan o panghalip na tinuturingan, ito’y nasa karaniwang anyo.

Halimbawa:

Mabait at masipag na anak si Yanina. 2. Pahambing – Kung ginagamit sa pagtutulad ng dalawang tao o bagay. Maaaring magkatulad at di-magkatulad ang paghahambing. Ginagamitan ito ng mga salitang magkasing/kasing, pareho, gaya, tulad, di-tulad, di-gaya, paris, mas, lalo, higit, at iba pa.

Halimbawa:

Si Efren ay kasimputi ng kaniyang ina. 3. Pasukdol – Kung ang katangiang ibinibigay sa pangngalan o panghalip na tinuturingan ay namumukod o nangingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan. Maaari itong gamitan ng mga salitang ubod ng, hari ng, reyna ng, saksakan ng, napaka, pinaka, labis, sobra, o kaya’y inuulit ang pang-uri.

Halimbawa:

Sukdulan ang buti ng kaniyang ina.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

40


PAGSASANAY

Bilugan ang mga pang-uri at suriin ang kaantasan ng mga ito. Isulat kung lantay, pahambing, o pasukdol ang mga ito.

1. Saksakan ng liksi ang lahing kayumanggi. 2. Walang kasimbait ang mga Pilipino. 3. Kasintapang ng mga Muslim ang mga Kristiyano sa pakikipaglaban. 4. Si Jose Rizal ay mapagmahal sa kaniyang ina. 5. Mabini ang mga Pilipina. 6. Higit na maliit ang bansang Brunei kaysa sa Pilipinas. 7. Siya ang pinakamabait na guro na nakilala ko sa buong buhay ko. 8. Nasalubong ko kagabi ang isang matamlay na pulubi. 9. Magarang-magara ang kasuotan ng mga kababaihan sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. 10. Di-gaanong masisikap ang kabataan ngayon kaysa kabataan noon.

Module 5:

Sugnay na Pang-abay

Tandaan na ang sugnay na pang-abay ay sinisimulan ng alinman sa mga pangatnig na dahil sa, kahit, kapag, kung, nang, pag, sapagkat, samakatwid, at iba pa.

Basahin ang talata at suriin ang mga pangatnig na ginamit bilang sugnay na pang-abay upang lalo nating maunawaan ang mga ito. Ang mga pahayag na may salungguhit ay ga halimbawa ng sugnay na pang-abay. Dapat nating mahalin ang mga katutubong atin dahil ito’y nagbibigay-kasiyahan sa ating mga ninuno. Mababakas natin dito ang mga gawi, kaugalian, at paraan ng pamumuhay sapagkat ito’y naglalarawan ng kultura o kalinangan ng ating lipi.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

41


Ang pagtangkilik ng sarili nating produkto’y makatutulong nang malaki sa paglago ng ating ekonomiya kahit may globalisasyon pa.

Sama-sama tayong magtulungan tungo sa tuwid na pamumuhay upang lalong umunlad an gating minamahal na bansa. Maraming kaugalian at paniniwala ang iba’t ibang bansang bahagi ng kanilang kultura na kailangan nating maunawaan dahil ito’y bahagi ng multikulturalismo at pagiging politically correct o pagsasaalang-alang sa pagkakaiba ng paniniwala. Hindi na maalis ang globalisasyon dahil ito’y sistema na tinatanggap sa lahat ng bansa, kaya nararapat lamang na tanggapin natin ito. Dahil borderless world na lahat ay nakararanas ng pagbabago hindi lamang sa takbo ng ekonomiya kundi maging sa pagbabago ng klima sa ating daigdig nang hindi na lumala ang masamang kalagayan nito.

PAGSASANAY

A. Dugtungan ng sugnay ang nasa bawat bilang gamt ang mga pangatnig upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

1. Nagtiis magtrabaho sa malayong bansa ang karamihan sa mga Pilipino dahil 2. Kung minsan, ang mga anak ng OFWs ay busog sa layaw ngunit 3. Masakit isipin na pang-eksport natin ang kapwa natin Pilipino na nasa ibang bansa kaya 4. Malaki ang naitutulong ng mga remittance ng mga OFWs at OCWs sa ating ekonomiya, samaktuwid 5. Libo-libong Pilipino ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa kahit

B. Basahin ang sumusunod na salawikain na maaaring magbigay-aral sa pamilyang Pilipino. Bilugan ang mga sugnay na pang-abay. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

42


1. Pag-ibig anaki’y aking nakilala, di dapat palakihin ang bata sa saya. At sa katuwaa’y kapag namihasa, kung lumaki’y walang hihinting ginhawa. 2. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo. 3. Kung masarap man ang may kwalta, lalong masarap ang pagsasama. 4. Walang manloloko kung walang paloloko. 5. Walang panalanging di diringgin, walang pagkakamaling di patatawarin.

C. Guhitan ang wastong pangatnig na bubuo sa mga salawikain.

1. (Kung, Kapag, Pag) ano ang bukambibig, siyang laman ng dibdib. 2. Matapang sa kapwa Pilipino, (saka, kaya, ngunit) duwag sa harap ng dayo. 3. (Kahit, Nang, O) madapo na ang langaw sa sungay ng kalabaw, sa sarili ang palagay ay mataas pa sa kalabaw. 4. Sa alitan ng magkapatid ay huwag kang makisali, (kapag, dahil, datapwat) sila’y nagkasundo galit sa iyo ang mananatili. 5. Lihim mo’y ipagtapat sa pitong matatanda, (kaya, kung gayon, ngunit) huwag na huwag sa isang bata.

Module 6:

Sugnay na Pang-abay na Pamanahon, Panlunan, at Pamaraan

Sa nakaraang aralin ay natalakay na natin ang tungkol sa mga sugnay na pang-abay. Ngayon naman ay tatalakayin natin ang mga sugnay na pang-abay na pamanahon, panlunan, at pamaraan.

Ang pang-abay ay nagbibigay turing sa pang-uri, pandiwa, at kapwa pangabay.

Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos. Maaaring ito’y salita o lipon ng mga salita.

Halimbawa:

araw-araw

maya-maya

sa kasulukuyan

gabi-gabi

kanina

samakalawa

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

43


Linggo-linggo

ngayon

tuwing umaga

taon-taon

bukas

magaling-araw

Ang pang-abay na panlunan ay tumutukoy sa pook na pinangyarihan o pinaggaganapan ng kilos. Sumasagot ito sa tanong na saan.

Halimbawa:

Maraming kapistahan ginagawa ang mga Pilipino, kahit saan mang panig ng Pilipinas ay madarama ito.

Naglunsad ng proyekto ang baranggay para sa kabataan; pangunahing layunin ng proyekto ang paglilinis lalo ng mga baradong kanal.

Ang pang-abay na pamaraan ay naglalarawan kung paano ginanap, ginaganap, at gaganapin ang kilos ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na paano.

Halimbawa:

Isa sa mga tatak-Pinoy ang pagiging relihiyoso, ang manalangin nang taimtim sa puso’y hindi iwinawaglit nino man.

Sa buong mundo, tayo lamang mga Pilipino ang nagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon nang mahabang panahon at matagal na paghahanda.

PAGSASANAY

A. Guhitan ang mga pang-abay at bilugan ang salitang binibigyang-turing. Pagkatapos, isulat sa patlang kung anong uri ng pang-abay ang ginamit.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

44


1. Ang pagkakakilanlan nating mga Pilipino ay dapat isaisip sa tuwina. _________________ 2. Nagsisikap siyang makatulong sa mahihirap lalo na sa mga tribong minoridad na karamiha’y nasa Mindanao. ____________________ 3. Ang pagka-Pilipino ay hindi lamang dapat sa isip at sa puso, nararapat na ito’y ipamuhay nang marangal. __________________ 4. Sinisikap n gating pamahalaan an malutas ang hidwaan ng iba’t ibang pangkat-etniko sa Pilipinas. ___________________ 5. Ang

bawat

Pilipino

ay

nagnanais

na

mabuhay

nang

payapa.

____________________

B. Dugtungan ang sumusunod na sugnay upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Gawing batayan ang uri ng pang-abay na nasa panaklong.

1. Ipagmalaki ang tatak Pilipino (Pamaraan) 2. Ipinagdiriwang ang Mahal na Araw (Pamanahon) 3. Maglunsad ng proyekto ang pamahalaan (Panlunan) 4. Kaysarap mabuhay (Pamaraan) 5. Ang bawat isa ay nagsisikap (Pamanahon)

C. Bumuo ng pangungusap gamit ang mga pang-abay na nakasaad sa bawat bilang.

1. kamakalawa 2. sa ibabaw 3. buong giting 4. sa kasalukuyan 5. sa likuran

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

45


Module 7:

Grapikong Pantulong

Malaki ang maitutulong ng mga grapiko o graphic organizer sa paraan ng pagkatuto. May mga habing semantika, dayagram, iba’t ibang uri ng grap, talahanayan, at iba pa upang lalo mong maintindihan ang mag talata o tekstong binabasa mo. Ikaw mismo ay maaaring gumawa nito sa ikadadali ng iyong pagaaral.

Halimbawa:

Tahanan

Bansa

Komunidad

Lipunan

PAGSASANAY

A. Magsaliksik sa website ng Land Transportation Office (LTO), www.lto.gov.ph tungkol sa bilang ng dyipni mula taong 2000 hanggang sa kasalukuyan. Gumamit ng grap sa paglalahad nito.

BILANG NG DYIPNI MULA TAONG 2000 – KASALUKUYAN

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

46


B. Magsagawa ng sarbey sa mga kamag-aral kung ilan ang sumasakay sad yip. Ipakita ang resulta ng sarbey sa pamamagitan ng graphic organizer.

BILANG NG SUMASAKAY NG DYIPNI SA MGA KAMAG-ARAL

C. Mula sa mga grapikong ginawa sa gawain A at B, sumulat ng talata bilang paliwanag tungkol dito. A. Bilang ng Dyipni mula sa Taong 2000 – Kasalukuyan

________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________

B. Bilang ng Sumasakay ng Dyipni sa mga Kamag-aral

________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

47


Module 8:

Pagsunod sa Direksiyon/Panuto

Mahalagang maintindihan natin ang panuto o direksiyon. Kung hindi tama ang pagkaunawa antin sa mga panuto, maaari tayong magkamali, o maligaw sa ating patutunguhan na maaaring makaantala sa oras o sa nararapat nating gawin. Madalas maraming bumabagsak sa pagsusulit dahil sa hindi tamang pagsunod sa direksiyon o panuto.

Dapat maging maingat sa pag-unawa sa mga panuto. Basahin at unawain itong mabuti upang maiwasan ang pagkakamali. Mahalaga rin ang pagbibigay ng maliwanag na direksiyon upang ito’y masundan nang maayos ng mg tagapakinig o bumabasa nito.

Narito ang ilang bagay na dapat tandaan sa pagbibigay ng panuto.

1. Gawin itong tiyak at maikli. 2. Ibigay ang mahahalagang impormasyon. 3. Gumuhit ng mapa o krokis kung kinakailangan upang maging malinaw ang pagbibigay ng direksiyon.

Kung ikaw naman ang kumukuha ng direksiyon, dapat tandaan na:

1. Unawai at tandaang mabuti ang pinakikinggan o binabasang panuto. 2. Itala ang mahahalagang impormasyon upang hindi makalimutan ang mga ito. 3. Magtanong kung may ibig linawin. 4. Maging magalang sa pakikinig at pagtatanong.

Sa paggawa naman ng babala o patalastas, dapat natin tandaan na:

1. Kailangang tiyak ang paksa ng isang babala o patalastas.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

48


2. Isaalang-alang ang mahahalagang mensahe: gaganaping palatuntunan, iba pang gawain, panawagan sa madla, kautusan ng paaralan/bayan, bagay o taong nawawala, pangangailangan sa trabaho, at iba pa. 3. Gawing maikli at maliwanag ang mensahe ng patalastas na sumasagot sa tanong na ano, sino, saan, at kailan. 4. Ito’y nagbibigay impormasyon sa madla upang maiwasan ang sakuna. 5. Isaalang-alang ang wastong baybay, paggamit ng bantas at paggamit ng malalaki at maliliit na titik, at ang palugit.

PAGSASANAY A. Sundin ang sumusunod na panuto.

1. Tupiin nang pahaba ang isang kalahating bahagi ng papel.

2. Sa kaliwang bahagi ng papel, isulat sa unang linya ang bung pangalan nang palimbag. Unahin ang apelyido, unang pangalan at gitnang inisyal.

3. Sa kanang bahagi, isulat sa tapat ng pangalan ang taon at pangkat.

4. Sa ilalim ng pangalan, isulat an pangalan ng mga magulang. Unahin ang pangalan ng ama bago ang ina. Unahing isulat ang unang pangalan bago ang apelyido.

5. Sa kanang bahagi, sa tapat ng pangalan ng tatay ay isulat ang kaniyang hanapbuhay at gayundin sa iyong nanay.

6. Sa ibabang bahagi ng mga imporasyon tungkol sa inyong mga magulang ay isulat ang eksaktong lugar o buong address ng inyong tirahan.

7. Pagkatapos,

isulat ang bilang ng inyong telepono sa ilalim ng inyong

address.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

49


Module 9:

Tono, Diin, Haba, at Antala

Mahalagang isaalang-alang ang tono, diin, haba, at antala dahil ito’y nakapagpapabago ng kahulugan ng salita o diwa ng pangungusap. Ang tono, dii, haba, at antala ay mga suprasegmental, ito ang ibang katawagan sa mga ito. 1. Tono – Ang pagtaas o pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng salita.

Halimbawa: Maraming naglalaro ng online games. Maraming naglalaro ng online games?

Kung pantay lamang ang tono ng pagbasa sa pangungusap, ibig sabihin ito ay isang pahayag. Kung pataas naman ang iyong tono sa pagbasa nito, nanganghulugan ito ng pagtatanong. 2. Haba o Paghahaba – Ito ay ang haba o ikli ng pagbigkas sa patinig sa pagitan ng pantig. Ginagamit ang tutuldok upang ipakita ang haba.

Halimbawa: 1. /magna : nakaw/ - ito’y tumutukoy sa kilos o gawi /magnana : kaw/ - ito naman ay tumutukoy sa tao

2. /u : tusan/ - ito ay tumutukoy sa kilos o gawi /utu : san/ - ito naman ay tumutukoy sa tao 3. /hawa : kan/ - ito’y tumutukoy sa pandiwa /ha : wakan/ - ito naman ay tumutukoy sa pangngalan 3. Diin – May mga pagkakataong nagkakaiba-iba ang diin o lakas ng pagbigkas sa pantig ng isang salitang nagpapabago sa kahulugan nito.

Halimbawa: 1. magsasaKA (farmer) YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

50


2. magsaSAka (will plant) 3. BUhay (life) 4. buHAY (alive) 4. Antala – Ang saglit na pagtigil sa pagbigkas; ginagamitan ito ng kuwit.

Halimbawa: 1. Hindi, ako ang naglaro. (nangangahulugang pa gamin na siya ang naglaro) 2. Hindi ako ang naglaro. (nangangahulugan ng pagtanggi)

PAGSASANAY

A. Suriin ang mga pangungusap. Isaalang-alang ang wastong tono, diin, haba, at antala sa pagbasa at pagbigkas ng pangungusap/mga salita. Lagyan ng wastong bantas ayon sa ipinahihiwatig nito.

1. Nakalalabo ng mata ang paglalaro ng online games ( ) (pag-aalinlangan sa pahayag)

2. Hindi puti ito ( ) (pagtitiyak na ang kulay ay puti)

3. Ang Dragon Nest ay pinakasikat na online game ngayon ( ) (pagsagot sa tanong na kung ano ang pinakasikat na online game)

4. Utusan mo siyang bumili ng libro ( ) (ang tinutukoy sa utusan ay pagkilos)

5. Ang mga larong tradisyonal ay mas mainam kaysa sa mga computer games ( ) (di-tiyak na pahayag)

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

51


FOURTH QUARTER

Aralin 1:

Pangatnig sa Iba’t Ibang Anyo ng Pakikipagtalastasan

Pangatnig ang tawag sa kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang magkasunod na salita, at ng kaisipan sa iba pang kaisipan. Maaari itong gamitin sa iba’t ibang anyo ng pakikipagtalastasan tulad ng pagsasalaysay

o

pagkukwento,

paglalarawan,

paglalahad,

pagtatanong,

pagmamatuwid o pagbibigay-katwiran, paglalahad ng damdamin, pautos, at iba pa.

Suriin ang mga halimbawa sa ibaba:

1. Kung ipagpapatuloy natin ang katangi-tanging ugaling Pilipino, mabubikold tayo.

2. Maraming mabubuting katangian ang mga Pinoy datapwat marami rin itong katangiang negatibo.

3. Ginagawa mo pa rin ba ang mga kinamihasnang kaugalian natin o tinalikuran mo na ito kasabay ng pagbabago?

4. Taas-noo kayong humayo tungo sa tuwid na landas at ipagmalaki ninyong kayo’y tunay na lahing kayumanggi!

5. Noong unang panahon pa ma’y kinakitaan na ng mga katangi-tanging ugali ang ating

mga ninuno subalit parang nawawala na ang mga ito sa

kasalukuyang panahon.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

52


PAGSASANAY: Kahunan ang angkop na pangatnig na dapat gamitin upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

1. Ang tao ang binigyan ng Panginoo ng tungkulin na pamahalaan an gating kapaligiran (nang, kaya, pero) tila nagpapabaya ang tao sa kanyang tungkulin.

2. Isa lang ang dapat nating piliin, iligtas ang nasisitang kapaligiran (o, ni, at) pabayaan na ito nang tuluyan.

3. Ang kapaligiran (at, dahil, o) ang tao ay magkaugnay.

4. Si Yannah ay nagtatapon ng basura sa tamang tapunan (kaya, kung, dapat) naman siya ay magandang halimbawa sa iba.

5. Pag-isipan natin ang nangyayari sa ating kalikasan (upang, sapagkat, ngunit) mailigtas natin ito sa tuluyang pagkasira.

6. Ang basurang itinapon natin, bbalik din sa atin, matagal na nating naririnig (subalit, sapagkat, habang) hindi naman natin iniintindi.

7. (Kung, Nang, Samantalang) matututo tayong pangalagaan ang atng kalikasan, tayo rin ang makikinabang.

8. Bakit kaya ganyan ang ibang tao (habang, nang, kung) abala ang iba sa kung ano-anong proyekto upang iligtas ang mga ilog, tapon naman nang tapon ang iba. 9. Nakatutuwa namang pagmasdan ang NGO’s at pamahalaan (bagamat, dahil, kasi) magkaiba ay iisa ang layunin.

10. Nawawala rin ang pag-uunlad (kung, kapag, ngunit) nasisira an gating bayan. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

53


Aralin 2:

Pang-ukol

Ang mga pang-ukol naman ay mga katagang lumilikha ng paglalaan o paguukol ng pangngalan patungo sa iba pang salita sa loob ng pangungusap. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang sumusunod:

para kay / para sa

ni / nina

mula kay / mula sa

hinggil kay / hinggil sa

ayon kay / ayon sa

batay kay / batay sa

alinsunod kay / alinsunod sa

laban kay / laban sa

ukol kay / ukol sa

tungkol kay / tungkol sa

nang may / nang wala

tungo sa

ng

kay / sa

labag kay / labag sa

PAGSASANAY:

Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Tukuyin ang pang-ukol na ginamit at bilugan ito.

1. Nagluto si Remedios ng masarap na turon para sa kanyang mga anak. 2. Hindi malilimutan ni Enrico ang mga payo sa kanya ng mga magulang niya tungkol sa pagsusumikap sa buhay. 3. Ukol sa paggwa ng tocino at longganisa ang tinalakay sa seminar sa baranggay. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

54


4. Tamang diskarte sa buhay ang kailangan laban sa kahirapan. 5. Ayon sa mga pag-aaral, lumago ang ekonomiya ng bansa dahil sa tulong ng mga OFW.

Aralin 3:

Pang-angkop

Ang mga pang-angkop ay katagang nag-uugnay o nagdurugtong sa mga salitang nagbibigay-turing at sa binibigyang-turing nito. May iba’t ibang uri at gamit ito gaya ng sumusunod:

1. Ginagamit ang /na/ kapag nagtatapos sa katining ang sinusundang salita nito.

Halimbawa: marangal na hanapbuhay

2. Ginagamit naman ang /ng/ kapag nagtatapos sa patinig ang sinusungang salita nito.

Halimbawa: madiskarteng magulang

3. Samantala, kung ang salita ay nagwawakas sa n, sa halip na /ng/ ay /g/ na lamang ang ikinakabit dito.

Halimbawa: malikhaing sayaw

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

55


PAGSASANAY:

Punan ng naaayong pang-angkop ang patlang. Isulat ang na, ng o g sa patlang

1. Napadadali ang gawain kung lahat ay sama-sama_____ magtutulungan. 2. Mahalaga_____ matutuhan ang prinsipyo ng pagtitipid lalo na sa mga bata. 3. Hindi dapat na ikinahihiya ang anumang marangal _____ hanapbuhay. 4. Karaniwan_____ makikita sa kabataan ngayon na pinagsasabay ang pagaaral at pagtatrabaho. 5. Kailangan_____ mag-aral nang mabuti upang magtagumpay sa buhay.

Aralin 4:

Katotohanan at Opinyon

Ang katotohanan ay batay sa datos na nakalap o mga pag-aaral, mga pananaliksik, mga dokumetno, totoong nangyari na may batayan. Ginagamitan ito ng mga salita o pariralang batay sa resulta o pagsusuri tulad ng: pinatunayan ni/ng, mula sa/kay, sang-ayon sa/kay, mababasa sa/ pinahayag ni, atbp.

Halimbawa: Ayon sa SWSS, higit sa 10,000 na ang namamatay bawat araw sa gutom simula pa noong 2005.

Pinatunayan sa mga pag-aaral na ang paglalakad ay nakabubuti sa ating puso.

Ang opinyon ay batay lamang sa sariling pananaw o pagtingin ng sang tao, walang batayan, sariling palagay, kuro-kuro, sariling haka o ideya. Ginagamit ang salita o pahayag na: sa palagay ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, saganang akin, atbp.

Halimbawa: YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

56


Sa palagay ko, humihingi ng pera ang mga politico bago maglingkod sa bayan.

Para sa akin, makabubuting magtapos ng pag-aaral bago mag-asawa.

PAGSASANAY:

Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga ekspresyon sa pagpapahayag ng katotohanan o opinyon. Sundin ang nakasaad na paksa.

Paksa:

Pagbabago ng Klima at ang Pag-init ng Mundo

Katotohanan

1. Pinatunayan ni ____________________________________________________. 2. Ayon sa mga eksperto _______________________________________________. 3. Batay sa mga pagsusuri ______________________________________________. 4. Mababasa sa _______________________________________________________. 5. Makikita sa resulta ng pananaliksik ______________________________________.

Opinyon

1. Para sa akin _______________________________________________________.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

57


2. Siguro ___________________________________________________________ . 3. Sa palagay ko ______________________________________________________.

4. Kung ako ang tatanungin _____________________________________________.

5. Ako ay naniniwala na _________________________________________________.

Aralin 5:

Ang Pagsasalaysay

Ang pagsasalaysay ay isang uri ng pagpapahayag. Ito ang pinakamatandang uri ng pagpapahayag dahil ito rin ang madalas gamitin. Ang pinakasimpleng kahulugan nito’y pagkukuwento. Sa pang-awar-araw nating ginagawa ay bahagi na ng ating buhay ang pagkukuwento. Isinasalaysay natin kung ano ang ginawa natin simula pagkagising hanggang makarating sa eskuwelahan, ikinukuwento natin ang naging karanasan nati sad yip o sa school bus, ikinukuwento rin natin ang ating pinanood na teleserye o ang pagkapanalo natin sa online games, at marami pang iba.

Mahalagang sangkap sa pagsasalaysay o naratibo ang mga tauhan, lugar kung saan naganap ang pangyayari, ano ang suliranin o problema ng mga tauhan, banghay, at paano nagwakas ang kuwento. Isang halimbawa ng pagsasalaysay ay ang alamat, kuwentong-bayan, epiko, pabula, at iba pa.

Dahil ito ang pinakamatandang uri ng pagpapahayag, ito rin ang pinakamadaling gawin sapagkat ito’y isang pagkukuwento lamang. Kailangan nga lamang na tandaan ang mahahalagang impormasyon tulad ng pangalan ng tao, YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

58


kung saan naganap ang pangyayari, at kung kailan ito nangyari. Mahalaga ring matukoy kung ano ba ang problema o suliranin ng tauhan sa kuwento.

PAGSASANAY:

Basahin ang salaysay. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong.

Kaninang umaga bago ako pumasok sa paaralan, habang nakasakay sad yip, may isang batang tingin nang tingin sa akin na sa tingin ko’y kaedaran ko lang. Iniisip ko kung kakilala ko ba siya pero hindi naman. Gusto kong tanungin kung kilala niya ba ako ngunit hindi ko na lang siya pinansin at ibinaling ko ang aking tingin sa labas ng dyip. Nang pumara na ako ay pumara din siya at sinundan ako. Kinabahan ako. Maya-maya ay sinabihan niya ako ng ganito, “Zipper mo bukas.” Bigla akong namula at pinagpawisan dahil sa pagkahiya sabay saran g zipper ng aking pantaloon.

1. Sino ang nagkukuwento? 2. Sino-sino ang tauhan? 3. Saan naganap ang salaysay? 4. Isalaysay sa tatlong pangungusap ang pagkakasunud-sunod ng kwento.

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

5. Ano ang paksa ng salaysay? 6. Ano ang aral na nakuha mo sa salaysay? 7. Mula sa mga imporasyong natukoy sa teksto, isalaysay itong muli.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

59


Aralin 6:

Paglalarawan

Ang paglalarawan ay isa ring uri ng pagpapahayag. Ito’y paggamit ng mga pang-uri upang ilarawan ang tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari, gusali, o damdamin. May dalawang uri ang paglalarawan. Ang paggamit ng karaniwang salita’y tinatawag na payak o simpleng paglalarawan, samantalang tinatawag naman masining na paglalarawan kapag gumagamit ng malalalim o matatalinghagang salita sa paglalarawan.

Sa ating pagkukuwento, minsan ay inilalarawan natin ang katangian at halimbawa

ng

mga

bagay

upang

lalong

maunawaan

ng

ating

kausap.

Nakadaragdag ng impormasyon ang detalyadong paglalarawan. Mabubuo ito sa isipan ng nakikinig o nagbabasa ng iyong isinulat. Sa ganitong paraan, mas magiging kawili-wili at malinaw ang iyong paglalarawan.

PAGSASANAY:

Basahin ang sanaysay na naglalarawan. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong. Siya’y payat. Mababanaag mo na unti-unti na siyang tinatakasan ng lakas. Ang kaniyang ulong pinagtaatmpuhan na ng kaniyang makapal na buhok ay humuhulas na sa pawis at pomada. Ang mga mata niya’y malalim at parang nahihiyang tumingin sa tao. Ang kanyang pisngi ay humpak na parang hukay sa daan. Ang kaniyang damit ay nagpapatihulog na sa kaniyang balikat na parang bumibigay sa labis na hirap na dinaranas sa buhay. Sa kaniyang anyo, tila mamamaalam na siya sa sikat ng araw.

1. Sino sa palagay mo ang inilararawan?

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

60


2. Ano ang inilirawan?

3. Ano-ano ang salitang ginamit sa paglalarawan?

4. Sa yong palagay, ano ang kalagayan ng taong inilalarawan?

5. Namatay kaya ang taong inilalarawan? Bakit?

6. Anong uri ng paglalarawan ang ginamit? Bakit?

7. Ilarawan ng tuloy-tuloy ang tinutukoy sa sanaysay. Isaalang-alang sa paglalarawan ang mga isinagot sa mga tanong.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

61


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.