TAMBULI: Alpas

Page 1


TAMBULI Ang pampanitikang-aklat ng THE STENTORIAN, ang opisyal na pahayagan ng mga estudyante ng Kolehiyo ng Inhenyeriya at Teknolohiya ng Tarlac State University, Tarlac City.

Reserbado ang lahat ng karapatan © 2022

THE STENTORIAN magsulat. mag-ulat. magmulat


Pabalat Ang tugma sa pagitan ng sarili at kalikasan ay paglaya. Alpas.

Pabalat ni Ian G. Agliam Mga Kuwentong Kabanata ni Mary Rose T. Arellano


GENERE JAMES C. NOOL EDITOR-IN-CHIEF

May mga bagay na bumubuo sa ating sarili, ngunit may mga hadlang din sa ating paglaki. Tulad ng kabibi na siyang nagpapalakas sa mga ibon na malapit nang makaalpas; sa kabila nito’y mga nabugok, at habambuhay nang walang takas. Sa bawat hamon ng buhay, huwag itong gawing hadlang sa ating tunay na paglaki at paglaya. Ang mundo ay malawak, at hindi nakagapos sa apat na sulok upang tayo ay makulong at mabugok nang walang laban. Madadapa, mapapagod, at masusugatan; ngunit bumabangon, lumalaban, at naghihilom. ‘Yan ang hamon at sigla ng buhay—Nasa sa’yo na kung ikaw ay magpapadala sa bagyo ng mundo at ng iyong isipan, o lumaban tungo sa pansariling kalayaan. Ngayong taon, inihahandog ng The Stentorian ang isang panibagong likha na gigising sa mga kaluluwang napagod sa mundo, at patuloy na nakakulong sa likod ng pisikal na katawan. Matapos ipakita ang ating kinaiya, atras sabay alpas. Sa bawat pagaspas ng ating pakpak tungo sa tunay na pagkalaya, umatras— kilalanin ang sarili, tumingin sa salamin, at harapin ang nakaraan; sa tahaking ito, tayo’y tunay na maka-aalpas. Malaya.


JOHANN FEL L. RIGOR ASSOCIATE EDITOR-IN-CHIEF

Sa gitna ng alapaap makikita, masidhing pagnanais na maka-alpas. Na sa bawat tunog ng nagkikiskisang rehas ay ang haplos ng bukas na nagtatanim ng munting pag-asa na siyang nagbibigay liwanag. Ang bawat tao’y naka-apak sa lupa ngunit ang lupa’y may iba’t ibang uri, iba’t ibang anyo at gamit sa mundo. Ito’y hindi magkakatulad. Hindi pareho kahit saang angulo tignan. Bagama’t iisa ang buwan at araw na nagbibigay liwanag, hindi iisa ang lupang tinatapakan. May mga paa na nakabaon at hindi makausad dahil sa lupa na tinatawag na kaputikan ay siyang nakabaon at mayroong mga nasa kapatagan, diretso ang lakad ngunit wala namang patutunguhan. Ngunit kahit anong uri ng lupa ang iyong tinatapakan, ang alpas ay isang marilag na biyaya na siyang iyong makakamtan. Sa bawat pahina nitong libro, iba’t ibang uri ng kuwento ang mababasa ngunit sa dulo’y iisa lamang ang matatamasa. Ang alpas ay hindi isang salita ngunit ito’y isang pagpili. Piliing makalaya, piliing maka-alpas.


MARY ROSE T. ARELLANO LITERARY EDITOR

Angat sa lahat ang kahilingan na mahanap ang sarili. Kung hindi makahanap ng sagot, patuloy na papatak ang yugto sa buhay natin kung saan ilalarawan ang sarili gamit ang sulat ng ibang tao. Ang mga pirasong magkapareho ang gagamitin upang bigyang depinisyon ang nawawalang glosaryo. Ngunit sa pagtulog ng araw, ang mapabuti ang sarili pa rin ang nanaisin. Ang makita ng buo ang pabago-bagong sarili sa salamin ay isang mahiwagang bagay. Kung magawa ito, madadalian kang mahalin ang iyong sarili—kahit pa mabatid na ikaw ay hindi perpekto. Sa pagmamahal ng iyong sarili ay magkakaroon ng higit na kakayahan na mahalin ang mga taong nakapaligid sa atin. Ito ang kalayaan, ang alpas. Inihahandog ng The Stentorian ang panibagong obra na ito na naglalaman ng iba’t-ibang istorya. Isa itong munting paalala na ang bawat isa ay kayang lumaya. Sa dulo ng bawat pahina, sana maintindihan na may katapusan ang bawat laban at may kasama sa bawat paghakbang. Tatagan ang isip at laliman ang paghinga. Ibuka ang mga pakpak at hayaan ang hangin na magpasya. Lumipad tungo sa kalayaan, ang alpas.


RENZ ANTHONY SALCEDO GRAPHICS EDITOR

Sa bawat araw sa mundo na wari bang tayo’y nakakulong sa napakaraming bagay na bumabagabag sa bawat isipan. Mga pagkakataong hindi natin alam kung nasaan na tayo. Mga oras na hindi natin alam kung saan tayo patungo at mga araw na hindi na natin alam ang ating ginagawa. Tayo’y parang isang ibon na nakulong sa malaking hawla, malaya ngunit hindi lubusan ang kalayaang natatamasa. May nakapagsabi sa akin, na sa pagpipinta, bawat pag-galaw ng brotsa ay dapat maging maingat sapagkat hindi na maaaring ibalik at burahin ang isang guhit na naiguhit na. Ngunit hindi ibig sabihin na sa isang pagkakamali sa pagpinta ay hindi na maaaring makagawa ng isang magandang obra maestra. Gaya ng isang ibon, na hindi dahil matagal nang nakulong sa hawla ay hindi na maaaring makaalpas pa. Matagal na tayong nakulong sa mga bagay na pilit humahadlang sa ating kalayaan. Matagal na nating hinahawakan ang hangin na animo’y hindi ito nilikha para sa atin. Matagal na nating hinahanap ang ating sarili sa mga bagay na kailanman hindi magbibigay sa atin ng kasagutan. Hindi lang sa labas matatagpuan ang ating kalayaan kundi pati sa ating kaloob-looban. Ang pagalpas ay hindi nangyayari sa mga taong nasanay na sa nakagawian kundi sa mga taong pinipiling labanan ang nakagawian para sa mas magandang kahihinatnan. Ngayon, inihahandong ng pahayagan ng Stentorian ang isang obra maestra kung saan nakalakip ang napakaraming kwento ng pag-laya, pagtamasa at pag-alpas. Sama-sama nating tunghayan ang bawat istoryang isunulat at bawat obra na iginuhit at hinulma na sa ati’y magpapahayag na “Hindi tayo nakakulong, tayo’y tunay na malaya. Ating ibuka ang ating mga pakpak, umalpas at pumaibabaw sa matayog nating mga pangarap.”




1 | ALPAS

Dibuho ni SALCEDO, Renz Anthony F.


Kabanata 1 Kumakalam ang sikmura ng demonyo. Pangil nito ay ibinaon sa marupok na kahoy, sinilaban ang pundasyon sana ng magandang bukas. Ang Mabuben ay hindi na babangon pa. Pinuwersa na gawing panggatong itong bayan kong sinilangan, isang selyo sa liham ng manlulupig. “Ituwid mo ang iyong mga paa at ika’y mag-unat!” masiglang panghihikayat sa akin ng aking kasamahan. Ibinalot niya ang marungis kong mga daliri sa bote ng tubig na inabot sa’kin. “Ang susunod na bayan ng Rittador ay malayo pa. Mahaba-haba pa ang lalakbayin natin, Rogelio.” Sandali naming pinag-usapan kung paano titipirin at paghahatian ang kaunting rasyon ng tubig at pagkain, saka na humilantad sa magaspang na sahig ng kuweba. Dito na namin palilipasin ang gabi. Dito kung saan ang agos ng ilog at kaluskos ng mga hayop ang naririnig, taliwas sa bayan kong mabigat na tunog ng nagsasalpukang sibat at naghihikahos na iyak ng mga mamamayan ko ang rinig. Mabagal ang pagtanggi sa akin ng maputik na kapalaran, sinigurong malalim ang hukay at mataas ang babagsakan. Gayunpaman, ang mga kalyo sa aking palad ay tanda ng pagkapit sa maaari pang isalba. Mahigpit na hahawakan ang sulo na hindi mananakit, kundi isang ilaw na mangunguna sa pagbangon ng bukang-liwayway. Ako ang araw. Humiga ako sa aking tagiliran. Tinawag ko ang pakiramdam ng pag-asa sa kabila ng timpla ng unos sa aking dila. Sa aking isip, inipon ko ang mga ala-ala ko ng pag-asang ito at isinilid sa isang garapon, iprineserba. Inisip ko na ang maliit na batong nasa aking palad ang pag-asang ito, kaya’t kinuyom ko ang kamao nang mahigpit, nangakong mag-iipon lamang ng lakas, at lalabang muli.

2 | ALPAS


Tagpuan AGUSTIN, Cristina Mae B. Hindi man para sa atin ang oras na ito, Sana sa kabilang mundo, Sa tamang oras na nakalaan para sa atin, Sana’y pagtagpuin tayo. Tadhana natin ay magbago, Kasabay ng pagbabago ng mga alon sa dagat, Tangayin nawa ng parehong hangin ang ating kapalaran. Pagtagpuin muli tayo sa iisang dalampasigan, Maging tama ang ating naging kamalian. Tanaw natin ang paglubog ng araw na tila kapayapaan. Mahal, sa susunod na habambuhay na lamang, Ito’y sa atin na nakalaan… Ito ang tamang oras para sa ating pusong nagmamahalan.

3 | ALPAS


deep-rooted heartstrings ARELLANO, Mary Rose T. life with you is like a garden, lavender in loamy sand, the shadow of your straw hat, moist soil lounging in your serene glow, delicate plants in equally gentle fingers, calm, warm, and safe. flowers bloom in my chest, swaying to the song of the wind, to your quiet humming, dancing under the summer rain, I have known that between the cotton candies floating overhead and the plants taking root underneath our weight, I will always grow with you.

Graphics by LOBO, Danica Melisse N.

ALPAS | 4


Void for a Heart LOPEZ, Chispear Kithrin S. Look to my left the day starts Look to the right the sun departs Even if we’re spaces apart Still bonded by colliding hearts Feeling incomplete, even when I send the sun to its slumber Leaves you a void for a heart, when will it all get better? Running for I fear wouldn’t beat the deadline The wind kisses me and says take it slow, it’s fine We can watch the sunset turn to a sunrise morning Sensing I’d see you along the path of my journey, waiting.

5 | ALPAS


The Touch of Spring ARELLANO, Mary Rose T. There is an itch under my skin, folding, tearing it apart. I, too, want the thing to come out, shed this old skin of mine, give way to something new. Gossamer threads link me back to our path, so does the scenic route, I take the latter with relaxed shoulders. When the tongue that drips contempt has dried and withered away, I shall deliver these daisies I picked to you. As the sun sails just above the ocean, the phoenix lands on the flowerbed. The coolness of the breeze feels nice against my skin. This must be the touch of spring.

Graphics by SALVADOR, Hans Timothy M.

ALPAS | 6


Kakayanin Kaya? ESTEBAN, Mariel B.

Ito ang panahon na nagdesisyon akong bumalik sa lugar na aking iniwan, tinalikuran at pilit kong iniwasan. Iniisip ko, siguro sapat na ang panahon ng pagpapahinga ko mula sa sakit at sugat na dulot ng nangyari noon. Pero narito akong muli, napapaisip kung tama ba ang desisyong ginawa ko. Dapat pa ba akong magpatuloy? Tila sinasakal ako at hindi makahinga. Nahihirapang gumalaw sa sitwasyon kung saan pilit kong pinikit ang aking mga mata, siguro ay dahil sa pagbabalik ng mga alaala ng kahapon o ang paninibago sa lugar na ilang taon ko nang iniiwasan. Maaari din na dismayado sa mga nasasaksihan sapagkat sa mga nakaraang taon, tila ba walang nagbago sa sitwasyon. Nandoon pa din ang giyera na hindi malaman kung kailan magwawakas. Patuloy pa din ang bakbakan kung saan ang lahat ay talo sa laban. May kanya-kanyang batalyon ngunit tila ba ako ay walang mapuntahan. Maaaring kakampi ng bawat isa o kaaway ng lahat. Siguro nga, hindi pa talaga naghilom ang sugat sa aking puso sapagkat buhay na buhay pa din ang kirot sa aking dibdib at tila dinudurog ito nang paulit ulit. Nagdududa na ako. Tama pa bang balikan ang lugar na ito? Sa kabila ng mga alinlangan ay tumuloy ako sa pintuan. Dahan-dahan itong binuksan hanggang sa natanaw ang mga bagong mukha. Parehong lugar ng kahapon ngunit iba na ang panahon. Ibang henerasyon ngunit ang sistema ay nanatiling naroon. Hindi na mawawala sa aking isipan ang masalimuot na alaala na tila ba isang mantsa na hindi na mabubura. Hindi ko pa rin alam ang aking gagawin. Bakit nga ba ako narito? Lagi kong tinatanong sa aking sarili, “Ito nga ba talaga ang gusto ko?” Napapaisip sa isang sulok kung nararapat nga ba ako sa lugar na ito. Nalilito pa rin ako at nagdududa sa naging desisyong ito. Pinapakiramdaman ang bawat isa at sinusubukan muling buksan ang aking sarili para sa iba. Minumulat ang isipan upang pakawalan ang aking mga pag-aalinlangan. Narito na ako kaya paninindigan ko na. Ang naudlot kong pangarap ay aabutin ko na. Hindi ko na pakikinggan ang sasabihin ng iba at mananatili akong tatakbo sa karera. Tinakpan ko muna ang tenga ko mula sa aking mga pagdududa at ngayon ay malakas ko nang naririnig ang boses sa aking puso na hindi pa huli ang lahat para sa aking pangarap. Lumipas ang ilang taong nanatili ako sa karera. Madalas pa rin ang giyera, minsan pa nga ay naririnig ko ang salitang “Sumuko ka na!” Madalas pumapasok sa aking isipan na hindi ko kaya. Wala akong mapapala. Magulo talaga. Pilit na bumabalik ang alaala at naiisip, “Paano kung ako’y babagsak muli?” Maingay ang aking isip na maging sa pagtulog ay hindi ako nilulubayan. Alin nga ba ang dapat kong pakinggan? Dumating na ang araw ng kahatulan. Sa tingin mo, ano ang boses na lumamang? Alin doon ang aking pinakinggan? Sa oras na ito ay naglalakad ako, binabaybay ang daan patungo sa pinaghirapan kong diploma. Natapos na ang karera at tama ang naging desisyon kong pakinggan ang boses na nagsasabing, “Kaya mo ‘yan!”

7 | ALPAS

PULGADA V: KINAIYA 2ND PLACE, DAGLI


Dibuho ni LOBO, Danica Melisse N.

ALPAS | 8


Caged bird Photo by VILLEGAS, Andrew Gabriel M.

9 | ALPAS


ALPAS | 10


Homecoming FLORES, Arabella Grace S. I’m beautiful. That’s what they always say when they are near me. They look at me with fascination and adoration as if I am their cosmos, that’s why they named me after the stars. They fed me, they sheltered me, and they nurtured me with warmth and tenderness which can be felt every time their hands touch my skin as I scoot and wrap my body around them: And I don’t understand why their eyes speak otherwise like they were a mixture of confusion and angst when they withdraw their hold of me, the horror illuminates only after touching me. I thought I was beautiful. Or maybe I am not? They only made me believe so because they were my family. Maybe they only named me like stars for I was meant only to be looked at but never to be within their reach. My thoughts were cut off when I heard one of them speak. “Esther,” he uttered, prolonging the “s” sound in my name while looking at me straight in the eye, disgust and hatred were all etched on his face. For the first time, the unknown feeling started to consume me forcing me to sense the sudden urge to react and let my guards up. I knew he would hit me but before he could do so, he shrieked, and his tongue spit words that cut deeper than his fresh wound. “You! Once a sly will always be a snake! We should have known better that no matter how hard we look after you, you will never take after us. You are far different from us because you’ll always be an ungrateful animal with no feelings and conscience at all!”

11 | ALPAS


I saw my reflection at the four-walled cell made of glass windows and realized that he was right, that we’re on the opposite edges of the sphere ever since. The moment I felt guilt when I saw blood gushing down from the harm I caused him, that’s when I called war inside my own skin. Before the new sunrise came, I crawled my way out. Not only out of the home I was once used to, but also out of their lives. The thing they called “guilt” that I felt a while ago was maybe the fruit of their nurturance but then, I can’t escape my nature. No one could ever tame nor dictate me who I really am. And soon, lilac skies greeted me as I reached my destination. A place where I am sure that I belong, for I am a pretty wild creature that is not meant to be kept but rather be freed and lost in the wild. And maybe the word that is closest to my name, Esther didn’t mean star instead, slither. For I am born to slither on my own ground.

Graphics by SALVADOR, Hans Timothy M.

ALPAS | 12


Minsan Bumulong ang Hangin DUNGCA, Ara Jane P. Minsan bumulong ang Hangin “Gawin mo ang magpapasaya sayo!” Hinanap ko. Pinag-aralan ko. Minahal ko. Ganito pala ang maging masaya Minsan bumulong ang Hangin “Walang mangyayari kung magpapatuloy ka” Huminto ako. Itinigil ko. Hindi ko na binigyan ng halaga. Ganito pala ang malugmok Minsan bumulong ang Hangin “Hanggang dito ka na lang ba? Sinasayang mo ang buhay mo.” Tumayo ako. Huminga ako. Nagpatuloy ako. Ganito pala ang maging matatag. Minsan bumulong ang hangin. Pilit bumubulong ang hangin Sinunod ko, sinusunod ko, sinusundan ko parin. Ganito pala. Ganito pala mabuo ang himig at musika.

Dibuho ni SALCEDO, Renz Anthony F.

13 | ALPAS


Maskara ng Kahapon ABADILLA, Honey Leth R.

Dibuho ni LLAMAS, Josiephine D.

PULGADA V: KINAIYA 1ST PLACE, DAGLI

“Napakaganda niya,” “Sobrang lamang ang mga naririnig ko sa tuwing aming unibersidad. Puro papuri, paghanga na tila isa akong kakailanganin pa sa buhay.

swerte niya sa buhay,” iyan dadaan ako sa koridor ng perpektong taong wala ng

Ako si Cha, isang mayaman, palakaibigan at ang tingin nila sa akin ay isang anghel. Kilala ako ng lahat dahil isa ako sa masayahing tao subalit hindi nila alam ang kalungkutan na bumabalot sa akin sa tuwing uuwi ako at mapapapadpad sa apat na sulok ng aking kwarto. Panganib, iyan ang pumapasok sa aking isipan sa tuwing uuwi ako ng aming tahanan, sapagkat sa lugar na ito’y hindi ko maibulalas ang tunay na ako, ang tunay na saloobin ko. Minsa’y palaisipan pa rin sa akin ang katanungang “Sino nga ba talaga ako?” Isang araw na naman ang lumipas isang pasa na naman ang natamo ko sa aking ama. Bakit? Hindi ko rin malaman kung bakit ako ang napipili niyang pagbuhatan naman ng kamay siguro ay dahil anak ako sa labas. Iyak lamang ang tangi kong nagagawa ngunit teka hindi nila pwedeng makita ito kaya’t nilagyan ko ng kolorete ang mga parteng nangingitim na sa kakabugbog. “Takot,” iyan ang nararamdaman ko sa araw- araw subalit ayaw kong ipakita sa iba ang aking kahinaan dahil sa pangambang baka husgahan ako ng karamihan. Isang araw ay pumunta kami ng mga kaibigan ko sa isang tahanan na punong-puno ng mga bulaklak subalit ang mga paa ko’y ayaw humakbang patungo doon sa harapan. Dali-dali akong umalis at tinakasan sila habang sinisigaw nila ang aking pangalan. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa mapadpad ako sa lugar na kung saan alam kong walang manghuhusga sa aking pagkatao at sa paglibot ko’y nahagip ng aking mga mata ang isang lapida at nabasa ko ang aking pangalan, at doo’y napagtanto ko, “Matagal na nga pala akong wala sa mundo simula nang matalo ako ng kalungkutan, natalo ako ng sarili kong pagkatao.” Binalikan ko ang mga kaibigan ko at nasilayan ko kung gaano kahigpit ang hawak nila sa aking nakangiting litrato habang humahagulgol. “Isang taon na pala ang nakalipas, heto pala ang naging bunga ng kalungkutan ko, heto na pala ang huling yugto ng buhay ko.“

ALPAS | 14


The power of me is the power of my success Photo by GUILLERMO, Stephen Laurence M.

15 | ALPAS


My league LAXAMANA, Kale Trixie M. The stones that she stepped on are with the colors of what she felt. As she walks through the changes in her life, shadows come along; she also tends to be blinded by the pain. Yes, she does not feel ashamed to say that she is frightened, that she sometimes thinks she wants to escape. So then she took these chains, with all smiles, she tried to go outside. Sometimes, in her life, she feels like she has lost; she does not know how to socialize. She does not know what the appropriate things to do or to say to people are; she does not know among all the characters that she has in her, which is right to show them in a setting that sometimes she does not wish to be in? It has been a tough battle, it has been a long journey. She never really thought she would reach this far, but now that she knows how to handle, deal and manage what goes on in her life, she can say, “It is my battle now.” She is now braver, she shows them who she is for these are her puzzles, even though some pieces are not that much in line with the concept of beauty–at the very least, she can proudly say that, “This is me.” This is what you are supposed to tell yourself.

ALPAS | 16


17 | ALPAS

Dibuho ni SALVADOR, Hans Timothy M.


Kadena, Kwadrado, Kandado NOOL, Genere James C. Sa kadena’y kamay nakagapos, Mga sugat ay hinding-hindi nauubos. Sa bawat galaw, sigaw na nakapapaos Kalayaan ang nililimos Kadena, Kwadrado, Kandado Sa kwadrado’y dilim ang nananaig Ang nasa isip, buhay ay nayayanig. Walang kayakap sa gabing malamig Walang kahit ano— maski ang pag-ibig Kadena, Kwadrado, Kandado Sa kandado susi lamang ang katapat Ngunit natatangi ang karapat-dapat Sa mga pagkakamali, ano nga ba ang pantapat Ang kapatawaran o ang buhay na masahol pa sa sapat. Sa bawat kadena, kwadrado, at kandado Iisa lang ang sigurado. Sa bawat paghagpis ay may nakawawalang kadena, Sa bawat kwadrado, ay may liwanag na sisikat Sa bawat kandado, ay may magaling na liyabero Sa bawat sakit, luha, at sigaw na nanguubos ng lakas, Sa huli, ikaw rin ay maka-aalpas

ALPAS | 18


The caveman and his sun FE, Darriane B. don’t look inside swear I’m alright for I am a caveman, not new in the night. don’t ignite your fire don’t start a light for i am a caveman, the cold’s an old friend of mine. i am a caveman loneliness is my dome isolation is my home never needed anyone i can survive on my own but right there in my quite shined through a yellow light its fingers reaches in my night like a much unwanted knight “come here, come out” it called “from the loneliness you call dome from the isolation you call home you can never survive on your own.” and in the middle of my night the tendrils of her light rewrote all my fright and going outside --gave me delight. deep in the thick dark under the cold arc of rock i took a small step forward where my sun is waiting with warmth. --------------“you broke free” “only because you called me”

19 | ALPAS


Graphics by LOBO, Danica Melisse N.

ALPAS | 20


Mona Lisa. Araw ng pag-alpas sa bagsak ng luha ng kahapon Larawan ni GUILLERMO, Stephen Laurence M.

21 | ALPAS


Tahan Na, Paraluman DELA CRUZ, Jem S.

Dama ang tingin ng iba Walang salitang binabanggit Buong katawan ay tila naging istatwa Gustong kumawala Ngunit hindi alam kung saan nababahala. Kung kayang hagkan at iduyan Kung kayang palipasin, Ibulong sa akin Tumahan ka, Tapikin ang balikat, huminga. Paraluman, hindi ka nag-iba Umulan man ika’y mananatiling ikaw Kinaiya, tahan at tanggap kita. Magpanggap wala sa akin sinta, Dito hindi kailangang mangamba. Sa bawat hikbi at pagpunas ng luha, Hayaan ang sariling makadama Hahawakan at sasagipin kita Salita ng iba ay hindi mahalaga, Paraluman, ika’y mahiwaga.

ALPAS | 22


PULGADA V: KINAIYA 3RD PLACE, PHOTOGRAPHY

23 | ALPAS


Pag-asa Larawan ni LUNA, Rodolfo Andrei A.

ALPAS | 24


Graphics by AGLIAM, Ian G.

25 | ALPAS


Flowing Winds ARELLANO, Mary Rose T. There is no beauty in stagnation. That was what the 5-year-old me believed, at least, as he was faced by a faculty table that his height barely reached, cold fingertips and equally shaky hands tucked behind his back. His teacher loomed tall over him as though a skyscraper sent out to collapse on him. But it was not his fault that the fish died in the aquarium. Still they would not believe him, now would they? Who would listen to a snotty kid with the bottom half of his dirty uniform crumpled and its button dancing somewhere, and who wore a banana print sock on one foot and frog and forest green one on the other. “The substrate should be changed,” squeaked his small voice. “Dear, don’t talk about something you barely know.” He winced. Harsh truth, that was. Echoing an instruction from the sticker on the class’ tiny ocean—not his brightest moment. But there is no beauty in stagnation. That was why he stuck the word up on top of his messy pile of dirt and flowers; to him, it was garden enough. When the air particles in his lungs punched every air sac they laid their eyes on because the AC was not cycling properly, that was stagnation. His pores poured—poured sweat. He was shushed when he laughed at his internal pun. What a buzzkill. But there is no beauty in stagnation; so everything he has, he lets go. “Entrust them to the wind,” they said. The weasel disagrees, wanting to keep the commanding cards to itself. He stares at it in awe, but he disagrees eventually. He wants to be one with the winds; boundless and free. So as he stretches his legs on the warm schoolyard pavement, his gaze chases after the weasel’s silhouette covering very little illumination of the vast, orange, setting sun behind it (its descent was beautiful); its bright eyes and wide grin were shadowed. “The dirt and filth would amass up my arms if I did not wash it,” the weasel chastises, before it takes its turn on the lousy gym faucet while he waits under the shade of the waning tree. The world rotates so fast in a short span of 24 hours, how were they not thrown off into space? With bright eyes and a wild imagination, he jumps to his feet, and moves.

ALPAS | 26


The Stories They Tell About Me ROSETE, Crystal Gayle

“She’s like a walking library,” that’s what I thought when we met, and she peered over her moon-shaped spectacles, seeming to wonder if she may have read me before. Conversation shrank to a monologue, as she pulled subjects from her mind like volumes from laden shelves, from aardvark to zymurgy— until I feared the library would never close. And I guessed that concealed behind her tissue of truths, and her farrago of stale facts was a face under siege so that none may know her booklore displayed only fiction, and the section for autobiography lay under the counter. I suspect when she’s out for a walk she keeps a careful eye on her shadow, in case it slips away and whispers secrets to cracks in the pavement. ; They say, the A-gamer, the upper class, I always knew I was not in contrast. Always cool, full of sass, I am great even before I knew I was. I bagged golds and silvers at what cost? I am missing even before I knew I was lost. And when I don’t even know my own ghost, how am I to find what I hid that I also lost?

27 | ALPAS

PULGADA V: KINAIYA 1ST PLACE, POETRY


Graphics by LOBO, Danica Melisse N.

ALPAS | 28


Kabanata 2 Kinuyom niya ang kanyang kamao at binuksan. Umalon pababa sa leeg niya ang kwintas na suot. Ito ay isang bato na inukit sa hugis brilyante. Itinuwid niya ang likod niyang ngawit na at ibinalik ang atensyon sa klase. Kasalukuyan nilang tinatalakay ang pananakop sa bayan ng Mabuben, gayon na rin ang unang pagbagsak at pagbangon nito. Ang mga bituin ay maaari ng ipinta sa ilalim ng kanyang mata. Natawa na lamang siya sa sarili, saka sininghot ang mala-tubig na sipon pabalik sa ilong. “Mukha kang masayang zombie!” bulalas ni Dona nang natatawa. Sinalamin naman ni Rogelio ang tawang ito. “Eto o, may tsokolate ako. Mag-asukal ka para magising ka sa katotohanang hindi na siya babalik.” “Mapapabangon ang mga yumaong makata sa mga pangatuwiran mo, Dona!” balik ni Rogelio na namaluktot pa sa upuan sa kakatawa. Naramdaman niya lalo ang higit ng kanyang mesa nang matapos tumawa, tila hinehele siyang matulog. Nakabangon na kasi ang araw nang matapos siya sa mga gawain sa eskwela, ni hindi na nakaidlip at diretso na sa ligo. Napagalitan pa siya ng nanay dahil baka raw ay mapasma. Ang katumbas na halaga naman ng pagpasok niya ay sulit. Isang aralin na naman na nagbigay ng tanong para sa sarili: Ano nga ba ang ibig sabihin ng paglaya para sa isang estudyante? Sa tingin ni Rogelio, kung kabi-kabila ang mga gawain sa eskwelahan, at nararamdaman niyang humihirap ang kanyang paghinga dahil kahit saan siya tumingin ay minumulto siya ng mga ito, isa na siyang bilanggo ng kanyang isip. Kung sa wika ni Dona, sasabihin niyang “Nanununtok ang kamay ng orasan, kaya dapat dalian ko!” Ang simpleng sagot naman ng antok na estudyante ay, “Ang pagtulog ay paglaya. Paalam.” Ganito ang paglaya para kay Rogelio, isiniwalat ni Dona, binasa mula sa mardyin ng kanyang kwaderno, sulat ni Rogelolo: Ang pagtulog ay paglaya. May mga aktibidad na kasing bigat ng sako ng semento, kakaladkarin ka sa lawa ng putik, magkakaroon ng araw na ang mga mata ko ay tila ladrilyo sa bigat. Ang mahalagang paalala ay kung bakit ko ito pinagdadaanan–may mga pangarap ako, at ang baterya na nagbibigay sa akin ng lakas ay mapupuno nang muli. Ang paglaya ay ang pagmulat ng mga mata sa realidad na hindi ka nag-iisa. May mga taong kapareho ko ng mga pinapangarap, na maaari kong pagkuhanan ng dagdag pang inspirasyon. Hahanapin ko ang saya sa proseso, at aalalahaning may kasama ako.

29 | ALPAS


Dibuho ni SALCEDO, Renz Anthony F.

ALPAS | 30


Toxic

FLORES, Arabella Grace S. Mirror, mirror on the wall They all laugh as I stumble But hey, little did they know I am the poisoned apple.

31 | ALPAS


Let people think of your strength they will regret. Photo by GUILLERMO, Stephen Laurence M.

ALPAS | 32


Persephone’s Symphony LOPEZ, Chispear Kithrin S.

Day exposes the world’s lies while night reveals the universe’s truth Drowning with personalities, not all bearing fruit Like a poem, I dare say I’m easy to read but hard to understand Unveil me, marry me, satisfy me until my hair stands Let your loudest thunder deafen your mind Seek your soul for it is yours to find Fear not of your anger and let it do the fight Sometimes it takes a lightning to light up a dark cloudy night

33 | ALPAS


Graphics by SALCEDO, Renz Anthony F.

ALPAS | 34


Graphics by AGLIAM, Ian G.

35 | ALPAS


The socio-carvings FE, Darriane B. i think we spend our life unwhole. with pieces scattered in different time and universes where we bared our soul but got rejected. and in doing so, we shed the piece of skin they don’t love, and replace it with a different shade of piece that they accept—but doesn’t look like us. we were here. in the sun drenched room with watching eyes and little laughs. we were here. in the crowded street and strangers with glazy eyes. we were here. under the 3pm sun and sea blue sky. we were here. beneath the 2 am moon with the infinite stars. we were here. and the pieces of our soul left in these frozen places and time call our name at night —”I’m still here.”

ALPAS | 36


Butas sa Kisame AGUSTIN, Juan Jr Pagkamulat ng aking mga mata ay natagpuan ko na lamang ang aking sariling nakahandusay sa nagyeyelong tubig ng banyera. Paralisado ang aking buong katawan at kita ko ang kislap ng apoy mula sa umuugoy na kawad sa kisameng tinapalan lamang ang mga butas gamit ang mga pinaglumaang tela. Padilim nang padilim ang paligid at sadyang hindi ko maiahon ang aking sarili sa kasalukuyang kinalalagyan. Unti-unting bumabalik ang aking pandinig at nakakakabang marinig ang mabagal na pag-ikot ng orasan na tila kaluskos ng karit ni kamatayan. Pinipilit kong sariwain ang lahat kung papaano nga ba ako nahantong sa ganitong sitwasyon. Ngunit sa ibabaw ng kisame ay may narinig akong mga yapak, hindi ganoon kabigat ngunit tila mapaglaro sapagkat dahan-dahan lamang ito at kung saan saan tumatapak. Maya’t-maya ay may halong mahinang paghalakhak na nanggagaling sa naturang kisame kasabay ng pagsambit ng “Hanapin mo ako.” Halatadong bata dahil sa boses nito, pamilyar ngunit hindi ko matandaan kung sino. Sa harap ng aking mukha ay hinihila ng bata ang tela mula sa butas, patuloy ang paghalakhak nang may tunay na kasiyahan. Imbes na matakot ay mas nanaig sa akin ang pagkamausisa, kung kaya mas sinubukan kong iahon ang aking sarili kahit hirap. Sa tanda kong ito ay hindi ko na maalala kung kailan nga ba ang aking huling tunay na pagngiti. Tila buong buhay ko ay nabalot ako ng problema, kapaguran, at kalungkutan. Itinuon ko ulit ang aking sarili sa butas ng kisame, inaaninagan ang batang kanina pa kumikintal sa aking pandinig. Sinilip ko ang butas at nakita ko ang isang batang may maaliwalas na mukha at may purong ngiti, maipipinta sa kanyang mga mata na wala itong halong kalungkutan. Napatigil ako at bigla na lamang umagos sa aking mga mata ang luha, sapagkat nakita ko na siya. Siya ang matagal ko nang hinahanap na nalimutan kong alalahanin habang ako’y lumalaki’t tumatanda. Na kahit sa pinakapayak na bagay ay natututuhang maging masaya. Siya ang aking nakalipas na nakalimutan kong bitbitin sa kasalukuyan. Inialay niya ang kanyang kamay mula sa’kin at akin naman itong inaabot mula sa butas, hinihila ang aking sarili paahon sa kalunos-lunos na kinalalagyan. Habang tinititigan ko ang batang ako, unti-unting lumiliwanag ang kapaligiran, malambing ang pagtanggap. Nagising na ako mula sa mahabang pagkakahimbing sa ospital at sumalubong sa akin ang aking pamilya. Nahanap kong muli ang aking sarili na siyang nagbigay pag-asa upang pahalagahan ang pangalawang buhay na ipanagkaloob pa sa akin. Sasanayin ko ang aking sarili na maging masaya mula sa maliliit na bagay, gaya sa isang batang musmos na may galak sa puso.

37 | ALPAS


Forever Young Photo by VILLEGAS, Andrew Gabriel M.

ALPAS | 38


“Walang Pamagat” LOBO, Rachael P. Basa. Sagot. Scroll down. Sa karaniwang pagkakataon, hindi niya gusto ang mga tanong. Lalo na iyong mga tanong sa pagsusulit na nangangailangan ng kompyutasyon at pag-aanalisa. Subalit sa pagsusulit na ito ay petiks lang. Simula nang nadiskubre niya ang Myers- Briggs Type Indicator, medyo naadik na nga siya rito. Kada buwan sinusubukan sagutan, sa pagdududang baka hindi na siya ang dating siya. Naramdaman mo na ba ‘yon? Naiisip mo rin ba paano ‘pag hindi na pala ikaw ang kilala mong ikaw? Ay teka, kilala mo nga ba talaga ang sarili mo? So far…may ideya siya kung sino siya, sa mga tine-take na personality test. INFJ-T gaya ng sabi sa resulta. “Introverted,” “Intuitive,’’ “Feeling,” at “Judging.” Tipong “Advocate.” Mga may malalim na pang-unawa at imahinasyon. Kalakasan: malikhain, malawak mag-isip, ma-prinsipyo, masigasig, inuuna ang iba. Kahinaan: sensitibo, mapag-alinlangan sa pagbabahagi ng sarili, umiiwas sa ordinaryo, mabilis ma-burnout, at syempre ang pinaka-ayaw niya—pagiging “perfectionist.” Napa-irap siya sa sarili. Wala namang bago, iyon pa rin ang resulta tulad nung nakaraang buwan. Epekto rin ata ito ng pandemya sa kanya. Walang magawa, bored, hinahanap ang sarili—kunwari. Pero syempre, dapat suportado ng siyensya. Bago niya pa tuluyang maiwala muli ang sarili sa kung ano-anong kaisipan ay pinilit niya na ang katawan na bumalik sa lumang laptop, na iniwan bago naaliw sa selpon. Inumpisahan niya ang pagtitipa. Paulit-ulit na bura, panaka-nakang paghinto upang mag-isip ng ideya. Tapos na, kaso walang pamagat. Saka na, pagkatapos siguro niyang ipabasa sa ilang kaibigan para sa kritisismo, kaso naisip niya na paano ‘pag natalo na naman siya ng kritisismo at maisipa na huwag na lang ito ipasa sa patimpalak na balak salihan? Hindi na nga niya ipapakita sa iba. Diretsong pasa na lang. Teka, ‘yong pamagat pala? Pinasadahan niya ulit ang sinulat. Parte ng kaunting pagkaperfectionist, wala siyang maisip na tila aangkop sa maselang panlasa. Tungkol ito sa kanya. Kung sino siya. Subalit hindi niya talaga kilala ang sarili bukod sa MBTI personality na pinanghahawakan. Isa lang ba siya sa tila libo-libong naka-program na INFJ-T? Kaya sa huli, wala siyang maisip na pamagat. Kaya Walang Pamagat ang dagli na ipinasa niya. Medyo na-stress. Napaisip. “Bakit ko ba naisipang sumali?”

39 | ALPAS


Dibuho ni LOBO, Danica Melisse N.

ALPAS | 40


Couldn’t Dare

LOPEZ, Chispear Kithrin S.

Flip a coin, which is it today? To stay or move away? Mark new places on the map that contains you Or languish the joys on a memory way past due Isn’t it better to play safe on the calm shores? Instead of drowning, breath dragging to the sea floor Frustrations pent up for the uncertainty of it all Circumstances has already pushed me to make a call As I start to walk a path with him Realizing why I couldn’t dare breathe Chronos dresses me up with vines For he himself cannot die

Dibuho ni LLAMAS, Josiephine D.

41 | ALPAS


Captcha

FLORES, Arabella Grace S. ‘Completely Automated Public Turing test to tell Computers and Humans Apart’ What difference does it make? If they would not allow me to do my part As if it is for my own sake. To follow what is told to do, To be controlled by the directions, Moves that are limited and calculated Where everything should be close to perfection. Scared of being discarded I’d let them dictate me But the more that I obey, The more I couldn’t recognize myself. And now I can’t move, I couldn’t function Not because I’m programmed to be But rather I stopped operating. So can someone please do the deed for me? Please check the box below to proceed For I am no longer sure that— I’m not a robot.

Graphics by SALCEDO, Renz Anthony F.

ALPAS | 42


Can Take Our Youth Away GASPAR Jr, Fernando Y. You’re still young, and don’t forget that I understand that you working on your dreams At your seventeen, eighteen, nineteen But don’t tire yourself out You’re young, then be young don’t miss that out Sometimes you need to take your time out Don’t let yourself be burned out About the things, that world put into your life Be like this, be like that Do this, do that! Don’t be a slave to society Do the things that can make you happy Stop, don’t rush Don’t tire yourself too much I know that your dream is important Your future is important But let me tell you this, success is not an instant You’re still at school, and you’re far from it You’re being too serious about it. Well, it’s your future that were talking about The future that will put you out Is it really the top? Or is it just an ideal top? Again, success is not an instant So enjoy the process–your journey This is where you will spend most of your time So don’t spend it being busy all the time Sitting next to stress, pain, pressure, and anxiety Take it easy! Don’t let these things take our youth away

43 | ALPAS

Your life is a golden years It’s a golden years of a life I get it young ladies and gentlemen You need to set aside your “what ifs” and “I need to do these” You’re young, you have got so much time to try And if you fail, try again try Until you find yourself and succeed Put your jobs away just for the meantime Your youth life is only once in a lifetime Make no regrets, life is fast, life is fleeting Life happens all of a sudden, what are you doing? What are you thinking? Dream is not the top, it is our journey Value your present as you value your future Because your future depends on your present So move forward now or after Now or never Be smart, stand, and break free Don’t let someone take our youth away


Graphics by AGLIAM, Ian G.

ALPAS | 44


Inutil

PALAD, Anthony Cole

“Oh mag-mine na kayo diyan mga inutil, mag-mine na kayo sa mga paninda ko! Kung hindi niyo ‘to ima-mine, itatapon ko ‘to!” Mga linya na araw-araw mong maririnig at mapapanood sa peysbuk, na walang sawang isinisigaw ni Beth, isang online seller, habang hawak-hawak ang mga damit na pilit inilalapit sa kanyang telepono upang maipakita ang detalye sa kanyang mga mamimili. “Dalian niyo mag-mine na. Huwag niyo ng paabutin pa ng ilang taon bago kayo mag-mine, mga inutil!” Limang taon na mula ng magsimula siyang maging online seller at mamuhay mag-isa sa kadahilanang siya ay pinalayas ng kanyang ama sa kanilang bahay. Hindi dahil siya ay mamamatay tao. Hindi rin dahil siya ay tamad o bulakbol. Kung hindi, dahil siya ay bading–at hindi ‘yon tanggap ng kanyang ama. Siya ay pinagsasabihan at ginugulpi lalo tuwing siya ay nagsusuot ng mga blusa at mga kamiseta noong bata pa lamang siya. “Inutil ka, Laura, yours na ‘tong damit na pula!” Animo’y kanya laging minumura at pinagbibitawan ng mga masasamang salita ang kanyang mga mamimili, ngunit alam nila na ‘yon ang nagpasikat sa kanya at ‘yon na ang naging tawag niya sa kanyang mga parokyano. “Inutil,” ‘yan ang bansag sa kanya ng kanyang ama na magpahanggang ngayon ay kanya ng dala-dala at patuloy na lamang na niyakap, gusto niyang patunayan na kahit ang isang inutil ay may mararating sa buhay. “Bukas ang meet-up sa may tapat ng simbahan. Alas-tres ng hapon, kitakits!”

45 | ALPAS


“Nobenta po sa inyo Ma’am,” sabay abot sa ale ang kanyang binili. “Para po siguro sa inyong anak ang bestidang minine niyo, ser. Sisenta pesos po ito,” aniya habang iniaabot ang damit. Walang naging imik ang mama at iniabot lamang ang isang daang piso. “Huwag mo na akong suklian.” “Suot mo na ‘yan, at uwi ka na sa bahay, anak.” Sambit ng kanyang ama.

Dibuho ni SALVADOR, Hans Timothy M.

ALPAS | 46


Soar High Photo by VILLEGAS, Andrew Gabriel M.

47 | ALPAS


The kite girl FE, Darriane B. “Someday I’ll fly and then I will be finally free,” she said with the twinkles of youth and hope in her eyes. And she did fly. But not everything that fly are free. i feel more loose in losing there’s peace in giving up there’s contentment in not trying. the air in the mountaintop is thin, joining the vie—it’s suffocating. there’s glory in letting others win mediocrity is comforting victory is not always satisfying i prefer it here in the lower ring —for i feel more loose in losing.

ALPAS | 48


Kinaiya ko’y nakatanikala DULDULAO, Jelly O.

Sarili laban sa sarili Mga galos na pilit na kinukubli Minarapat na sarili’y itanikala Ibang kandado ng buhay ang kinabisa Gustuhin man baguhin ang nakaraan Ngunit nakakulong na sa multo ng kasalukuyan Kinaiya’y akin sanang pinakita Hindi ibang taong hindi ko na makilala Sarili’y pilit inaahon sa dagat ng pagkatao Daluyong ng buhay ang humahadlang sa muling pag-ahon ko Ano kaya ang kinalabasan? Kung kinaiya ko’y pinagbuksan Paano kaya kung nagpakatotoo ako? Nakakulong kaya sa ibang anino? Saya kaya ang nakapinta sa munti kong labi? O lungkot pa rin na pinapahiran ko ng panandaliang ngiti? Kinaiya ko’y nakatanikala Ibang tao ang aking pakilala Pilit mang takpan ng tagpi itong pagkatao Ngunit di na pasusulsi ang pagod ko ng puso Dumating sana ang araw ng pagtanggap Pag-unawa, ito sana’y mahanap Hindi na sana mahirapang ikubli Mga luhang pilit na pumapatak tuwing gabi Kinaiya ko’y nakatanikala Mahanap sana ang susi ng pagkilala Upang ako’y sa wakas makalaya na Sa tanikalang ako lang ang nakakaunawa

49 | ALPAS

PULGADA V: KINAIYA 1ST PLACE, TULA


Dibuho ni SALCEDO, Renz Anthony F.

ALPAS | 50


Stargaze

PAYUMO, Robert Andrew A.

Just when the sun sets, the moon reigns the night How these eyes sparkle whilst the stars invite Countless dots dazzle from my window’s sight It’s such a mystery how alluring they ignite While these pupils venture the horizon Curiosity knocks in, out of confusion What makes them beautiful thus there must be a reason Is this the reality or some sort of illusion? But as the stars gaze back at you Thoughts explode from thy point of view These glitters on the sky, they shine with different hue However, they shine as they burn, sadly it is true How glamorous stars are from miles away Skin can’t touch or feel how you portray You’re just like the stars back in an evening Sunday Can I see you shine one last time someday? No matter how bright these stars twinkle, all have an end And my eyes witnessed how your beauty transcend Someday we’ll meet again as the sun ascend From my window I stare once again, hoping another dazzle my friend

Graphics by SALCEDO, Renz Anthony F.

51 | ALPAS


ALPAS | 52


Karakter YABUT, Kyle Cedric Y.

O kay bilis naman ng oras Labinsiyam na taon na nga ang lumipas Marso ang buwan noong ang liwanag ay unang masilayan Probinsya ng Tarlac ang siyang lugar na kinalakihan Simula noon, pag-aaral ang laging inuuna At ang tanging minimithi ay makakuha ng mga medalya Puyat, pawis, dugo ang nagsilbing puhunan Ngunit, may halaga nga ba talaga ang ginto at pilak na pinagpaguran? Ang kanyang paglalakbay ay hindi kailanman naging madali, Sapagkat ang kalupitan ng mundo ay para bang hinihakayat siyang bumitiw Galit, lungkot, at kadiliman ang nagsilbing kanyang sandigan Sa paglaban upang harapin ang mga masasakit na karanasan

Dibuho ni AGLIAM, Ian G.

53 | ALPAS


Ilang taon niya rin itong dinala Nabuhay na para bang may kulang sa kanya Noong una’y di mawari at mahanap kung sino nga bang makakatulong talaga Subalit sa panahong ito ay nahanap na niya, ang Panginoon ang tanging nakapagsalba sa kanya Dito ay marami siyang napagtanto Ang pamumuhay sa mundo ay hindi isang biro Sinong mag-aakala na tila ba’y kwento sa isang libro Na bawat pahina ay may silbi at mga dating pangyayari ay hindi na mababago Siguro nga’y hindi madali ang inihain ng mundo Mga pagsubok at laban na hahantong sa pagsuko Datapwat, ang taong may tiwala sa Diyos ay makakayanan ang mga laban At makakamit ang premyo ng kasiyahan at tagumpay Ito, ito ang mga istorya ko Ako, ako ang karakter na tinutukoy sa bawat kwento

ALPAS | 54


Cursed Gift

TOLENTINO, Kate Enid B.

PULGADA V: KINAIYA 1ST PLACE, PAINTING

55 | ALPAS


Leave the nest ARELLANO, Mary Rose T.

This time, it is a black hat. With a little push, it sits perched atop his tousled hair. Too much for adventuring, this is. He has a feeling that he will take fall damage, despite not having tried out his aviation invention yet. This is Icarus with wooden wings, a complete patchwork of creation. A voice cuts through his thoughts and sings a playful farewell. NPC or not, this companion of his had never failed to spill over some of his supposedly main character’s bravery, which is already chaotically stirring in his pot. Try it out, the NPC reminds him. If you fall, you can always try again. That much is true, well, for a video game. How his whole being ended up inside of it, he has no recollection. This vast field of savannah will be a witness of his curiosity to experience something new, to gather data, and to contribute to the progression of the story; or, a spectator to his self-preservation, a quiet thrum in his bones triggered by the possibility of failure, in his fear of the unknown, and of the darkness brought by it. This is a sunlit landscape though, adored by animals and bugs alike. A wind gently caresses his cheek–a whisper of encouragement, a reminder that it is alright to let the world gaze at him and judge him and his creation, and-–he stretches the span of his in-game wings–he can still be kind to himself anyway. His hat almost went ahead of him, swayed by the breeze as if to say “Take flight!” Beside him, a gentle smile graces the NPC’s lips. He has never read this character’s thoughts, much less figured out how it processes his actions. But his reactions, he can control; and he decides he wants to experience this. So, with a giggle, the NPC kicks him off the cliff. He will get his revenge once he gets back up.

Graphics by SALVADOR, Hans Timothy M.

ALPAS | 56


Maskara sa Kamera FE, Darriane B.

“Hello guys, welcome sa aking vlog. Ngayon, tuturuan ko kayo kung paano maglagay ng make up!” “So una, dapat malinis ang mukha natin.” Ganoon nga, upang makaligtas sa piksyunal na mundong ating ginagalawan, kailangang maging hubad. Alisin ang bawat pirasong hindi nila tanggap. Punasan ang tunay na dikta ng kalooban at alisin ang tunay na nararamdaman para sa sarili. Tumingin sa salamin ng opinyon ng mga tao at iyon ang ilagay sa kaawa-awa mong pagkatao. “And then, maglalagay tayo ng primer.” Para hindi tayo masugatan sa katotohanan na hindi na ang sariling kalooban ang sinusundan kundi ang larawan na tutugma sa kanilang batayan. Hindi kasi tayo magugustuhan kung ipapakita ang tunay nating hitsura. “Next na ang foundation, after natin ilagay ‘yung foundation, isusunod natin ang concealer.” Upang pagkukunwari ay patuloy na mapanindigan—maitago ang tunay na damdamin na nais sabihin— ngunit mas mainam na mahalin kahit sa sarili ay napakasinungaling. Itago ang bawat marka ng sugat. Hindi ito maganda. Tayo ay dapat na maging imahe ng perpeksyon, hindi larawan ng kapintasan at kakulangan.

57 | ALPAS


Salamin. Siya na lang talaga ang nakakakita ng lungkot sa nagtatagong saya sa aking mga mata. Larawan ni GUILLERMO, Stephen Laurence M.

“Next are the eyes!” Ngunit kahit anong pagtatago ang gawin, sumisilip pa rin ang kaluluwang pilit na kumakawala sa walang kulay na mga mata. “At panghuli, maglalagay na tayo ng lipstick!” Hindi maaari. Ilabas ang nakasisilaw na ngiti. Ibaon ang lungkot at pagkawala sa masayang kurba ng labi. “And we’re done! Thank you for watching.” Tapos na. Tayo na ang simbolo ng sukat na gusto nila. Ang anyo mo’y iba—hindi mo na makilala. Sarili mo’y ilang beses iniba para ibigin ka nila. Sa piksyon nabuhay ka. Hinabol ang ikaw na kapuri-puri para matanggap ng iba. Kung ikaw ay magsawa at gustong kumawala sa rehas ng “perpeksyon” na iyong gawa, sirain ang patsada—dahil kamahal-mahal ka, sa simula pa lang, perpekto ka na. Walang kahit anong makulay na pintura at pakikisabay sa iba ang kailangan para makita ang iyong halaga. Oras na para ibahagi sa iba ang aral tungkol sa piksyunal na anyo na ninanais ng iba. Maganda ka, mahalaga ka, katanggap-tanggap ka, at kaibig-ibig ka sapagkat natutunan mong angkinin ang sarili mong halaga sa pamamagitan ng hindi pakikinig sa kanila

ALPAS | 58


Kabanata 3 Abutin mo ang kamay ko. Tila goma ang yakap ng mga braso ko sa aking tuhod. Sa gitna ng mga mapanirang ipoipo, nararamdaman ko na paliit nang paliit ang lugar na maaari kong galawan. Kinapa ko ang paligid ko at naramdamang may apat na sulok na hindi nakikita ang palapit nang palapit sa akin. Habang nagliliparan ang buhok sa mukha ko, natataranta akong tumayo at mabilis na lumakad para lamang mabangga sa isang sulok ito. Napalunok na lang ako at walang-malay na pinagkiskis ang mga nagyeyelong daliri dahil sa mabilis na pagbaba ng temperatura. Naninikip ang dibdib ko. Hindi ko alam ang gagawin. Ibuka mo ang iyong bibig. Humingi ka ng tulong. Kinagat ko ang aking labi nang bigla na lang inulan ng samu’t-saring mga pintura ang mga pader na nakapaligid sa akin. Abstrak na walang patutunguhan. Isang delubyo na ipininta, ibinobrodkast ang takot ko sa hinaharap at mga pagsisisi ko sa nakaraan. Tumakas ang hikbi sa mga nanginginig at tuyo kong mga labi. Magiging maayos ang lahat. Pakiusap, Rogelio. Sundan mo ang tinig ko. Sinubukan kong ibuhos ang atensyon ko sa maliit na tinig sa aking tenga. Para itong kati na hindi ko maabot mula kanina. Dahan-dahan ang paghinga. Huwag kang mag-alala. Aayusin ng mga piraso ng buhay ang sarili nila. Tuluyang lumukot ang aking mukha, sa sakit at pwersang pasan ng babasagin kong mga balikat. Napakakalmado ng boses na ito. Siya ay siguradong-sigurado. Sinundan ko ang payo nito. Huminga ako nang malalim—isa, dalawa, tatlo—saka ko ito pinakawalan, hindi na namalayang nakapikit na ang mga mata. Ang kalong na tensyon ng mga balikat at panga ko ay inilipad na na parang buhangin. Inulit ko ito ng ilang beses hanggang sa marahan akong haplusin ng sariwang simoy ng hangin. Panatilihin ang tingin sa kasalukuyan. Magiging maayos ang lahat. Ang kaninang mga abstrak na imahe ay napalitan ng malinis na pisara. Ang ipo-ipo na nagpupuyos sa galit ay tahimik na. Isang paa pagkatapos ng isa pa, naglakad ako palapit sa pwesto ng isang nagliliwanag na bagay. Base sa bilis ng pagbagsak mula sa langit, parang balahibo ng ibon ang gaan nito. Narito ka. Kung sa tingin mo’y ikukulong mong muli ang sarili sa bagyo ng iyong isip, bumalik ka sa kasalukuyan. Malaya ka. Marahan ko itong sinalo. Isa itong pang-angkora. Isang kwintas.

59 | ALPAS


Dibuho ni SALCEDO, Renz Anthony F.

ALPAS | 60


Bahaghari TANAMAL, Aira Shane L.

Madalas nalilito sa pagkatao Naiisip ano nga ba ako? Nangangamba kahit alam ang sagot Dahil sa kasarian ay may nakabalot Laging pinangungunahan ng takot Karahasan sa kasarian Natatanggalan ng karapatan Sa mapanghusgang lipunan Wala kang kabibilangan Ano nga ba ang pagkakaiba? Diba’t pare-pareho lang naman tayong nilikha? Hindi dapat nangingibabaw ang diskriminasyon Ang panghuhusga ay ‘di solusyon Respeto... pitong letra, isang salita Ito lagi ang mahalaga Tigilan na ang pangungutya Dahil lalo lang magkakasala Simula ngayon, ito na ang panahon Ating mag-umpisang umahon Tanggalin ang pagkalito Tanggapin ang pagkatao Hindi na dapat i-sikreto Ipagmalaki ang tunay na tayo

61 | ALPAS


Bahagsubay ng sansinukob

PAYUMO, Robert Andrew A.

Sabay sa pagbangon ng bukang liwayway Ang mga mata kong tila ba’y namamatay Halos mabulag sa ilalim ng buhay tatsulok Ilang dekada pa ba, upang marating ang rurok? Mahirap gumalaw ang mga paa na may rehas Araw-araw iniisip, kailan ito makakalas Sa ilalim ng kamay ng may pulseras Halos imposible na ang makatakas Ilang taon pa ba ang dapat danasin O kaya’y ilang ilog pa ba ang dapat baybayin? Ganito na lamang ba ang daan na tinatahak? Upang ang kalayaan ay muli nang mahawak Laging tatandaan na pagkatapos ng ulan Ay ang paglikha ng bahaghari Sa dulo ng pitong kulay ay puntahan Makita ang pag-asang hinahanap, kung maaari Ngunit sa ngayon ako’y aasa muna Na makaalis sa ilalim ng tatsulok Baka sa kabilang sansinukob Sa ibabaw ng tatsulok, ako’y nakaluklok Dibuho ni LLAMAS, Josiephine D.

ALPAS | 62


Bagong Libro SUDARIA, Juana Nicole T. Sa paglipas ng panahon Tila pagsubok ay patuloy sa pag alon Dinadala ako sa madilim na parte ng mundo Naghihintay baka sakaling may sumaklolo Taong dalawang libo’t tatlo Nang unang masilayan ang ganda ng mundo Sino nga ba ako? Bakit ako naririto? Sa murang edad Napabayaan ang mentalidad Sarili ko lang din naman ang dapat sisihin ‘Di ako nag ingat sa aking mga desisyon ‘Di ako nakinig ng payo sa diskusyon Kung alam ko lang na ang buhay pala’y ganito Sana binagalan ko lang ang takbo Sana’y tinipid ko ang mga talon ko Para madami akong naisulat na maganda sa pahina ng libro Bago ko pagdaanan ang lahat ng ito. Sarili pala ang dapat unahin Sarili pala ang dapat munang mahalin Sarili pala ang dapat pahalagahan Sarili pala ang dapat ingatan Lubos ang galak ng dating ako, Sapagkat muli kaming nagtagpo ng mga nawalang piraso. Handa na akong gumawa ng bagong libro Laman ang storya ng bagong ako At lahat ng natututunan ko sa gulang na labing walo. Sa kabila ng magulong mundo, Ang aking kinaiya, aayusin at ipapakita ko.

63 | ALPAS

PULGADA V: KINAIYA 3RD PLACE, TULA


Graphics by LOBO, Danica Melisse N.

ALPAS | 64


The Transcended CUARESMA, Anna Krisha C.

PULGADA V: KINAIYA 1ST PLACE, GRAPHIC DESIGN

65 | ALPAS


Pull out the real you LAXAMANA, Kale Trixie M.

Let’s say we draw ourselves using a pencil, in a clear white paper, we pull out what we feel, encryption of thoughts, feelings that are nearest to being real, drawn from the colors of the rainbow, we thought we knew the drill. there we present our own as a masterpiece, we build up our puzzles, characters changes depending on peers, have we ever felt like we acted in a full swing, or we do not know if that is still us or just a trait of a fling. there is beauty in madness, they say, we may hide who we are, we may not feel so gay, remember, open your chest and let your butterflies feel the freedom, and you are to lead your character, your own kingdom. unclasp your lock, you are bound to show off, let them see the whole you, let them watch, you won’t flop, you are a creature, a form of amusing mankind, you will be the one at the top, you will not be left behind.

PULGADA V: KINAIYA 2ND PLACE, POETRY

Graphics by LLAMAS, Josiephine D.

ALPAS | 66


Graphics by LLAMAS, Josiephine D.

67 | ALPAS


Emma

ARELLANO, Mary Rose T.

Each voice in Emma’s head has its own color. They are also accompanied by a background to tell which point in her life the voices came to be. Theatre curtains part to showcase these performers and their stages. As the Overseer, watching them is as exciting as watching the murmuring of the actors backstage. Green comes up to me one day. Dressed in a flowery dress and a summer hat, she is a child swaying with the song of the ocean. She must like to venture outside. She points at the huge screen behind me, her eyes sparkling. “The chicken looks yum-yum!” There is excitement in the way her ponytails bounce. A hearty laugh slides out of my throat. I shift on my seat on the sofa and she sits beside me with a soft thump. Just like the glowing stickers on her ceiling, Emma’s child voice never really went away. “I agree,” I say with an indulgent tilt of my head. “Take your time eating, little Emma.” When Emma was young, she always looked delighted while eating. The way she eats, scooping up a generous amount of her meal and chewing it with a pleased hum, was something I thought she had lost in the flood of time. Honestly, that is one thing I would like her to not forget. “Son of Hercules, tell Emma to—” “I have told her! The times you reminded me to tell her have exceeded the number of stars in the sky!” Lightning flashes around the garden, followed by, “I am going to end up behind bars tonight!” This is purple. To this day, this voice still sounds mildly like an echo of someone else. Before, she meant harm, and was begrudgingly, imperceptibly accepted by Emma. She has become a better judge of her today, standing up for Emma when it matters. Although there are still lapses, there is also progress. The lady beside her is blue. Emma’s college morning sky floats as her stage. Her bright eyes meet mine and she waves with a smile. Crafty one. She speaks in a kind straightforward manner, but when persuading Purple, a teasing lilt tangles with it. With an approving curve of my lips, I say to purple, “I’m glad you believe in her now.” Green’s big eyes gaze on us in wonder. Purple sets her mouth in a thin line and rolls her eyes. She huffs to herself, but overall she seems relaxed, her background a steady trickle of bone-chilling rain. They have learned to talk to Emma kindly. From an outside perspective, Emma had actually sat down and processed what was happening in front of her. She accepts her emotional reactions as they are, without gaslighting herself into being well. Emma is taking care of herself well. I raise my palm up to catch some dust snowing down from the sky. Until next time then. This dreamland’s glass dome has finally shattered. I crack a smile at the voices in a silent farewell. This Overseer shall see more of her progress soon.

ALPAS | 68


Jigsaw AGUSTIN, Cristina Mae B. I’m always fond of puzzles, Putting things piece by piece, Connecting them as they intertwine with each other like fingers yearning to hold thy hands, tight, those intricate tiny parts… Making them whole. A mesmerizing image. I’ve been fond of puzzles, Until a piece was lost, An incomplete jigsaw. The puzzle I once admire, Became a chaos. Detached, Messy and wrecked. Like life throwing problems. I’ve been in love with puzzles. Being able to fix, From small fragments, Create something from a mess. As time passes, A time well spent. Slowly turning great. Progress.

69 | ALPAS

Graphics by SALCEDO, Renz Anthony F.


Dalawang sayaw sa sinulid PAYUMO, Robert Andrew A.

Sa ngayon ako’y sasayaw sa bukang-liwayway Mga sinulid na nakatali sa aking paa’t kamay Tila bang nasusunod ang sariling hangarin ‘Di tulad ng mga matang pangarap ay madaling kontrolin

Dibuho ni LOBO, Danica Melisse N.

Bakit hindi ko maipinta ang sarili kong buhay? Limitado ang galaw, ‘Di karamihan ang kulay Makawala sa kamay ng pagiging alipin Ako’y hindi papet sa aking sariling awitin Basahin muli pataas

ALPAS | 70


From Within GALVAN, Alona P.

the voices, yes, you hear them when you talk, they speak for themselves, they share, they want to come out, sometimes, they even outgrew your opinion, they eat what you desire. the voices, sometimes they become something you fulfill, sometimes they are your failures, sometimes they push you through your capabilities, sometimes they push you to your limits. the voices, some may say they knew what these are, some say these are what defines them, some say they do not know, some say these only tend to cloud up what you think about yourself. the voices that we hear inside us, are who we are in different settings, we argue, we often make fuses, nevertheless, it has been a very tough one dealing with all these things, all that we must know is, with who we are from outside, is who we are from within.

PULGADA V: KINAIYA 3RD PLACE, POETRY

71 | ALPAS

Graphics by AGLIAM, Ian G.


ALPAS | 72


True Colors Photo by VILLEGAS, Andrew Gabriel M.

I Am You ENRIJO, Dafer M

In the middle of the gourmet dusk, the specular color of the sun kisses the edge of the horizon. Signifies the death of the daylight morn—crying to my Hiraya, “Save me from sorrow, you shall break the chain.” Splash on the water noises the serene place howl is heard from nowhere, harmonizing with the soft whimpers of the moons and the stars. As the breezing air swallows me up with a succumbed canny hug, but a fire won’t ablaze no matter what else they do conquest. In a secret tunnel, group-armed men tore their cedulas holding a sharp crimson pen, “I couldn’t resist the urge!” Someone stood up even wounded the unsung hero that we never had—Bonifacio, The newly-born stars eyed me with sympathy, “Necdum conpletum est.”

73 | ALPAS


In the middle of the gourmet dusk, echoes the continuous death and reincarnation of the daylight. Gives a dreadful fear and anxiety in herself—crying to my Hiraya, “My loving son, take care of your younger siblings while I’m away.” Time flies, few months pass by the appearance of the dark radiance of Luna, a white plane rang out from the sky was as bitter as my mother’s lament. She’s an OFW nurse, victimized by unseen chaos in battlefield, There is no blood flowing but life is drawn secretly to conqueror without a knife. She went home but the reflection of her eternal soul, genuinely smiles at it and the people around. It’s not over yet, The Katipuneros race as her will continue to lay down their blood for peace. Not just one disease will tarnish the pearl of the orient seas, the healing elixir comes within. My blood never dies, the hope winds embrace our heroine soul—I am you.

ALPAS | 74


Direksyon SERRANO, Allen Paul D. Sinampal ako ng realidad sa narinig kong kuwento. Mula ang kuwento sa naging speaker namin sa isang talk sa gymnasium patungkol sa self-assesment. Babae ang nagsasalita sa harapan at mukhang madami ng pinagdaanan sa buhay. Ginamit niyang halimbawa ang nangyari daw sa kaniya noong kolehiyo siya. Masalimuot. Ganiyan niya inilarawan ang college life. Para daw isang roller coaster ang buhay niya noon. Normal na estudyante ang datingan, hindi naman achiever sa klase pero pwede na. Kapag uwian, sumasama rin daw siyang tumambay sa rooftop ng isang club sa Avenida. Hanggang nagkataong may raid na ginawa daw sa tambayan nila, at wala siyang kamuwang-muwang na napasama siya sa mga toplist ng PDEA. Naranasan daw niyang makulong nang dalawang buwan at halos ikasira na ng masayang direksiyon ng buhay niya. Pati pamilya niya ay tuluyan na siyang kinalimutan. Habang nakikinig ako sa talk, naisip ko bigla “Paano kung sa akin nangyari yun?” Eh madalas pa naman akong tumambay at sumama sa mga partygoer. Malimit din akong maglaro sa internet café sa Taft, baka may nakatabi na akong adik doon. Parang walang direksyon ang buhay ko. Paulit-ulit ang aking mga ginagawa. Sandali lang at tumayo ako para umihi at bumili ng maiinom. Alas-dos ba naman ng hapon at tirik pa ang araw. At walang anu-ano, may text akong na-receive mula sa unknown number. “Kayo ho ba ang anak ng aleng naka-pink, pumunta ho kayo dito sa San Lazaro Hospital.” Iniwan ko agad ang talk at pumara ng tricycle sa labas ng gate. Naligaw pa ako sa direksyon ng emergency room dahil nag-iba na pala ito ng lugar. Matagal na rin kasing hindi ako nakapunta rito. Nadatnan ko ang mamang sorbeterong sumugod sa aking mama at kwinentong nawalan daw ng malay si mama sa palengke habang bumibili sa kaniya. Halos lumamig at matuyo na ang pawis ko dahil sa aircon ng hospital. Hindi muna ako pinapasok ng emergency room kasi nire-revive daw si mama. Na-stroke daw siya. Walang ingay ang sigaw at hagulgol mula sa aking utak, bawal kasing magingay sabi ng signage sa pader. Agad kong tinawagan si kuya, dahil tatlo na lamang kaming magkakasama. Maaga na din kaming iniwan ni papa dahil sa sakit na Tubercolosis.

Dibuho ni AGLIAM, Ian G.

75 | ALPAS


Makalipas ang dalawampung minuto, dumating na rin ang aking kuya. Bakas sa kaniyang mukha ang takot at lungkot habang suot-suot ang uniporme ng isang construction company. Nag-iyakan kaming dalawa at nagdasal. Lumabas ang doktor at sinabing stable na daw ang kondisyon ni mama ngunit hindi pa rin nagigising. Habang inoobserbahan pa si mama, sabi ni kuya ay umuwi daw muna ako at kumuha ng mga damit ni mama. Sa daan pag-uwi, dagliang nasariwa ko ang lahat ng mga pangarap namin ni kuya para kay mama. Magtatayo pa raw kami ng restaurant para sa kaniya, dahil ngayon helper lang siya sa isang karinderya malapit sa amin. Pero naisip ko gagaling pa si mama, ngunit kailangan lang namin siyang alagaan. Hindi naman ako naging mabait at masunuring anak, pero lahat ng mga ginagawa ko para din kay mama. May pangarap din naman akong yumaman, ngunit nadadala lang ako ng agos ng makabagong panahon na kung anong uso ay nandoon ako. Kaya minsan naliligaw ako ng landas na tinatahak. Pagdating ko bahay, agad akong kumuha ng damit at gamit ni mama inilagay ko ito sa bag ko. Nagbihis na rin muna ako at nagsindi ng sigarilyo sa likod ng bahay kung saan nakakulong ang mga alaga naming manok. Pinagmamasdan ko ang direksyon ng kanilang galaw, madalas lang silang naglalakad at nakakulong sa bakod na ginawa ko. Kumakain at tumitilaok lamang sila sa buong buhay nila para katayin at ibenta namin. Ayaw kong matulad sa direksyon ng buhay ng mga manok. Kailangan kong kumawala at magising sa tunay na takbo ng buhay. Pagkatapos kong maubos ang yosi, naglakad nalang ako hanggang sa kanto para sumakay ng dyip. Walong piso na lang kasi laman ng aking bulsa, hindi na sapat pang tricycle. Tuloy parin ang agos ng buhay, may kaniya-kaniya nga lamang daan na babagtasin.

PULGADA V: KINAIYA 3RD PLACE, DAGLI

ALPAS | 76


Graphics by SALCEDO, Renz Anthony F.

77 | ALPAS


my last words, and everything i couldn’t say ROSETE, Crystal Gayle O. I grew up in the middle of a rose field. It was not in any way magical, but it is enough to say that heaven can also be a place on Earth. Everyone is pretty and blooming as they should. Above us are the overhanging clouds that absorb all heaviness from the atmosphere; and there, we enjoy the morning draught of the fresh invigorating air. The sunbeams, those blessing-bringing daughters of the sun, kissed all of us as if they wished to thaw, melt, and obliterate the negativity within our souls. People would visit this place during peak season, a time when we were all dazzling. Of course, only the prettiest ones would get picked. Everybody loves pretty. Everybody loves the idea of perfection. I once remember the old conversation I had with my mother who grew beautifully before me. “What happens if nobody picks me because I have thorns?” I asked. “Dear, you are not there just to look pretty. You are born for far more beautiful things,” she said. I never understood what she wanted to say back then. But I always knew I was hungry for validation. On the beautiful month of June, a sunny day, I met a boy who took me to places I have never been to. It was the first time someone has ever laid their eyes on me, and the first time I felt the warmth of touch. “Beautiful,” he said as he carefully picked me up. He took me home and placed me in a pot on top of a wooden table where he would always sit. He was gentle, and I can tell he adores the little things in nature. He took good care of me during our first few moments that I can remember. On days when he was feeling blue, he cuddled with his cat while reading a book that I had no idea what it was all about. I loved how he sees life and how everything about him just feels so surreal. “I could stay here and watch him forever,” I said to myself. After a few months, he brought home some pretty things he found outside. Until, the fear I have that he would never look at me the same way he did before finally happened. “All this time, I was nourished by the subtle acts of adoration just to be plucked from earth,” I mumbled. It was true. He took me to places I’ve never been before—like places I did not belong to, but was what I wanted back then. “When the cold rush of winter came, it made my colors fade to gray and took my petals away.

ALPAS | 78


However, I waited a few months and did my best to look as pretty as I was before. The spring came but you never stayed long enough to watch my beauty unravel and my colors bloom,” I mumbled. That was when I realized that he just plucks what was in season and he is not the one who sees value in time. When I was done nursing myself after years of seeking validation, he picked me up and took me home just to be discarded when it rains. “But honestly, all the pain did not really matter as long as I get to see you satisfied with the beauty that I possess,” I kept talking even though I knew my words would never reach him. The winter came again and I was all alone watching my reflection on his wine glass in front of where I stood. At that moment, I knew that the end of me was near as I watched my petals wither one by one. With him, everything was so colorful, until I realized I was looking through rose-colored glasses where it was hard to see things the way they really were. As the golden rays of sun started to shine through the windows, reality hit me that there were days we just could not own because we needed to let others have them. “Mom was right. I am not made to seek for perfection. I am for far more beautiful things, and it is to bloom for myself and find my own purpose. I might get my shot in another lifetime, though. But now I know that it is time to go,” I said as the sunbeams touched my withered body. Now I pity myself not because I will not be able to dance beautifully with the wind again, but because I was a fool for blooming at your touch. PULGADA V: KINAIYA 1ST PLACE, FLASH FICTION

79 | ALPAS


Ningas REYES, Jeremy N.

nawalang apoy maibabalik kaya?

eto posporo

Dibuho ni SALVADOR, Hans Timothy M.

ALPAS | 80


Smoldering Stars RIGOR, Johann Fel L. Musky clouds, pitchy dark I’ve sauntered through the aisle And found another star, Myth has been told A comet has been shattered Fragments becomes dust, No one tries to figure out. One step forward, best foot backward Another piece was found Although cracked, it wasn’t shattered, It holds dear into the vine of life. All stars on thy palm of hands, Skin scratching, edge sharpening, Sounds creaking And embers smoldering. Thy it lasted; it wasn’t appreciated. All pieces were meant to go Not at once but all at once.

81 | ALPAS


Graphics by LLAMAS, Josiephine D.

ALPAS | 82


Graphics by LOBO, Danica Melisse N.

83 | ALPAS


Labyrinth PAYUMO, Robert Andrew A. A vast stream of thoughts lingers through my mind while the cold breeze of December slightly grazes our skin. As the rays of sunshine strike across the bedroom, countless questions wander along within my mind. We are members of the human race granted several gifts that make us unique, notable, and memorable. Howbeit bestowed with the various abilities we take our paths with uncontrollable pace. One of the questions is, can we follow the stride of others even if we walk slowly? Upon reminiscing back, the world has changed significantly, and everything will never be the same as it was many years ago. Wasn’t freedom easily grasped back then? Many people shared the idea that the pandemic caused downfall to the world economically and emotionally. Humans were locked in their cages while the deadly virus lurked the streets waiting to devour for its next victim. Since then, we have been restrained in our capability to travel, enjoy what we want, and obsess over nature outside. Humankind almost admits defeat and hasn’t felt the change this past year. However, is change not present these past years? Are we already accepting the thought of being lost in this battle, being stagnant through those dark rooms, and achieving few changes every day? Exploring those dark rooms would at least provide us the light to gather and discover new things that we aren’t capable of doing so. Change is always present and constant. Opening those curtains would also open limitless possibilities of ideas. Humans are bound to receive different talents and skills that set them different from each other. Opening our minds and vision is always the last step before learning something. Given different skills, this will apply to various situations. Some people will utter that they are talentless, not special and unique. Life is like a maze. There are countless possibilities of the path for you to take, and it will be hard to solve this overwhelming puzzle. Dead ends are always around, and most of us would stop, stagnant to the point of giving up. But that would never guarantee us the change that we dream of achieving. There are also times we would think that this is the end of the journey. But in reality, it goes back from the start. Finding that uniqueness from you is not easy and will take some time. However, as soon as you arrive at the end, realizations will sink in, the journey that is worth it, the hardships and difficulties along the way, and the change that you adored to achieve. Through realization, taking the same path with everyone would not guarantee that all would walk across the finish line, the same time. Some would be a lot faster; some are at a standstill through the journey and will not accumulate to walk through, some would be slow and have a hard time overcoming their obstacles, some would take a different path to walk, and some would not even bother starting their journey. Everyone is guaranteed a finish line for a chance to achieve. It is similar to the story of the turtle and the hare. The turtle won by its perseverance throughout the race, even though it is physically impossible since it is opposed to a hare. The pandemic hits hard through us, and it limits us in our goals and dream adventures in life, but that doesn’t mean that change isn’t always around. Once our vision can see things clearly, we can paint a picture to venture more possible things to discover. Change is constant, and stagnancy is present. They are both choices to take. Before the night and stars spread the sky this day, come with a realization, what path will you choose?

ALPAS | 84


Graphics by LLAMAS, Josiephine D.

85 | ALPAS


Inertia FLORES, Arabella Grace S. “Tell me something I do not know.” The train once asked the lamp post. Caught off guard, the lamp looks at their position only to see that they stand on the same spot. The train on the railroad, and the lamp on the platform. “I doubt there’s some-” The train started to move again, leaving the lamp dumbfounded for a second. “I doubt there’s nothing you don’t know. You’ve been to places I’ve never been, experience things which I can only see. I should be the one asking.” A faint voice gasping for air butt in saying, “I’ve lost my train.” Suddenly, the lamp began waking up in the dark, like how idea and realization pops in the mind. The seasons. The daylight and moonlight. The sun rays and raindrops. The tick of the clock. The sound of the busy street during rush hours. The screeching of train wheels that moves past by. The grey areas. They were all moving and constantly changing around the lamp whilst being stagnant. And those were the things the train didn’t know about. The peace, the stillness, and the rest from the chaos of everything. “You are not missing out, just busy and lost in the idea of catching up. Taking a stop doesn’t mean you lose a chance, for it is a chance to look around and figure out that somehow things do all make sense.” The lamp’s words walked the girl onto the next train.

ALPAS | 86


“Sa ugong ng sanga at pag-angat ng agila, ihahandog ba sa sarili ang himig ng paglaya?”



THE STENTORIAN EDITORIAL BOARD AND STAFF 2021-2022

GENERE JAMES C. NOOL Editor-in-Chief

JOHANN FEL L. RIGOR

CARMELO T. MAGNO

JASMIN T. TAMARES

JUAN P. AGUSTIN, JR.

JESLIEMAE L. ALVAREZ

MARY ROSE T. ARELLANO

KYLA NICHOLE C. GARCIA

GERALD CHRISTIAN E. PUGAT

STEPHEN LAURENCE M. GUILLERMO

RENZ ANTHONY F. SALCEDO

LEOPOLDO S. BALTAZAR, JR.

IAN G. AGLIAM

MARIA ELAINE B. PASCUA

ANDREW GABRIEL M. VILLEGAS

Associate Editor-in-Chief

Sports Co-editor

Senior Editor

Features Editor

Managing Editor

Literary Editor

Internal Managing Editor

Layout Editor

External Managing Editor

Graphics Editor

News and Opinion Editor

Senior Cartoonist

Sports Editor

Senior Photojournalist

LOBO, Danica Melisse N. SALVADOR, Hans Timothy M. LLAMAS, Josiephine D. Cartoonists

DAQUIGAN, Charles Darwin B. | SARRANQUIN, Shirine Pearl P. | AGUSTIN, Cristina Mae B. | DE LEON, Angela Daine S. | SUMAT, Jolina P. | GUTIERREZ, Jovielyn P. | FE, Darriane B. | PAYUMO, Robert Andrew A. | ALVIENTO, Mitzrael G. | LOPEZ, Chispear Kithrin S. | EMATA, Jean Kenneth Y. | FLORES, Arabella Grace S. | LUSUNG, Joan Maribeth S. | VALDEZ, Jillian Claire N. Correspondents

Engr. Leonides A. Tatu Adviser


THE STENTORIAN Stentor. Isang tauhan mula sa mga alamat ng Griyego at kilala bilang tagapag bando ng mga kilusang Griyego noong mga panahong ng Digmaang Troya; nakilala sa kaniyang taglay na boses na sinlakas ng labinlimang katao, ngunit siya ring namatay pagkatapos matalo sa paligsahan ng pagsigaw laban kay Hermes, diyos na mensahero ng mga diyos. Tulad ni Stentor, ang The Stentorian at ang mga miyembro nito ay ibinabandera ang kakayahan sa pamamahayag. Hindi lamang labinlima ngunit daan-daan at higit pang boses ang kayang irepresenta at palawigin ng aming publikasyon. Bagama’t hindi pisikal na boses ang aming gamit sa pagpapalawig ng balita at kasalukuyang kaganapan, sa The Stentorian, bawat letrang isinulat ay sumisigaw.



Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.