DAGLIAN: Isang Antolohiya ng mga Dagli

Page 1

Daglian I sa n g Antolohiya ng m ga Da gl i

DAGLIAN | 1


RNC Commercial Center, Brgy San Carlos, Lipa City, Batangas 4217 https://eictrainingconsultancy.com DAGLIAN: Isang Antolohiya ng mga Dagli Bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2018, sa pakikipagtulungan ng Tanggapan ng Panlalawigang Turismo at Ugnayang Pangkultura (PTCAO) at Sangguniang Pangkultura at Pansining ng Batangas-Sektor ng Panitikan (BCAC) 2018 © Carlo B Peña, Patnugot Lahat ng karapatan ay nakalaan. Walang bahagi ng antolohiyang ito ang maaaring kopyahin, iimbak sa isang sistema ng pagkuha, o ipadala sa anumang anyo o sa anumang paraan – elektroniko, de-makina, photocopying, pagtatala o anupaman, nang walang paunang pahintulot mula sa may-ari ng copyright. Inilathala para sa elektronikong pagbabasa sa Pilipinas Layout at Disenyo ni Carlo Venson Peña

DAGLIAN | 2


DAGLIAN | 3


MGA NILALAMAN Mga Paaralan

Batangas National High School

Batangas Province High School for Culture & Arts

Pahina

6 14

Batangas State University 28

STI College Batangas – Senior High School

32

University of Batangas

40

DAGLIAN | 4


Daglian I sa n g Antolohiya ng m ga Da gl i

DAGLIAN | 5


batangas national high school

DAGLIAN | 6


ABEL, VINCE ANDRE <WALANG PAMAGAT>

Si Abby na isang matalinong bata na laging Top 1 sa klase at laging nabu-bully dahil sa kaniyang pisikal na kaanyuan: sya’y may kabilugan ang katawan at mukha. Kumakain mag-isa at walang kasama. Walang kaibigan na tutulong sa kanya upang harapin ang kanyang mga problema. Mahilig siyang manood ng telebisyon at madaling mangilid ang luha sa mga nakakaiyak na teleserye.

DAGLIAN | 7


BUELA, ROSHAINE <WALANG PAMAGAT>

Sa pagsisimula ng buhay ni Teresa, mapapansin sa kanya ang kaniyang mahahabang kuko na animo’y baging. Nawari’y kung saan man mapadpad ang kahit isa, ay di mapigilan ang pagsabit nito. Malimit din mapansin sa kanya ang kanyang di kanais-nais na ugali. Malimit siyang mainip at mahilig magdabog sa ama, sa di malamang dahilan. Ngunit dahil nga sa kanyang pag-uugaling ito, mahirap siyang makatagpo ng kaibigan na makakasama at makakausap. Ganoon pa man, may iba pa rin siyang katangian na hindi pa rin niya ipinapakita – mahirap man siyang kausapin ay mabait naman ito kapag lubusan siyang nakilala.

DAGLIAN | 8


DELGADO, IRIS “TIWALANG NASIRA DAHIL SA RESEARCH PAPER”

Lumalagunos ang ulan kasabay ang pagbagting ng hangin na pinasasayaw ang mga puno sa kapaligiran. Tila sumasabay sa panahon ang siklab ng damdamin ni Aya matapos sirain ng kanyang kapatid ang kanyang mga papeles na isusumite sa guro niya sa Pagsasaliksik. Tila isang kunehong salubong ang kilay, at nangangalit ang mga ngipin sa galit, dali-daling niyang hinablot ang hibla ng buhok at sabay sabunot dito, na nagsanhi sa pagpatak ng luha ng kanyang kapatid. Humagulhol sa pag-iyak ang kapatid ni Aya. Walang anu-ano’y sinigawan niyang muli ito dahil sa galit. Natakot ang kapatid nya kay Aya, dahil noon pa lamang ay kilala niyang ito’y magagalitin sa kung sinuman. Dumaan ang ilang araw, natuto si Aya. Di na muli pinahawak ng kanyang mga gamit na pampaaralan ang kanyang kapatid. Kahit sa ibang tao’y ayaw na rin niyang magpahiram o magbigay ng kung anumang mayroon siya.

DAGLIAN | 9


DELOS REYES, PATRICIA <WALANG PAMAGAT>

Umaga pa lamang masisilayan na kaagad ang nakabusangot na mukha ni Antonio. Sigaw dito, sigaw doon, kalampag dito, kalampag doon, basag dito, basag doon. Ganoon na lamang ang eksena sa araw-araw ng buhay niya. Nakaririnding bunganga ng kanyang kapibahay ang nagsisilbing alarma niya sa paggising sa umaga. Padabog na isinarado at ikinandado ni Antonio ang pinto niya dahil sa nakabubulabog na ingay. Papunta na sana siyang muli sa kanyang silid nang mapahinto siya sa tapat ng kanyang salamin at napaisip sa kanyang mga naging karanasan: Isang lalaki ang lumapit sa kanya at inutusan sya’ng tumungo sa isang kandadong silid. Hindi ito malimit puntahan ng mga estudyanteng pumapasok sa paaralang iyon. Sa kanyang pagpasok sa loob ng madilim na silid, naramdaman niya ang kilabot habang nagtataasan ang mga balahibo sa kanyang buong katawan. Napahiga siya dahil sa napakalakas na hampas na nanggaling sa kaniyang likuran. Sinundan ito ng sipa sa iba’t ibang direksyon hanggang siya ay mamanhid. Mula noo’y hindi na siya nakisalamuha sa ibang tao. Siya’y naging ilag sa tao at hindi na nakikisalamuha pa sa mga ito. Isang madilim na kahapon, dala-dala niya sa bukas ng kanyang walang liwanag na dapithapon.

DAGLIAN | 10


DINGLASAN, AYA ELAINE <WALANG PAMAGAT>

Unti-unti na namang sumisikat ang araw, panahon na naman upang magtago dito sa madilim na silid na nagmistula na ring tirahan ko. “Simeon,” sambit ni Yna sabay ang pagbukas ng pintuan ng aking silid. “Yna, kamusta ka? Tumataba ka ‘ata tas nangingitim ka pa–HAHAHA!” sambit ko. “Simeon, ayan ka naman, isang malaking palaisipan pa rin talaga sa akin kung bakit kaysaya mo tuwina. Gayunpaman, bakit wala ka pa ring jowa.?” tugon niya. “Siguro dahil walang tao sa mundo ang may gusto!? Sino baga nga naman ang magkakagusto sa isang mukhang kuneho, “ ani ko, gamit ang malungkot kong boses. “Hindi sa pisikal na katangian nababase ang pagmamahal, Simeon, kundi sa iyong pag-uugali,” ani Yna, na nakapagbukas ng aking puso‘t isipan.

DAGLIAN | 11


MENDOZA, MARIA ALTHEA <WALANG PAMAGAT>

Madaling araw pa lamang ay nagliligpit na nang pinaghigaan si Noel– ang kanyang paghahanda para makalabas ng bahay. At nang siya’y makatapos, dali-dali siyang lumabas ng kanilang bahay at bumungad agad sa kanyang harapan ang mga bata na masayang naglalaro. At nang makita siya ng mga ito ay agad siyang inaya, ngunit nang makita ng kanyang mga kalaro na siya ay may mahahabang kuko na animo’y baging, siya’y tinukso ng mga ito. Siya’y madaling paiyakin ng kanyang mga kalaro. Dahil dito mahirap siyang kausapin subalit mabait kapag lubusang nakilala.

DAGLIAN | 12


SELLEZA, ELISHA FAITH <WALANG PAMAGAT>

“Ano? Lalaban ka pa!? Ibigay mo na kasi ang pagkain mo sa amin,” sambit ng lider ng grupo ng kanyang mga kamag-aaral na walang sinasanto. Sa halip na manlaban ay binigyan lamang niya ang mga ito ng ngiti at saka binigay ang kanyang baong pagkain sa kanila, na siya namang ikinataka ng mga ito. Agad silang umalis matapos makuha ang kanilang gusto. Kinabukasan, pagluwal pa lamang ng pinto, kitang-kita sa mukha ni Ruben ang kanyang abot-langit na ngiti na parang walang nangyari kahapon. Ngunit nang makita ni Ruben ang kaniyang mga kaklase na pinagtatawanan sya’y agad itong tumungo nang hindi mapawi ang kanyang ngiti. Agad umupo si Ruben sa pinakadulong upuan sa likuran ng silid. Kitang-kita sa kaniyang mukha ang ngiti ngunit sa likod nito’y may natatagong lungkot. May lumapit sa kanyang babae. Agad nagningning ang kaniyang mga mata nang makita ang magandang binibini sa kanyang harapan: may malaki ang ngipin na parang kuneho. Sya’y ang babaeng nagmagandang-loob na lumapit sa kanya.

DAGLIAN | 13


batangas provincial high school for culture & Arts

DAGLIAN | 14


ABILAR, DANICA <walang pamagat>

TIK-TILA-OK! “Ikaw na bata ka, gumising ka na! Tanghali na ohh!” Hiyaw ng aking mala-machine gun ang bibig na ina. Dali-dali akong bumaligwas sa pagkakahiga, nagpalit ng damit, naligo, nagsipilyo at nagbihis. Pagkatapos ay humarap sa salamin: nakita ko ang mala-tinik kong buhok na tila balat ng langka at ang napakapogi kong mukha. Pagdaka’y lumabas na ako ng bahay naming ubod nang laki. Pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko naman ang mga kapitbahay naming ubod nang hahambog, eh ke-papangit naman. Matapos ang aking pagbyahe patungo sa aking pribadong paaralan, agad akong sinalubong ng mga napakagigilas, gwapo at mga tinitilian ng mga kababaihan: ang aking mga butihing kaibigan. “Uyy, bro! Kamusta na? Na-miss ka namin HAHAHA!” anila. “Tara sa kantin, mga broI” tugon ko. “Mag-almusal tayo... Balita ko’y madami tayong bagong kaklase ah? Tara kausapin natin.” Lumapit kami at kinausap namin ang mga bago naming kaklase. Natapos ang maghapon sa bagong taong pagpasok sa paaralan nang marami na akong bagong kaibigan. DAGLIAN | 15


ALMOZARA, JACE “BOLA NI FAFA”

Jusko po! Nasa akin ang bola, kapapasok ko lamang sa laro ngunit tagaktak na ang aking pawis. Dikit ang laban... pero hindi ako marunong maglaro ng basketball! Sa maskulado kong katawan at dipangkaraniwang tangkad na 6’3”, kinatatakutan ako ng lahat. Mabuti na lamang, hindi nila ako matukso dahil sa kabila ng mala-fafa kong katawan, iyakin ako... sapagkat iilan lamang ang nakakaalam na ako’y may pusong babae. Kailangan kong maipasa ang bola, kanino? Ipinasok kasi ako ni Tatay sa grupong tinatawag na Palibhasa Lalake. Ang mga lalaki rito ay pawang nalandi ko na. Walang may nais umagaw sa akin ng bola. Nais ng mga loko na mabuking ako ng tatay ko na kasalukuyang nanonood ngayon. Nahuli kasi ako ng tatay ko na rumarampa na parang muse ng basketball team sa harap ng salamin, sa loob ng aking kwarto. Kaya`t nagpalusot ako na kaya jersey lang na pantaas ang aking suot ay sapagkat ngsusukat ako ng damit dahil sasali ako sa liga. Napasubo na naman ako. Namumula ako tuwing maiisip ang nagyayari. Nahihilo na ako, jusko! Hawak ko pa rin ang bola... nakakaloka! Kailangan ko nang ipasa...sampu, siyam, walo...ihahagis ko na lamang sa kalaban! Hahayaan ko na lamang matalo ang grupo ng mga adan na ito. Pito, anim, lima...tutulo na ang aking luha at sa paghagis ko sa bola sa malayo ipinikit ko ang aking mga mata. Tatlong puntos nang pumasok ang bola sa buslo...at napasigaw ako ng bongga! DAGLIAN | 16


BALMES, JOHN VINCENT “KAPRE PALA HA!”

“Sige! Suntukin mo! Bayuhin mo!” Iisang tinig na mula sa mga bata na nasa harap ng tindahan. Kinukuyog na naman si Narding, ang batang singtangkad ng kapre sa puno ng manga, na palaging nakangiti kahit walang dahilan, na mahiyain at mapag-isa kahit saan. “Putok na ang mata ni Narding... talo na siya! Ano ba namang bago sa palaging talunan!” sigaw ng isang bata. “Aray! Ansakit! Tama na!” ani Narding. “Wala kang magagawa sa ‘king kapre ka! Yaaaah!” sambit na kalaban, sabay suntok sa tiyan ni Narding na ngayo’y napilitang bumawi. BOOM! Tumayo si Narding at tumahimik ang mga bata sapagkat naiwang nakabulagta ang kalaban ni Narding. “Pasensya na. Di ko sinasadya.”

DAGLIAN | 17


BRUNO, GWYNETH <WALANG PAMAGAT>

“Mama! Mama! Bakit po ako nakakalbo at malimit manlagas ang buhok?” sabi ni Tintin. “Anak, huwag kang mag-alala... kaya nanlalagas ang buhok mo kasi may bagong buhok na sisisbol na mas maganda,” nakangiting wika ng kanyang ina. “Pero mama bakit parang nagiging kamukha ko napo si Papa dahil po sa nanlalagas kong buhok?” Biglang lumuhod at niyakap ng kanyang ina ang malinggit, marikit at maamo nyang anak. Pilit nyang itinatago ang lungkot na kanyang nadarama para sa anak na kahit anong mangyari sa kanya ay palagi pa ring nakangiti kahit walang dahilan. At sa isang sandali ay bigla na lamang itong inatake at nagsuka ng dugo. Agad-agad na tumawag ng nars at duktor ang kanyang inang nakaluhod sa pasilyo at buhat-buhat ang kanyang anak na may sakit. Nang huminahon na si Tintin, duon humagulgol ang kanyang ina. “Anak magtiwala ka sa Diyos. Hindi nyo ako iiwanan ng papa mo,” paalala ng kanyang ina. “Ma, sinabi nyo rin po yan kay papa... Siguro po ay hindi napo ako gagaling.”

DAGLIAN | 18


GARCHITORENA, MARIA MYRNA “BILLY”

Crush na crush ko talaga si Billy kahit noong mga bata pa lamang kami. Lagi ko siyang pinagmamasdan, mula sa matipuno at matikas nya’ng pangangatawan hanggang sa kanyang malalaking ngipin na tila sa kuneho. Lagi ko siyang kasabay sa pagkain pagsapit ng tanghali, at kalimita’y ibinibigay ko ang kalahati ng aking ulam sa kaniya, magpapalusot ako na hindi ko kayang ubusin o di kaya’y busog ako, para hindi niya mahalatang may gusto ako sa kaniya. Kalimita’y katangian nya ang mag-isang kumakain sa canteen, kaya sinasabayan ko na lamang ito. Sporty din ito, magaling siya sa larong basketball. Jusko! Kung alam niyo la-ang ang naiisigaw at nailulundag ng puso ko kapag siya’y naglalalro nito. Napapahiyaw sa bawat pag-shoot niya ng bola. Hindi ko maitago ang pagiging malandi ko sa tuwing tatalon siya at mangaagaw ng bola. “Go, my sexy loves!” hiyaw ko. Makalaglag-panty naman kasi ang bawat paghawi ng buhok niya at bawat ngiti nito sa tuwing siya’y nakaka-shoot. Kaya hindi na ako magtaka na hindi lamang ako ang nagkakandarapa kay Billy. Mahusay din siya sa larangan ng sining, na lalong nagpatindi ng tama ko sa kaniya.

DAGLIAN | 19


Kailangan ko nang masabi ang nangangatal kong damdamin para sa kaniya. Pinagpag ko ang dumi sa aking palda at pilit inaayos ang magulo kong buhok gamit ang mga daliri. Pinuntahan ko si Billy na busy na nakikipaghuntahan sa kaniyang mga barkada, ngising-ngisi. Lagi siyang nakangiti kahit wala naming dahilan... “Jusko, ano na!� sambit ko sa aking sarili. Pinakiusapan ko ito, kung pwede siyang makausap ng sarilinan. Hinila ko siya sa labas ng court at doon ko inilabas ang nilalaman ng aking puso. Ngunit naiwan akong tulala at luhaan nang wala na... finish na ng sabihin nitong kaibigan lamang ako para sa kaniya. Gumuho ang mundo ko nang tawanan niya lamang ako, sabay alis nang parang walang nangyari.

DAGLIAN | 20


GUAVEZ, JEROME “ALA NAHULOG”

“Hoy huwag kang magtapon sa aming harapan,“ pagalit na sabi ni Kiko habang nginunguya niya ang minimeryendang mani, gamit ang kanyang malalaking ngipin na sumasayad sa kanyang labi, na tila ba sa isang kuneho. “Itong mga kapitbahay na ito, hindi masaway-saway,” aniya sa sarili sabay tuklap sa balat ng mani at tumingin sa kapitbahay na para bang mangangain. “Hoy, aba! “ muli niyang saad, at sabay bato ng balat ng kinakaing mani sa batang kapitbahay nang makitang hindi nito nilimot at pinabayaan lamang ang basura sa harapan ng kanilang bahay habang tumalilis palayo. “Walang-hiya yun ah... Hindi yata tinuruan ng tamang asal ng kanyang mga magulang,” sa isip-isip niya. “Patay ako nito kay Inay. Madumi na naman ang harapan,” sabi niya sa kanyang sarili. Nagdesisyon siyang bumaba at linisin ito. Habang bumababa siya ng hagdan ay bigla syang nahulog, at kasabay ng pagkahulog niya sa papag ay mamulat naman sya mula sa kanyang panaginip.

DAGLIAN | 21


Tumahimik ang kanyang ina dahil alam nyang hindi madaling magtiwala sa kausap si Tintin kahit sya ay musmos pa lang. BIglang ngumiti ang kanyang anak at sinabing, “Mama alagaan nyo po ang sarili nyo at mahal ko kayo.� At biglang tumigil ang tibok ng puso ni Tintin. Umiyak ang kanyang ina at inalala nya ang asawa at anak nyang parehas nang pumanaw sa sakit na kanser.

DAGLIAN | 22


DAGLIAN | 23


OCAMPO, LANA <WALANG PAMAGAT>

Nagising si Viktor mula sa biglaang pagkakauntog sa kisame ng kanyang masikip na bahay. Rinig nito ang mga boses ng mga batang animo’y nagrereklamo, mga magtitinda ng samu’t-saring pagkain at kahit na ang mga tsismosa sa paligid. Nauntog kasi si Viktor sa kisame noong bumangon ito, na hindi naman niya gustong mangyari ngunit kumalabog ng malakas ang kaniyang bubong. “Naku! Si Kulas na naman!” reklamo nito habang iniinda ang sakit ng ulo. Nagmadali itong lumabas ng bahay nang nakayuko. “Pangalawang beses na yan! Unang-una pinagtanggol kita sa tropa noong sinira mo ang kisame ng bahay ko! Ngayon iisa ka pa! Wala kang utang na loob!” tuloy-tuloy na reklamo nito kay Kulas. “Gutom lang!” tanging naisagot nito. “Wag mo nang akyatin iyang puno ng manga, ikukuha na lang ulit kita.” Sabay tiad ni Viktor na walang kahirap-hirap na pumitas.

DAGLIAN | 24


URMMENETA, JULLIA ERIKKA “SA NGALAN NG NGIPIN”

Si Pepito ay gumising ng napaka tanghali para sa unang araw ng kanyang pasukan, sa pinakamababang paaralan ng Binutbot. Kumain sya ng kanyang paboritong almusal–sibuyas na binudburan ng tuyo. Kinagat niya ang ga-kamaong sibuyas gamit ang kanyang mga higanteng ngipin. Nagpasya na syang tumayo para magtungo sa paaralan kahit walang sepilyo o hugas ng mukha. Pagdating niya sa pintuan ng kanilang tahanan, nakita niya ang isang magandang babae na palaging dumadaan sa kanilang bahay. Itinaas ng babae ang kanyang kamay at kumaway kay Pepito, ngumiti ang dilag nang nakatikom ang bibig at agarang umalis. Napagpasyahan ni Pepito na huwag nalang umalis. Nawalan sya ng gana nuong nakita ang dalaga. Maghapon siyang tumigil sa bahay nang nakanganga lamang at tulala sa kawalan, hanggang sa dumating ang kanyang ama. “Kow! Dumating na ang walang kwenta kong ama! Buti na lang di ako pumasok dahil wala pala akong baon. Wala na akong napala dahil sa tatay kong lasenggero!” Lumabas sya sa bahay at padabog na sinara ang pinto. Pagkalabas ng pinto, nakita nanaman niya ang dalaga na tila naghihintay kay Pepito. Agarang nilapitan ni Pepito ang dilag at sabay tinitigan lamang ito.

DAGLIAN | 25


Bumubuka pa lamang ang bibig ng dilag. Sumigaw agad si Pepito ng “Ikaw na nga ang aking sinisinta!� Napasigaw si Pepito marahil nakita niya ang tiyaga ng dalaga sa pagdaan sa kanila araw-araw. At sa pagbukas ng bibig ng dalaga nakita din niya ang kanyang sarili dito, dahil sa mala-kunehong ngipin ng dalaga na may sipit-sipit ng sibuyas.

DAGLIAN | 26


DAGLIAN | 27


batangas state university

DAGLIAN | 28


COMIA BENITO III <WALANG PAMAGAT>

Sa bawat busina ng mga jeep at boses ng bawat dispatcher sa gitna ng mga kalye, may isang lalaking sintangkad ng kapre sa puno ng mangga na pasakay ng isang jeep patungo sa kanilang tahanan mula sa paaralang kanyang pinapasukan. Paakyat ito ng jeep at matapos na umupo sa bandang likuran ng drayber, makikita an pagkunot ng kanyang mga kilay at ang pagyuko ng kanyang ulo dahil sa inip na nararamdaman, bugso ng init at ingay ng bawat pasaherong nasa loob. Lumaki syang mahiyain kaya ninanais na mapag-isa at pumunta sa paboritong pwesto nito sa loob ng jeepney. Matapos na makarating sa kanto ng kalsada patungo sa kanilang tahanan, bumaba ito na dala-dala ang mabibigat na gamit sa eskwela. Pagsapit sa pintuan ng kanilang tahanan ibinaba nito ang mabigat na gamit sa upuan ng kanilang hapag-kainan. Hinablot ang isang di-karaniwang bagay sa kanyang dala-dalang gamit, itinaas ito at biglang isinigaw sa ama, “Tay! Bakit mo inilagay ang plantsa sa bag ko!?�

DAGLIAN | 29


DAGLI, MARIANNE NICOLE <WALANG PAMAGAT>

“Napakaarte naman, eh hindi naman kagandahan.” Umandar na naman ang mapanghusgang isip ni Angelo, ngunit kailangan niyang panatilihin ang interesado niyang hitsura. Hindi na bago sa kanya ang senaryong ito, dahil bilang isang class officer o opisyal ng kanilang paaralan, kailangan niyang makinig sa mga hinaing ng mga kapwa estudyante niya. Pinipilit niyang iwaglit ang kanyang mapanghusgang ugali... ngunit hindi niya ito mapigilan. Sa tuwing makakakita o makakausap siya ng mga tao, tila nagiging libangan na niya ito. Gwapo at matipuno si Angelo kaya’t madali niyang nakukuha ang simpatiya at atensyon ng nakararami. Literal na tinitingala siya sa tuwing mapapadaan sa koridor dahil sintangkad siya ng kapre sa puno ng mangga. Naglalakad na siya nuon pauwi at mag-uumpisa na naman ang walang katapusang pangaral ng kanyang amang makakalimutin na. Agad siyang nagmano dito at nag-umpisa na ang paulit-ulit nitong kwentong halos masaulo na niya. Lumipas ang dalawa’t kalahating oras. “Nakakaloka ka naman pudrakis! Inip na ang iyong junakis,” pagdadabog nito sa kanyang ama.

DAGLIAN | 30


YMASA, JANELLA CHRISTINE <WALANG PAMAGAT>

Alas-kwatro ng umaga. Dahan-dahang sumikat ang araw. Tumilaok ang manok kasabay ng paghuni ng mga ibong nasa bubungang lata. Tumunog ang orasan at gumising na si Juan. “Isang panibagong araw na naman,” sabi niya sa sarili. Sintangkad siya ng kapre sa puno ng manga, kaya’t abot-kamay niya ang kahong walang laman sa pinakaitaas ng cabinet. Hinipan niya ang alikabok na singkapal ng kanyang mga palad. Oras na para siya’y lumabas. Dahan-dahan siyang tumawid at nakipagpatintero sa mabibilis na sasakyan. Nang makarating sa kabilang dulo ng kalsada ay tila siya’y napabuntong-hininga. Tinanong siya ng ale, “Ayos ka lang ba?” Umiling si Juan at ngumiti na tila pigil na pigil. Mahirap siyang kausapin subalit mabait kapag lubusang nakilala, danga’t palaging nakangiti kahit walang dahilan. Umupo si Juan sa isang tabi at kinalong ang kahon. Nagpahinga ito ng kaunti at nakinig sa maiingay na busina ng mga sasakyan. Itinaas ang kahon sa mga dumaraan. Isang panibagong araw, magkano na naman kaya ang makukuhang limos ng bulag na si Juan.

DAGLIAN | 31


sti college batangas– senior high school

DAGLIAN | 32


ABARQUEZ, MARK VINCENT <WALANG PAMAGAT>

Si Jose ay sintangkad ng kapre sa puno ng mangga. Mahilig syang maglarong mag-isa. Dahil sa kanyang pisikal na anyo, palagi siyang kinukutya ng kanyang mga kalaro. Madaling paiyakin si Jose ng kanyang mga kalaro dahil siya ay mahiyaing bata. Lagi siyang mapag-isa kahit saan mang lugar siya mapunta. Dahil siya ay singtangkad ng kapre, wala rin siyang naging kaibigan at walang gustong lumapit sa kanya. Hindi man natural ang kanyang anyo, mabuti naman ang kanyang kalooban at mabuting anak sa kanyang mga magulang.

DAGLIAN | 33


BAE, DANICA <WALANG PAMAGAT>

May isang taong nangngangalang Juan na laging nag-iisa. Ito’y sa dahilang maraming tao ang natatakot sa kanya pagkat siya’y singtangkad ng kapre sa puno ng manga. Ang mga tao’y naglalayuan dito dahil sa kanyang kakaibang katangkaran, na tila hindi pang ordinaryong tao. May isang tumanggap dito na nagngangalang Ligaya. Sya na ang laging nakakasama ni Juan, na kahit sobrang daming lumalayo dito ay kailanma’y hindi iniwan ni Ligaya si Juan. Dumating ang panahon na nagka-ibigan sila at nagsama sa iisang bubong. Sila’y nagkaanak at nang lumaon ay natutong tanggapin si Juan ng ibang tao, dahil sa kabutihang-loob nito.

DAGLIAN | 34


BAGON, REGINE <WALANG PAMAGAT>

Si Angelito ay pinaglihi sa talong. Siya’y matangkad na kagaya ng kapre sa puno ng manga. Di siya makapaglaro ng tagu-taguan sapagkat lagi siyang talo at mabilis makita. Palagi din siyang walang kausap dahil mainitin ang kanyang ulo at tila palaging galit sa kapitbahay. Hindi siya madaling magtiwala sa kausap, lalo na kung sa maliliit at pandak na tao. Bagaman sintangkad ng kapre sa puno ng manga, hindi siya mahiliig sa manga. Walang tumagal na kaibigan kay Angelito dahil mainitin ang ulo nya, kaya’t huwag tularan si Angelito. Siya’y kinukutya sa sobrang haba at tangkad nito. Kapre ang tawag kay Angelito. Abot daw niya ay kalangitan. Dwende ang taong nasa paligid niya. Lahat ay nakatingala sa kanya, pero wala siyang makausap dahil mainitin ang ulo nito.

DAGLIAN | 35


FALCUTILA, ERDY FREIAN (SIR ERDY) <WALANG PAMAGAT>

Humarap sa salamin si Monggi at pinagmasdan ang kanyang tirik na buhok na tila balat ng langka. “Bwahahaha; Ang pangit mo!” bulalas niya sa taong nakaharap sa salamin. Madalas syang magsalita at makipag-usap kahit hindi niya kakilala kaya mabilis siyang makipagkaibigan kaninuman. Sa pamamagitan ng paulit-ulit niyang pagsasayaw ng Boom-boom ni Nancy ng Momoland ay ipinapahayag niya ang kanyang nararamdamang saya. May mga pagkakataon na parang kinakausap ni Monggi ang kanyang mga kutong nakukuha sa kanyang buhok na tila langka. Palagi ring siyang nakangiti kahit kahit walang dahillan. “Hindi ko maisip ang dahilan kung paano mamamatay si Cardo Dalisay! Ang gulo-gulo na ng isip ko!” sigaw ni Monggi. “Wala na! Finish na!” dagdag pa niya, sabay talon sa pitong palapag na inuupahan niyang apartment. Baliw pala.

DAGLIAN | 36


LOTINO, ALLEN RUSSEL <WALANG PAMAGAT>

Pagkabilang ko ng tatlo naakatago na kayo, Isa! Dalawa! Tatlo! Maaga pa lamang ay pakinig na sa nayon ang boses ni Openg, isang bakla na may kabilugan ang katawan at mukha. Sa araw-araw na paglalaro ng magkakaibigan, nasanay na sila sa ugali ni Openg na mapanghusga sa mga nakakausap. Isang araw, habang naglalaro ang magkakaibigan, dumaan ang isang matandang ketongin, na hindi inaasahang nakabanggaan ni Openg. “Ano ba!? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo. Ang baho-baho, naliligo ka na ba!?” ani Openg. Isang araw, habang naglalakad si Openg patungong palengke, nakita niya ang kanyang inang naglalako ng isda na kinukutya ng ilang kabataan dahil sa kapansanan nito. Sa huli naisip niya ang mga taong nahusgahan niya. Matapos niyang masaksihan ang ganuong tagpo, para syang manhid na tila tuod na kahoy. At tanging humihiyaw sa kanyang kaisipan ay ang mga katagang, “Wag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa’yo.”

DAGLIAN | 37


PATULOT, JOHN PATRICK <WALANG PAMAGAT>

Si Jose ay lapitin ng tukso sa kadahilanang siya ay mayroong mahabang kuko na animo’y baging. Sa pang araw-araw niya pagharap sa salamin ay tinatanong niya ang sarili kung bakit nasanay siya na may mahahabang kuko. Si Jose ay madali ring paiyakin ng kanyang mga kalaro, at laging kumakain nang mag-isa sa kantina.

DAGLIAN | 38


DAGLIAN | 39


university of batangas

DAGLIAN | 40


ABBAGO, KAILA CAMILLE <WALANG PAMAGAT>

Pinto ng bahay ang kanyang binuksan at ang liwanang ay pumasok habang siya ay papalabas. Sa malayo pa lamang ay kita na ng mga kapitbahay ang hindi niya maitagong mga ngiti. Marahil dahil ito sa malalaki niyang ngipin na hindi niya maikubli, pero sinasabi nang marami na ito ay walang dahilang maging masaya. Lahat nang makakasalubong niya’y bati ang bungad sa kaniya, “‘Neho, ang ganda na naman ng umaga mo. Buti ka pa!” sabay tapik sa kanyang balikat. Sinisigawan siya ng mga bata sa tabi-tabi, “Kuneho! Kuneho!” pero wala siyang ibang gagawin kundi ang ngumiti at POOF! Tila mahika na lahat sila ay yayakap na lang sa kanya. Tuloy-tuloy na siyang tumungo sa bahay ni Lola. Pagpasok niya ay bumungad ang simangot at padabog, sabay sabi nito, “Nakangiti ka na naman kahit walang dahilan para maging masaya. O, ito, posporo, sindihan mo na ang mga kandila sa altar. Undas na naman. Dalahin mo yang mga bulaklak na ito sa magulang at kapatid mo, nang kahit wala na sila, makangiti naman silang gaya mo.”

DAGLIAN | 41


ALBOTRA, JUN DARYL <WALANG PAMAGAT>

Masakit kang magsalita; na sa bawat konting sinasabi ko ay tila sa isip mo ay ginigiba mo na ako. Umimik ako sa harap at ang iyong mga mata ay tila nangungusap na sinasabing, “Hindi mali.� Hindi mo maramdaman ang sakit dahil ang tangi mong iniisip ay ang iyong sarili. Manhid ka, pawang isa kang tuod na kahoy dahil sa panghuhusga mo. Masakit kasi nang napagtanto kong may kapangyarihan kang paikutin ang mga letra sa aking diksunaryo, upang makahabi ng mga talata at kuwento. Pero ang hitsura mo ay kahusga-husga. Mahaba ang kuko, patay na mga buhok, sugating mukha. Nakatira ka sa Quezon.

DAGLIAN | 42


DE GUZMAN, GYRUS ALBERT “CHUBBY”

“Ano! Masarap ba!? Masarap ba ang asawa ko!?” sabi nang artistang pinapanood ni Jonel sa isang estasyon ng telebisyon. Iyak nang iyak si Jonel habang pinapanuod ang eksenang iyon, sapagkat nagtaksil at nambabae ang kanyang tatay, na syang labis na dumurog sa puso ng kanyang ina. Sinubukang ayusin ng kanyang tatay ang relasyon sa kanyang ina, subalit puro away at bangayan lang ang nangyari, at sa kinalaunan ay nauwi lamang ang kanilang relasyon sa diborsyo. Sa paglipas ng mga taon, ang dating balinkinitang katawan ni Jonel ay naging bilugan na at ganoon din ang kanyang mukha. Ito ay sa kadahilanang napabayaan na niya ang kanyang sarili. Madalas ay makikita na lamang syang kumakain mag-isa sa canteen. Nang dahil sa diborsyo ng kanyang mga magulang, tumaba si Jonel.

DAGLIAN | 43


DIMAANO, HANNAH PAULENE “OZONE”

Pangiti-ngiti sa salamin at walang hiyang pumopostura sa harapan ng sarili ang binatang si Rodney. Malapit nang magmadaling-araw at muli na naming masisilayan ng mga tao ang kabaliktaran ng personang nakikita sa kanya ng iba. Muli siyang kumindat sa salamin at mahiyaing inayos ang kwelyo bilang hudyat ng isang pagbabagong-katauhan. “Pa! Alis na ‘ko!” Nakakunot ang noo ng kanyang ama, simbolo ng pagkaiyamot na nararamdaman. “Na naman? Gabi-gabi ka na lamang na naririyan sa disco! Diyan na nauubos ang baon mo!” sigaw pabalik ng ama. Siniring ni Rodney ang kanyang mga mata at inayos muli ang tirik na tirik na buhok na sa palagay niya’y nagulo dahil sa simpleng pagtugon sa ama. Ngumiting muli ito sa salamin at pinraktis ang kimi at tahimik na katangian. “Tahimik ka ngayong araw at ang personalidad na iyan ang makikita ng mga tao sa loob ng disco,” bulong niya sa sarili. Lumabas siya sa kanyang silid at muling nagmaktol sa ama, “Kulang ang baon kong ito! O-order pa ako ng cocktail na masarap mamaya!” pagalit nyang sigaw. Humalakhak ang ama, itinuturo ang balitang umeere sa telebisyon. “Hindi ka matutuloy ngayon. Nasunog na ang Ozone disco mo!”

DAGLIAN | 44


SALAZAR, YNA “MIMI”

Si Toto ay anak ng pinakasikat na hardinero sa bayan. Ngayo’y nasa harapan siya ng salamin ng palikuran, gulong-gulo kung paano aayusin ang tirik na buhok na nagmistulang balat ng langka. Nagkukumahog mag-ayos si Toto ng sarili para sa kanyang iniirog. Nagulat man sa biglang pumasok ng palikuran ay bumalik pa rin sa ulirat. Agad niyang sinipat ng tingin ang lalaking pumasok sa palikuran: matangkad at matangos ang ilong. Kahit walang dahilan ay bigla na lamang itong ngumiti. “Bawal dito ang panget!” usal ni Toto sa lalaki. Napatingin agad sa kanya ang magandang lalaki at nahihiyang lumakad paalis. Kaya’t napangiti na naman siya sa harap ng salamin. Matapos masiyahan sa kanyang hitsura ay nagpasya itong lumabas ng palikuran. Malakas ang loob syang naglakad sa koridor. Mapanghusgang tiningnan ni Toto ang mga nakakasalubong, at handa nang humarap sa iniirog. Mga dalawang hakbang na lamang ay magkalapit na sila. Subalit nang magkasalubong ay agad siyang nilampasan ng kanyang iniirog, si Robert, ang may-ari ng niyogan sa kabilang bayan. “Mimi ko!” tawag ni Toto. Nilingon siya ni Robert at sinabing, “Baklang ngongo!”

DAGLIAN | 45


Ang antolohiyang ito ng mga dagli ay mula sa workshop na ibinahagi ng patnugot sa nakaraang pagdiriwang ng panlalawigang Buwan ng Wika 2018, sa pakikipagtulungan ng Tanggapan ng Panlalawigang Turismo at Ugnayang Pangkultura at ng Sangguniang Pangkultura at Pansining ng Batangas-Sektor ng Panitikan. Halos 30 kabataan ang nakilahok sa workshop, na naglayong ibahagi ang mga kalinangang kinakailangan sa pagsulat ng isang dagling nakatuon sa mga tauhan ng isang salaysay.

DAGLIAN | 46


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.